2

266 3 0
                                    

Spirits of Yolanda

Avid reader ako ng spookify at madalas akong magpuyat kakaantay ng mga updates nyo. So eto nga, nangyari to kaninang madaling araw lang. So, facebook facebook, scroll-scroll. Syempre walang ka chat. (Tangna walang forever mga ul•l) habang nagbabasa ako ng mga nakakalokang kwento niyo may narinig akong katok mula sa pinto ng kwarto namin. At eto bes, lima ang kwarto ng bahay at nasa masters kami. WALANG TAO SA BAHAY KAGABI except sakin at sa tita kong katabi kong matulog. So syempre kala ko guni guni lang. wakompakels pakyu. Nagpatuloy akong magbasa sa cp ko TANGNA BES biglang nag shut down. parang nagblack. E 56% PA YUN. Nagulat ako pero at the same time muntik na din ako mapasigaw. BES YUNG REFLECTION SA SCREEN HINDI AKO! HUHU TNGINAAAA PARANG HUMIWALAY ANG KALULUWA KO NG BERI BERI LIGHT. Di ko alam pano idedescribe. Ang bilis ng pangyayari bes. Basta ang nakita ko malabong imahe ng babae at namumula ang mata! Tapos biglang nag power on. Bumulaga sakin ang wallpaper ko, oras, date at petsa. Tangna "2:59 Tuesday, Oct 25 2016" naka lagay. Shet. Patay malisya nalang ako para hindi magising yung tita ko. E tulog manok yun at ayaw ko ng madagdagan ang takot ko kaya yung phone ko sinuksok ko sa ilalim ng unan. Nagkumot ako tsaka pilit na maka tulog. Tapos yun, nagising nako. Di pa masyadong bukas ang mata ko dahil sa kakagising ko lang. Nakaharap ako sa may pinto ng banyo ng kwarto at tabi nito ang malaking salamin. Napansin kong wala yung tita ko. Saktong paglingon ko sa banyo naabutan ko siyang papasok dun pero likod nalang ang nakita ko. Naiihi na ko pero hindi muna ako tumayo dahil nasa loob pa tita ko dahil naririnig ko ang awas ng tubig. PERO WAKANAINA BES!! BIGLANG BUMUKAS ANG PINTO NG KWARTO AT PUMASOK YUNG TITA KO!! Napabangon ako. Gulat na gulat kase buong akala ko nasa CR siya. "Oh? Bat ganiyan ka makatingin saken?" Tanong niya. Hindi ko nagawang sumagot kase alam kong naririnig din niya ang tubig na nagmumula sa banyo dahil nanlaki ang mata niya sakin. Bigla niyang binuksan ang banyo. TANGAMAAAAA WALANG TAO. TAPOS NUNG NAPATINGIN AKO SA SALAMIN BES BABAENG TUMATAWA. BASANG BASA SIYA TSAKA MARAMING SUGAT HUHUHUHU TNGNAAA KASALANAN TO NG YOLANDA E. MAG AANIVERSARRY NA KASI TO SA NOVEMBER 8 KAYA SIGURO HUMIHINGI NG DASAL. KALOKA KAYO HA. NABAWASAN ANG BEAUTY KO NG BERI BERI HARD KANINA. HANGGANG NGAYON KINIKILABUTAN PARIN AKO. 

PersTaymer
Tacloban, Leyte

Compilation Of Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon