Chapter 16: Protector

35.1K 683 17
                                    

Mahaba habang update to. Ginanahan akong gumawa eh.. Hehehe.. Enjoy!

Para nga pala to sayo kasi nasiyahan ako sa votes and comments mo...

---------++++-------

Lian's POV:

"Nahihibang ka na ba Lian!? What do you think your doing? Kailangang gawin mo ang misyon kundi lagot tayo sa mafia!" nangangalaiting sigaw ni Lion.

Nasa bahay siya ngayon dahil sinabi ko sa kanyang balak ko ng itigil ang misyon.

"Mahal ko si Rave, Lion.. Paano ko siya papatayin?" mahinang sabi ko.

Sa unang pagkakataon mula ng maging isa akong assassin ay nagpakita ako ng kahinaan at emosyon..

Akala ko bato na ako.

Subalit nagbago ang lahat ng makilala ko si Rave.

Nagmahal ako..

Minahal ko siya.

Napasabunot naman si Lion sa kanyang buhok.

"God Lian.." tanging nasambit ni Lion.

Naupo siya sa sofa paharap sa akin at tiningnan ako ng matiim.

"Hahanap ako ng paraan, Lion. Kailangang makuha ko muna sina papa." sagot ko at saka pumasok sa silid.

Iniwan ko si Lion sa sala.

Nakatulala lang ako sa harap ng computer.

Pagdukmo ko ay natabig ko ang folder na nakapatong sa tabi at nahulog ang mga papel na laman nito.

Napatitig ako sa mga papel.

Ang listahan..

Tama.. Isa pa lang ang natapos ko..

Pero tiyak na pinagdududahan na nila ako.

Nagscan ako sa computer at inisa isa ang location ng nasa listahan.

Hinanap ko ang pinaka madaling target.

Subalit nagulat ako ng maispatan ang kabilang screen na nagkokonekta sa cctv na inilagay ko sa lugar ni Rave.

Naroon ang mga ninja assassin ng mafia.

Bwesit! Balak pa yata nila akong unahan..

Mabilis akong napalit ng damit.

Isinuot ko ang ternong ginamit ko noong pasukin ko ang gangster arena at mabilis na inihanda ang mga gamit.

Isa sa pinagkakatiwalaan ng mafia ang mga ninja assassin nila kaya tiyak na balak nilang paslangin na si Rave.

Patakbo akong lumabas ng bahay.

"Lian saan ka pupunta?" sigaw ni Lion na dinaanan ko lang.

Di na ako nag-abalang sumagot at mabilis na sumakay sa aking motor.

Pinaarangkada ko na ito papunta sa bahay ni Rave.

Malayo pa lang ako ay ramdam ko na ang kanilang aura.

Buti nalang at pinag-aralan ko na talagang kontrolin ang aura sa tulong ni master yaki.

Pito silang lahat na pinadala.

Traydor talaga ang mafia.

Umakyat ako sa puno na nasa gilid ng gate.

Palihim akong nagmasid.

Gamit ang telescope ay nagmatyag ako sa buong lugar.

Kita ko ang kinaroroonan nina Rave na kasalukuyang nag-iinuman kasama sina Louie.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon