Chapter 17: On the Way

1.7K 60 8
                                    

Chiara

Dinala ako ng mga paa ko sa park ng subdivision namin. I'm always here whenever I'm feeling lonely, and sad.

I didn't disturb their whatever you may call it scene, instead, kaagad akong dumiretso dito sa park with my uniform on and I still have my backpack with me.

I felt really disgusted right now. Out of all people, ba't si Tita Lea pa? And the latter, ba't si Daddy pa kung gano'ng alam nito na may asawa at anak na siya? Alam kong may past sila based on the rumors that I've heard pero, iba eh.. We're in a new era.

For once, I think I hate Tita Lea-- no, let me rephrase that-- I loathe her. Akala ko mabait siya, akala ko kung sinong santa pero 'yon pala, impostora naman.

Ano ba ang tawag sa mga katulad niya? Ah, mistress, kabit, kerida, ahas. That suits her well.

'Di ko namalayan at tumutulo na pala ang mga luha ko. Ayan na naman, umiiyak naman ako. Ano ba, Chiara? Kailan ka ba mauubusan ng luha? Ang hina-hina mo naman eh!

I was about to get my hanky which is located at my pocket but I stopped midway nang may naglahad ng panyo sa harap ko, a girl is standing in front of me at kaagad na nandilim ang paningin ko nang makilala ko kung sino ito. Well, it's the girl I bumped into earlier. Iba nga lang at 'di na siya nakasuot ng uniform ngayon, she's wearing pyjamas like seriously? This time of the day? She's really weird.

"It's you! Hindi pa tayo tapos!" I exclaimed na ikina-gulat niya at kaagad na umiling.

"A--ako? Hala, hala! Ate, wala po akong kasalanan sa inyo!" wika nito, why do I feel like I'm talking to a whole different person this time?

Ang kaninang nabangga ko, she has this dark aura and this one, has a light and bubbly one. And the way she speaks, iba rin eh.

"Anong walang kasalanan? Pagkatapos mo akong banggain kanina at takbuhan, you'll say na wala kang kasalanan? I'll sue you, my butt hurts because of you!" lintaya ko at tinuro-turo pa siya, natahimik siya and the next thing I knew, tumatawa na siya.

"HAHAHA!" she bursted out laughing na parang wala ako sa harap niya, again, she's really weird.

I glared at her at napansin niya atang masama ang tingin ko sa kanya kaya kaagad naman siyang tumigil as she composed herself and raised her fingers, indicating a peace sign.

"Pasensya na po Ate, pang-ilan ka na po ba sa mga taong pinagkakamalan ako bilang kakambal ko?" sabi niya na ikinagulat ko, kambal? "Ate, ang nakabangga niyo po kanina, 'di po ako 'yon! Kakambal ko po 'yon, kung ano man po ang nagawa niya sa inyo, ako na po ang humihingi ng dispensa." dagdag pa niya, now I get it..

Kaya pala iba, she have a twin and heck, ibang-iba ang ugali nila pero they have the exact same face! Napayuko na lang ako, I felt ashamed for blaming someone over something that she didn't even do.

"Ate, umiiyak ka naman ba?" I heard her asked tsaka umupo siya sa tabi ko, I'm sitting at the bench na naka-pwesto sa mapunong bahagi ng park na ito.

"Tama na po 'yan, ang ganda niyo pa naman po! Dapat po kasi, 'di kayo umiiyak at sige ka, papangit ka niyan!" wika niya at nilahad ulit ang panyo niya sa 'kin the second time around, I didn't hesitate at agad ko rin iyong tinanggap, wiping my tears away.

"Thank you.." I said softly, from my peripheral vision, nakita kong napangiti siya upon hearing what I said.

"Alam niyo po, Ate? Kung ano man ang problemang hinaharap mo ngayon, manalig ka lang at matatapos din iyan. Pagsubok lang iyan eh, sinusubok lang po ni Papa Jesus kung hanggang saan ang kaya mo kaya huwag na huwag po kayong susuko at paghinaan ng loob. Fighting lang Ate ganda, aja!" she added making me smile, a little. She's good at comforting people, eh?

A Love To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon