Chapter 10: The Unexpected Visitor

39.1K 804 8
                                    

Para sayo to kasi ikaw lang ang nagrequest na update.. Sana magustuhan mo..

-----+------

Lian's POV:

Walang klase ngayon dahil intramurals kaya tumatambay lang ako sa soccer field.

Wala rin namang naglalaro doon dahil basketball tournament at nasa gym ang halos lahat ng mag-aaral upang magcheer sa mga players.

Ang sarap ng mag-isa...

Nasa slope ako at naupo sa lilim ng punong acasia.

Hinihintay ko nalang ang time dahil may laban ako ngayon ng archery.

Di na ko nagpractice at para lang naman yun sa isang competition.

Di ko kailangang magpakitang gilas sa kanila.

"Hey! Bakit andito ka? Di mo ba echecheer sina Rave?"

Biglang nasira ang katahimikan ng paligid ng magsalita sa gilid ko si Ashley.

Ang ingay talaga ng babaeng ito..

"Bakit ko naman gagawin yun?" nakataas kilay kong tanong.

"Hello! Eh diba kayo na ni Rave?" sambit ni Ash.

"Ha? Ano? Sinong may sabi?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Eh kasi yun yung balita. Tsaka madalas na kayong magkasama. Ikaw lang yata ang tumagal kay Rave eh.." dagdag pa niya.

Napakunot lalo ang noo ko.

Balita na kami ni Rave? Are they kiddinv me? Gusto ba nilang mapahamak ang binata?

"No di kami." sabi ko at tumayo na.

Pinagpag ko ang kumapit na damo sa pantalon ko at saka pinulot ang body bag.

"Aish... Basta! Tara na at kanina pa nagsimula ang laro!" mabilis akong hinila ni Ashley papunta sa gym.

Napasunod nalang ako sa kanya.

Punong puno ang gym at malakas ang hiyawan ng mga manonood.

-_-' ayoko sa ganitong lugar! Ang ingay...

Nag-excuse si Ashley sa mga nakaharang sa dinaanan namin habang sumusuot kami.

Muntik pa akong tamaan ng siko ng tumatalong studaynte buti nalang mabilis ang reflexes ko at agad ko itong nasangga.

"Ash punoan na yata. Wag nalang tayong manood." angal ko.

"No! May upuan na tayo.. Kanina pa kaya kita hinahanap at pinagreserved na tayo nina Louie.

Napailing nalang ako at sumunod sa kanya.

Nasa harapan ng bench pala ang pwesto namin.

Umupo na kami ni Ashley.

Inilabas ko ang headphones at isinuot upang di masyadong maingay sa pandinig ko.

Nanood na ako ng laro.

Ano bang masaya sa mga ganyan.

Gross... Tumutulo ang kanilang pawis habang tumatakbo at nag-aagawan ng bola.

Panay naman hiyawan ng nasa likuran ko.

Pinagmasdan ko si Rave.

Nasa kanya ang bola at nagdidribble naman siya papalapit sa ringside.

Bigla siyang lumingon sa kinauupuan namin at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi.

Pumusisyon na siya sa threepoint area.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon