A/N: Eto na po ang laban ni Rave at Lian.
Pagpasensyahan kung di maayos ang fighting scene.
Nagreserch po ako pero mahirap pala talaga gumawa.
Hehehe! Dumugo ang utak ko nito..
3rd Person's POV:
Magkaharap na nakatayo sa gitna ng arena si Raven at Lian.
Parehong hawak ang katana bilang sandata.
Gumilid naman ang lahat ng gangsters at tila kinakabahan sa magaganap na laban.
Sapat ang espasyo ng lugar para sa kanilang laban.
Dinig ng lahat ang matinis na tunog ng katana na nakalapat ang dulo sa sahig.
Hinubad ni Raven ang kanyang leather jacket at nahantad ang ahas na tattoo sa kanyang balikat na abot hanggang likod.
Rave bent down and stretched his
back.
He turned his neck from left
to right and popping it with a
series of clicks in rapid
succession.
Then, he proceeded to
do the same with the rest of his
body as he loosened up the rest of
his body.
"Wag mong pigilan ang iyong sarili. Lumaban ka ng buong lakas." sabi ni Lian sa kaharap.
Ngumisi at nagkibit balikat lang si Rave.
Naunang sumugod si Lian.
Agad niyang iwinasiwas ang hawak na katana at pinupuntirya ang vital parts ni Raven.
Panay naman sangga ang ginawa ni Raven.
Kazziinnnggg...
Kazzzziiinnnggg...
Tanging tunog ng nagpingkiang bakal ang maririnig sa paligid.
Tila pigil din ng lahat ang kanilang hininga.
Panay ang sugod ni Lian.
Bawat talon niya ay kasabay ng kanyang ataki.
Mabilis namang gumilid si Raven at tamang tama lang na halos dumaplis sa kanyang pisngi ang katana ni Lian.
Napangisi si Rave.
At bago pa naka-bwelong muli si Lian ay binigyan na ito ni Rave ng isang malakas na suntok sa kanyang dibdib.
Sapat ito upang mapaatras sa malayo si Lian.
Sapo nito ang nasaktang dibdib at natigilan ito sandali.
Nang makabawi ay muling sumugod si Lian.
Nakikisabay na si Rave sa kanyang kilos.
Halos mapuno ng alikabok ang buong arena at wala ng makita ang mga tao sa naglalaban sa gitna.
Tanging tunog ng kanilang katana at kalabog ng kanilang mga suntok at sipa ang maririnig.
Napunta ang dalawa sa gilid at itinukod ni Lian ang kanyang paa sa dingding upang makabwelo.
Inikot-ikot ni Lian ang katana sa katana ni Rave hanggang sa mabitiwan ito ng binata.
Napangisi si Lian.
Naging kampante siya kaya pagsugod niya ay di niya napansin na nabuwag na ang kanyang depensa at nagbigay pagkakataon kay Rave na masuntok siya sa tiyan.
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)
ActionLian Vena- she is the legendary assassin. well known in her field.. but, what if she fell in love for a gangster king to whom became her target in return to save the life of her family? what would she chose? love for him? or life for them.. **** Joi...