Chapter 27: Pentagon

30.7K 597 14
                                    

Si Lian at Lion nasa multimedia..

A/N: gaya po ng pangako ko ay bibigyan ko ng POV si Brad.

So eto na po yun..

*******

Brad's POV:

"Kumusta ang pinagagawa ko sayo Trigger?"

"Okay lang po. Maayos kong nagagampanan ang ipinapagawa niyo."

Kasalukuyan akong nasa harapan ni Boss Eagle.

Pinapunta niya ako dahil nahahalata niyang ipapalipat na naman siya ng kulungan.

Oo, nakakulong ang amo ko.

Isang hawla na gawa sa ginto.

Mahirap lumusot upang makausap siya.

Pero kinaya ko ang lahat.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Kung wala siya malamang patay na ako.

***Flashback 13 years ago***

"Walang hiya kang bata ka! Magnanakaw!" sigawan ng mga nakapalibot sa akin habang walang humpay ang suntok at sipa na iginawad nila sa akin.

Gamit ang dalawang maliliit na braso ay pilit kong sinasangga ang pambubugbog sa akin.

Gutom na gutom lang naman ako kaya nagawa kong magnakaw ng isang supot ng tinapay.

"Tama na po! Patawarin niyo na po ako! Gutom na gutom na ako.." pagmamakaawa ko sa kanila.

Subalit tila nabingi na sila.

Ramdam ko na ang panghihina.

Biglang nahawi ang lahat at natigil ang panggugulpi nila sa akin.

Napaangat ako ng tingin.

Bumungad sa akin ang isang lalaki.

Kagalang galang ito sa aking paningin.

Tinulungan niya akong tumayo.

Tingin ko ay takot sa kanya ang mga tao at agad nagsialisan ng makita siya.

"Salamat po." tanging nasabi ko.

"Halika. Dadalhin kita sa ospital." sabi niya.

Umiling ako.

Sanay naman ako sa bugbog.

Sa sampung taon kong nabubuhay sa mundo ay walang araw na di ako nabubugbog.

Kaya ko nga tinakasan ang tiyuhin ko upang makawala subalit dahil sa gutom ay gulpi pa din pala ang aabutin ko.

"Wag na po. Okay lang po ako." sabi ko.

"Kung ganun ay pakakainin nalang kita. Diba gutom ka na?" sabi uli nito.

Napatingin ako sa kanya.

Ngumiti naman ito at inakay ako pasakay sa kanyang magarang kotse.

Dinala niya ako.sa isang malaking kainan.

Namimilog ang mata ko sa nakitang pagkaing nakahain sa aking harapan.

"Ang dami! At mukhang masarap!" halos pasigaw kong sabi.

"Kumain ka na.. Para sayo lahat iyan." nakangiti nitong sabi.

Agad kong nilantakan ang pagkain.

Halos di ako makagalaw sa sobrang kabusugan matapos kong kumain.

"Anong pangalan mo?" tanong niya.

"Brad po. Brad Nuevo." ako.

"Gusto mo bang magtrabaho sa akin?" tanong niya uli.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon