Chapter 11: Question

1.9K 67 4
                                    

Chiara

"HAHAHA!"

Isang nakaka-pesteng tawa mula kay Eros ang bumungad sa' kin the moment I stepped inside our house.

Ater four days of being admitted, nakauwi na rin ako sa wakas; pwera nga lang at may cast pa ang ulo at kaliwang kamay ko.

I want to cross my arms pero 'di ko magawa kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay, "Anong nakakatawa?"

"Sorry couz, ang tanga mo kasi kaya 'yan tuloy, tignan mo ang naabot mo!" wika niya habang tumatawa pa rin, I rolled my eyeballs at him as I leaned a little forward tsaka kalaunang binatukan ang bwisit na 'to.

"You piece of shit! Ilang araw akong na- confine at ano, 'di mo man lang ako binisita? Such an arse, mas inuna mo pa ang mga babae mo kesa sa 'kin!" I said with voice full of annoyance.

Ni hindi man lang ako binisita nitong peste kong pinsan, tanging mga katulong ko ang mga nagbabantay sa 'kin. Well, every night, Dad is the one who's looking after me with Tita Lea.

Medyo okay na kami ni Daddy, parang bumalik na ang dating siya at dating ako.

"I'm busy, mas marami pang importanteng bagay kesa sa'yo ano." he said as he tousled my hair.

Magsasalita pa sana ako kaso nagsalita siya ulit, "But I'm glad that you're fine. Nag-alala rin ako sa'yo."

May sweet side rin pala ang gagong 'to, ano? "Corny mo, ew! Go away!" I hissed.

"Chiara!" someone called my name kaya napalingon naman ako to see who it was, Tita Kate is coming towards my direction as she hugged me real tight while rubbing my back.

"Buti naman at okay na ang paborito kong pamangkin!" wika niya while chuckling, si Eros, pa iling-iling lang habang nakatingin sa amin ng Mama niya.

"Tita Kate, baka po nakalimutan niyo? Ako lang naman po ang nag-iisa niyong pamangkin!" I told her, she just laughed it off as she let go of our hug.

"Sorry Chia, ah? 'Di kita nabisita, baka kasi maabutan ko pa doon si Lea, masisira lang ang araw ko!" she exclaimed na ikinakunot ng noo ko. Anong meron kay Tita Lea at kay Tita Kate?

"Seriously, Tita? May issue po ba kayo kay Tita Lea?" I asked her directly, ngumiti lang siya as she caressed my cheeks using her palms.

"Wala naman, I just hate it when she's around. Talk about the past and all.." sagot niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Past?

"Nako Ma, kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo kay Chiara eh!" Eros retorted at tsaka hinila niya ako palayo kay Tita Kate.

"Tara couz, kain tayo, for sure gutom na 'yang mga dragons sa tiyan mo." sambit niya at hinila ulit ako.Seriously? Why do people love to drag me around all the freaking time?

Habang naglalakad kami patungong dining area, Tita Kate's words is still bothering me. Anong meron kay Tita Lea noon at parang inis na inis si Tita Kate sa kanya?

"Chiara, tama na 'yan. 'Wag mo nang isipin ang mga pinagsasabi ni Mama." Eros said, bakit ba feeling ko may alam din ang isang 'to?

I stopped walking, so did he, "Anong meron kina Tita Lea at sa Mama mo?" I asked him.

Natigilan naman siya as he stared at me blankly, "Kung ano man ang meron sa kanila noon, mas mabuti pang 'wag mo nang alamin." he said in a firm voice. So not Eros!

Mas nadagdagan lang ang mga katanungan sa isip ko.. Matanong nga si Daddy mamaya, that's it kung may makuha akong matinong sagot mula sa kanya.

I was around 10:00 pm when Dad finally arrived, umupo ako sa dulo ng staircase while waiting for him to come inside kasi for sure, inaayos pa nito ang kotse niya dun sa garage.

Maya-maya pa, bumukas na ang front door revealing him at nagulat siya nang madatnan niya ako, magkaharap kasi ang staircase tsaka ang front door tapos sa right side ang salas at sa left naman ang kusina.

He went to my direction at tumayo sa harap ko, "Ba't gising ka pa, Chia? You should be sleeping by now.." wika niya at halata sa boses niya na pagod na rin siya.

I sighed as I glance at him, "Can we talk?" tanong ko.

Tumango siya at umupo sa tabi ko, inilapag niya muna ang mga gamit niya as he give me his full attention.

"About what?"

Gusto ko siyang tanungin tungkol kina Tita pero biglang umurong ang dila ko, instead, iba ang lumabas sa bibig ko.

"I... I missed my Mom," sabi ko as tears started to flow from my eyes.

I promised myself not to cry again in front of Dad. I promised not to, but then why am I crying? Tsaka, ba't ko sinabing miss ko si Mommy? Do I really miss her?

Of course I do, walang araw na hindi ko siya iniisip. She's my Mom after all.

Mas lalo akong napaiyak when Dad hugged me, binaon ko ang ulo ko sa balikat niya and sureball, basang-basa na ito dahil sa mga luha ko.

"Tama na 'yan, Chia. Hush baby.. Wherever your Mom is, I know she missed her baby too." sambit niya while caressing my long hair. Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya.

Does she really? Ni isang tawag o email, wala akong natanggap mula sa kanya so I highly doubt it.

I remained in that position while still hugging Dad nang may naalala ako, there's this question that kept on bothering me since then. A question that caused me to distance myself away from my Dad kahit na walang kasiguraduhan kung totoo ba 'yung narinig ko noon.

Bumitaw ako sa yakap namin as I look at Dad, I wiped my tears away at bumuntong hininga before firing him the question which I'm really desperate to know the answer.

"Daddy, isang tanong isang sagot, anak niyo ba talaga ako?" I asked and my Dad's jaw dropped upon hearing it.

* * * * * *

A Love To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon