Chapter 27: Stay

1.7K 87 13
                                    

Lea

"Thank you for your cooperation, Ms. Salonga! I hope nothing but the best for Ms. Muhlach!" masayang wika ni Ma'am Diaz after almost an hour of talking about Chiara's behavior.

Ngumiti ako as I took a glance at Chiara who's currently, rolling her eyeballs at me.

"Don't worry Ma'am, we'll work things out." sagot ko at tumayo na, nakipag-shake hands ako s akanya as she lead me and Chiara towards the door.

After saying proper goodbyes, me and Chiara are now walking at the hallways at kaunting studyante na lang ang mga nandito. It's past their dismissal time kaya siguro, wala ng masyadong tao which is a good thing.

"Sasabay ka sa' kin, I'll drive you home." wika ko, breaking the silence between the both of us. I heard Chiara sighed and from my peripheral vision, I can see her frowning.

"No thanks, magpapasundo na lang ako kay Kuya Felix." she answered, referring to her driver. Tumigil ako sa paglalakad at napansin niya iyon kaya tumigil rin siya, "What now?" she asked me.

"You don't have any choice, Felix won't be here because your Dad told him that I will be the one who's fetching you from school kaya kung ayaw mong maiwan dito hanggang magdamag, sumama ka na sa' kin." naiinis kong turan at mukhang nagulat naman si Chiara dahil dun.

Oh please, hindi sa lahat ng beses, mahaba ang pasensya ko. Nakaka-pagod rin minsan eh, Chiara's testing how far my patience will be so you can't blame me for feeling like that.

Leaving Chiara behind, nauna na akong maglakad at napansin kong sumunod naman siya. Gaya ng sinabi ko, wala siyang choice.

We arrived at the car park at agad ko ring nakita ang sasakyan ko, I unlocked it and I was about to enter inside the driver's sit but I stopped midway when I noticed that Chiara is not moving, nakatayo lang siya sa likurang bahagi ng sasakyan ko habang nakatingin sa' kin.

"Chia, come on. Mahamog na o, tara na." I said pero hindi pa rin siya gumagalaw, I heaved out a deep sighed as I went to her direction, tumayo ako sa harap niya and as if on a cue, umiwas siya ng tingin.

"I'm. Not. Going. With. You. Period." giit nito, "I'd rather stay here, mas gugustuhin ko pang manatili ng magdamag dito kesa kasama ka." she added, I bit my lower lip to prevent myself from reacting.

Bakit parang sinaksak ako ng ilang beses sa tuwing marinig ko na ayaw sa' kin ni Chiara? 'Di pa ba ako nasanay? Why does... it hurt a lot?

Napa-buntong hininga ulit ako as I forced a smile, ano bang gagawin ko maibsan lang ang galit niya sa' kin?

She's not the Chiara I used to know, napuno na ng galit at poot ang puso niya and I feel bad about it lalo't na.. alam ko na ako ang dahilan kung ba't siya nagkaka-ganito.

Magsasalita pa sana ako ng ngumiwi si Chiara, napahawak siya sa noo niya at mariing napapikit after doing that.

"Are you okay?" I worriedly asked her, she looked sternly at me sabay tumango.

"Yes!" sagot niya but I wasn't convinced, just like what she did, I immediately put the back of my hand at her forehead at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong mainit siya.
May lagnat siya? Then, we must go home now ng magamot ko siya!

"You're burning, we better go home so that you'll feel better!" I said at hinila siya papasok ng passenger's sit, before she can even protest, I closed the door as I went to the other side at pumasok sa driver's sit.

Akmang lalabas siya pero naunahan ko na siya, I locked the door kaya tinignan niya ako ng masama dahil dun.

"What the heck are you doing? Hindi nga ako sasama sa'yo eh! Let me out!" she exclaimed.

"Chiara, stop. You're sick. Kailangan kitang iuwi ngayon din ng magamot kita, please, kahit ngayon lang, let me take care of you." pakiusap ko sa kanya, she threw me a piercing glare but good thing, she didn't protested. Umayos siya ng upo as she buckled her seatbelt, I secretly smiled in victory kasi sa wakas, napapayag ko na rin siya.

___

We arrived at their house earlier than usual, binilisan ko talaga ang pagmamaneho because I'm worried sick about Chiara who's obviously, not feeling well. Buong biyahe siyang hindi mapakali at nakahawak lang sa noo niya.

I took a glance at her na ngayo'y nakapikit habang nakasandal ang ulo niya sa bintana.

"Chia, wake up, we're here na.." sambit ko at marahan siyang niyugyog, she slowly opened her eyes at agad na umayos ng upo ng mapansing nandito na nga kami.

"Kaya mo bang maglakad? Baba ka na or should I assist you?" tanong ko sa kanya.

"Hin..di ako pilay, of course I can walk!" she retorted at nauna ng lumabas ng sasakyan, napailing na lang ako at lumabas na rin.

We made our way inside their house, umakyat siya sa second floor at dumiretso naman ako sa kusina kung saan nadatnan ko ang mga katulong nila.

"Magandang gabi po, Ma'am Lea!" sabay-sabay na bati nila, they're three of them and I can say na mababait at mapag-katiwalaan din naman sila.

"Magandang gabi rin, can you cook something for Chiara? May sakit kasi siya eh, a vegetable soup will do." pakiusap ko sakanila.

"May sakit si Ma'am Chiara?" 'di makapaniwalang tanong ng isa while the other two, prepared the ingredients ng makapagluto na sila.

"Yes, ang init-init nga niya." sagot ko.

"Ay alam niyo po Ma'am Lea, pag si Ma'am Chiara nagkasakit, hindi niya pinapaalam sa iba at ayaw niyang inaalagaan siya. Minsan nga po, magugulat na lang kami, bababa siya dito ng ka-tamlay-tamlay at ang init-init na pala niya." pagkwento niya na ikinagulat ko. Chiara does that? But, why?

"Noon kasi ng dito pa nakatira si Ma'am Clara, siya palagi ang nag-aalaga kay Ma'am Chiara, ayaw 'nun na inaalagaan siya ng ibang tao, Mommy niya lang daw dapat." dagdag pa ng isa habang hinihiwa ang mga gulay.

She doesn't want someone to take care of her? Pero, I can't leave her here ng nasa gano'ng sitwasyon!

"Ya, pakihanda ng gamot, mamaya kapag natapos na kayong magluto, iakyat niyo iyan sa kwarto ni Chiara ha?" bilin ko, tumango lang sila bilang pag-sang ayon.

Lumabas ako ng kusina as I made my way to the second floor at dumiretso sa kwarto ni Chiara, naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya habang nakatalukbong ng kumot.

Lumapit ako sa higaan niya and right now, she's peacefully sleeping. Inilagay ko ulit ang kamay ko sa noo niya at halos mapamura ako ng mas lalong uminit ito. It's getting worst!

Inilapag ko ang bag ko sa side table niya as I went inside her walk in closet, nakakalat sa sahig ang uniform niya so probably, she changed into her PJs. Pinulot ko naman ang mga damit niya as I put it inside her hamper. I looked through her closet hanggang sa makita ko na ang mga nakahilerang bimpo, I grabbed one at lumabas na, binasa ko muna ito sa loob ng banyo niya bago tuluyang bumalik sa tabi niya as I placed it on top of her forehead.

Chiara flinched a little as she opened her eyes, magsasalita pa sana siya when I stopped her from doing so.

"Shh, rest Chia, just rest." wika ko while caressing her long hair, umayos ako ng upo at pinagmasdan ko lang siya until she drifted to sleep, again..

While looking at her, I can't see any resemblance between her and Clara. Maputi si Clara while Chiara is morena, she do looked like Aga more than Clara to me.

Tatayo na sana ako but she held my hand na ikinagulat ko. Gising pa pala siya?

"Tita Lea.. don't leave me, please... stay." pakiusap niya, almost out of voice. Upon hearing that from her, it melted my heart kaya 'di ko maiwasan ang 'di mapangiti.

Umupo ulit ako sa tabi niya at ikinagulat ko ng isiksik niya ang sarili niya sa' kin and she kept on uttering words na huwag ko daw siyang iwan.

I smiled at her, "Don't worry, I'm gonna stay with you Chia. Promise, I won't leave you.." wika ko.

* * * * * *

A Love To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon