Chiara
I slowly opened my eyes and I was immediately greeted by a familiar white ceiling, if I'm right, nasa ospital ako ngayon.
Teka...ospital? What the hell am I doing here?
Remembering what happened to me before I lost my consciousness, kaagad akong napangiwi nang maalala kong nahulog nga pala ako sa hagdan. Na-out of balance kaya nadulas, Chiara's stupidness 101.
I adjusted my blurry sight and I tried to move my body pero masyado itong masakit, this is pure torture!
After fixing my sight, I looked down at otomatikong naningkit ang mga mata ko upon seeing a cast on my left hand and a dextrose on the other one. Galing.
"Chiara? You're awake?" kaagad akong napaangat ng tingin— only to see Dad standing at the side of my hospital bed.
What a surprise. Nandito pala siya?
"Yeah.." I uttered.
Well, duh! Malamang gising na ako, nagsasalita na nga, eh! If I'm in my normal self right now, sinagot ko na sana si Daddy kaso I'm not in the mood to argue with him.
"You slept for hours, it's almost two am. You want to eat something?" he said. Wait, almost two am? Then why is he still awake?
"Then why are you still awake?" I asked again, he smiled softly at me.
"Anak kita, Chia. Of course I've been worried sick about you, hinintay talaga kitang magising nang makampante ako." he answered, si Daddy ba 'to? Concerned siya sa 'kin?
That's new! Sana nga, mahulog na lang ako sa hagdan araw-araw nang maramdaman ko ang malasakit at pag-aaruga ng isang Ama.
I grew up craving for my Dad's attention, he's always busy so oftentimes, I do silly things nang mapansin niya naman ako. But hey, sadyang nahulog talaga ako sa hagdan kanina and that's not my intention to do so.
I remained silent at kalaunang napapikit, kumikirot kasi ang kamay ko.
"May masakit ba sa'yo?" tanong niya sa 'kin kaya muli akong napamulat.
Seeing Dad in this situation is a once in a lifetime experience kaya susulitin ko na 'to.
"I'm hungry. Also, gusto kong maupo but my body is in pain." pag-iinarte ko.
"Let me help you." sambit niya.
Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko with my Dad's support, not minding the pain and fortunately, nakaupo nga ako nang maayos.
Ngayon ko lang na-realize na may cast din pala ang ulo ko..
"Anong gusto mong kainin?" Dad asked.
Nagisip naman ako nang kakainin ko nang biglang bumukas ang pintuan, revealing a woman as my face lightened up upon recognizing who it was.
"Tita Lea!" tawag ko rito, gaining her attention, napatingin naman siya sa 'kin at tila nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"Chiara, thank God you're awake!" sabi niya as she handed Dad a cup of coffee at tumayo sa tabi nito.
"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo? Gutom ka na ba?" sunod-sunod na tanong niya.
She looked tired and sleepy pero maganda pa rin. Unfair! Ako nga, when I'm in that state, mukha akong aswang o baliw na nakatakas mula sa mental but look at her! Such a goddess.
I giggled, "Okay lang po ako, Tita." sagot ko "At saka, don't get me wrong pero ba't po kayo nandito?" I asked.
She smiled at me, "Kakatapos lang ng taping namin kanina when your Dad told me na sinugod ka raw sa ospital. Nag-alala ako sa'yo kaya sumama ako." sagot niya at tumingin pa kay Daddy na bahagyang tumango.
I should've squealed in joy thinking na ang isang Lea Salonga, nag-alala sa'kin.
"Dad, I'm hungry." I uttered nang biglang kumulo ang tiyan ko.
"Ano bang gusto mong kainin?" he asked.
"Kanin po tsaka kahit anong ulam." sagot ko, he nodded plainly at nagpaalam na sa amin ni Tita, lalabas muna siya at bibili ng pagkain sa cafeteria doon sa baba.
"Does your head hurt?" tanong sa 'kin ni Tita, ngumiti ako at umiling.
"Tita, masyadong matigas ang ulo ko kaya hindi siya masyadong affected at hindi siya na-damage." I answered, which is totally true, may perks din pala ang pagiging matigas ng ulo ko, ano?
"Sira." she commented while chuckling.
"But seriously, nag-alala talaga kami sa'yo. Buti na lang at hindi ka naman napuruhan, ano ba kasing nangyari? Sa susunod kasi, be careful nang hindi ka masaktan. 'Yan tuloy napala mo at hindi ka nag-iingat." lintaya niya at pumaymewang pa sa harap ko, para siyang Nanay, scolding her daughter for doing something silly.
"Tita, sorry na po. I promise, this will not happen next time, mag-iingat na po ako!" wika ko, giving her the assurance even tho I'm not really sure about it, masakit mang sabihin pero may tanga-tanga side rin ako minsan; causing me to get involve in such accidents.
"Talaga lang ha?"
"Talagang-talaga!"
Nag-usap kami ni Tita hanggang sa bumalik na si Daddy na may dalang pagkain, enough for the three of us. Nagkwentuhan kami and I can't stop laughing because of Dad cranking up corny jokes, puns I say.
Ngayon ko lang ulit nakasama si Dad nang matagal at ang saya pala ano? I missed this feeling...
Kung hindi ko lang kilala ang sarili ko, I would immediately think na isang pamilya kami nina Daddy at Tita Lea. Magaan ang loob ko kay Tita at sana, siya na lang ang Mommy ko at asawa ng Daddy ko. Masaya siguro pag gano'n, 'no? Edi sana, lumaki ako ng may isang Ina at Ama na nag- babantay sa 'kin..
* * * * * *
BINABASA MO ANG
A Love To Remember
FanfictionSometimes, you need to open your heart and learn how to love again.. 「 A LeAga Fanfiction 」