Alysse
"Kumusta ka na, apo?" Daddy Aga's Mom, Ariella Muhlach, asked me as she took a sip on the coffee she ordered earlier.
Ngumiti ako ng matipid though para akong naiihi sa takot. Ewan ko ba kung ba't ganto ang pakiramdam ko ngayon, I'm feeling uneasy whenever I'm with her. I mean, mabait naman siya pero this is the first time na mag-uusap kami, na kaming dalawa lang and the awkwardness is killing me!
"Okay lang po ako." sagot ko, her looks are intimidating na para bang kahit anong oras, pwede niya akong kainin ng buhay!
Hay, ba't pa kasi ako pumayag na makipagkita sa kanya ngayon? Now I'm doomed. Geez, 'di talaga ako nagiisip.
"So... how's Lea as a Mom?" napaangat ako ng tingin ng magsalita siya muli, making my forehead creased in confusion. Why is she asking me that?
"Ho?" tanong ko.
"I hate repeating myself, always remember that pero dahil ngayon lang tayo nagkita, pagbibigyan
kita." she said while gritting her teeth, "Ang sabi ko, how's Lea as a Mom? Is she doing well?" ulit niya sa tanong niya kanina.Napakagat labi ako as I winced in embarrassment, she's really scary! Ayusin mo nga ang sarili mo, Alysse, kung ayaw mong mapahiya pa!
"Si Mommy Lea po? Honestly, she's the best Mom anyone could ever ask for." I answered, tumango lang siya at ngumiti rin ng tipid.
No offense kay Momma Tanya ko pero Mommy Lea is the best---no, pareho naman sila ni Momma eh. They're both caring and sweet pero iba talaga 'pag si Mommy Lea, of course she's my biological l Mom kaya masayang-masaya ako whenever she spends time with me.
I was fourteen when Momma died, when I turned sixteen, Tita Nari, my Mom's sister told me everything. Na hindi ako totoong anak ng Momma ko, na ampon lang ako. Alam ni Tita ang lahat kasi sinabi naman sa kanya iyon ni Momma, dun ko rin nalaman na anak pala ako nina Lea Salonga at Aga Muhlach.
Of course, I was devastated. Sino ba namang hindi? Originally, sa Davao talaga ako lumaki but because of some circumstances, kinailangan naming pumunta ni Tita dito sa Manila and when I arrived here.. dun ko na narealize na gusto ko palang makita ang totoo kong mga magulang, na gusto ko silang makilala.
"Is Chiara treating you well?" nabalik ako sa realidad when Mamita snapped her fingers right in front of me, after asking another question.
Si Chiara? Well... she's kinda nice naman, wala naman akong problema sa kanya though I find it really weird ang pag-sudden change of mood niya.
Nitong mga nakaraang araw kasi, ang ganda na ng pakikitungo niya sa' kin, noon kasi halos patayin niya na ako sa mga tingin na pinupukol niya but of course, don't get me wrong. Masaya nga ako na ganto ang sitwasyon namin ngayon.
"Yes po, we're okay naman." sagot ko sabay inom ng frappe na inorder niya para sakin, kanina kasi, she sent me a message saying na magkita daw kami sa coffe shop 'di kalayuan sa subdivision ng bahay nina Daddy.
Gusto ko sanang tanungin kung ba't dito pa, pwede namang sa bahay na lang nila pero natatakot at nahihiya ako. Parang siya kasi iyong tipo ng tao na isang maling galaw mo lang, sisinghalan ka na agad. Scary.
Pano kaya nagawang maka-survive nina Daddy at Tita Kate sa kamay niya? Hmm.. baka judgemental lang talaga ako, baka mabait naman 'tong si Mamita eh!
"Alysse, 'pag may problema sa pamilya niyo, make sure to inform me, okay? If anything happens like kapag nag-away ang mga magulang mo or what, sabihin mo kaagad sa' kin. Nagkakaintindihan ba tayo? Ipangako mo sa' kin iyan." she said seriously while giving me piercing stares na tila ba 'pag humindi ako, lagot ako sa kanya.
I gulped as absentmindedly, I nodded my head, "Opo. I promised."
___
Chiara
"Wow naman, I'm so happy for you Chia!" masayang wika ni Kallie pagkatapos kong maikwento sa kanya ang mga nangyari kahapon.
Kakauwi lang namin kanina from Tagaytay, inaya ko si Kallie na mag-mall kami since I'm bored at wala naman kaming pasok so basically, this day is just a chill day for the both of us!
"But you know what Kall, I shouldn't feel this way. 'Di dapat ako makaramdam ng kasiyahan while I'm with the both of them." wika ko while shrugging my head.
Pakiramdam ko...unting-unti na akong bumabait eh! I mean yes, I'm acting as one pero kahapon.. my actions are sincere! 'Di pilit ang mga ngiti at tawa ko and that's bad, really.
"Can't you just be happy for your Dad and Ms. Lea? Alam kong masakit pakinggan pero they love each other, Chia, tsaka obvious naman na tanggap ka ni Ms. Lea eh! Sa actions niya, she treats you like her own daughter so wala namang problema 'dun!" mahabang lintaya niya, I rolled my eyeballs in annoyance.
"Iyon na nga ang problema ko Kall eh! They love each other! Para sa Mommy ko lang ang Daddy ko, 'di para kay Lea! Si Mommy at ako dapat ang kasama niya ngayon, 'di si Lea at Alysse!" I exclaimed.
Kallie groaned and rolled her eyeballss at me in return, "You're my friend but let me say this; you're being selfish."
Parang kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya. Selfish? Me? Sa tagal ng pinagsamahan namin, ngayon niya lang akong natawag na selfish and I don't even know why I'm making a huge fuss about it. Naapektuhan ba ako sa sinabi niya kasi totoo iyon?
Palibhasa, she's saying that kasi hindi naman siya ang nasa posisyon ko.
"I'm out." malamig na sambit ko as I grabbed my shoulder bag at tumayo na, I made my way palabas ng restaurant na pinagkainan namin kani-kanina lang.
"Chiara, Chiara! Hey! Chiara!" she called pero 'di ako lumingon at mas binilisan pa ang paglalakad. Bahala siya sa buhay niya. I hope she gets the fact na napikon ako sa pagtawag niya ng makasarili sa' kin.
Pumasok ako sa comfort room ng mapagtanto kong hindi na ako nasundan ni Kallie. Mabuti naman.
I went inside the cubicle as I hung my bag bago tuluyang pumwesto upang umihi.
"Everything is now a mess. It's all getting worst!" napintig ang tenga ko sa narinig mula sa labas ng cubicle kung nasaan ako ngayon, that feminine voice, it's familiar!
It's her voice! Woah, nandito pa pala siya sa Pinas?
"Sunod-sunuran ka' rin kasi sa kanila, ang tanga mo! You could've said no pero anong ginawa mo? Pumayag ka!" wika nito at parang galit na galit, for I know, may kausap ata siya sa telepono niya. Sino naman ito?
I stood up from sitting at the toilet bowl at inayos ang leggings ko sabay dikit ng tenga ko sa pintuan, im eavesdropping pero hindi ko na kasalanan iyon! We're in a public place anyway.
Kung ano man ang pinaguusapan nila ngayon.. that's pretty interesting.
"You're ridiculous, nagpasilaw ka sa pera! Sa ginawa mo, nasayang lang ang pinag-aralan mo! Edukada ka pa naman pero ngayon, hindi na. Sayang ka Nari, sayang ka." she said na ikina-kunot ng noo ko.
Saan ko nga ba narinig iyon? That name is pretty much familiar. Narinig ko na iyon eh, I just can't remember where! Think Chiara, think!
"Bakit hindi po sumama si Alysse?"
"Umuwi siya sa kanila, she missed her Tita Nari."
That's it! Ang Tita ni Alysse, her name is Nari pero teka.. magkakilala sila? Paano?
Nakarinig ako ng yabag at tila palabas ito ng comfort room, naghintay muna ako ng ilang segundo bago tuluyang lumabas na rin sa cubicle na pinagtataguan ko while listening to the woman earlier. Wala ng tao so probably, she already left this place.
My forehead is creasing while starring at my reflection in front of this huge mirror. Naguguluhan ako. Everything's confusing.
Paano magkakilala si Tita Analaine at ang Tita Nari ni Alysse? How did that happen? If so, tungkol sa ano ang pinaguusapan nila? Damn, sumasakit ang ulo ko kakaisip!
* * * * * *
BINABASA MO ANG
A Love To Remember
FanfictionSometimes, you need to open your heart and learn how to love again.. 「 A LeAga Fanfiction 」