20: Camille II

78 0 0
                                    


“Camille Part II”

Salamat Admin sa pagpost ng story ko at sa paghide ng identity ko.

Nasabi ko sa unang story ko na “Natatakot na ako hindi dahil nakakatakot sila pero dahil sinusunod nila ang masamang sinasabi ko”. Actually, patungkol iyon sa mga hindi ko sinasadyang sinabi dahil galit ako.

Una, sa classroom hindi maiiwasan na magkaroon ng alitan lalo na at science section (star section) kami. Patalbugan ng kagandahan, padamihan ng recitation, pasipsipan sa teacher, paagahan pumasok at kung anu-ano pa. At dahil ako ay running for valedictorian, madaming inggit. Pero ang pinakakinaiinisan ko ay si muse na tawagin nating Bianca. Si Bianca ang laging panlaban ng section namin sa pageant, pero kung gaano kaganda ang mukha nya ay ganoon din kapangit ang ugali nya. Maarte sya at masyadong plastic.
Nahuli ko sya noong natingin sa notes nya habang nagquiz kami. Honesty ang main practice sa school at dahil doon, palihim ko siyang isinumbong sa teacher namin.

Nalaman niyang ako ang nagsumbong kaya nang magkaharap kami sa adviser namin, hati ang section sa 3 vs. 35 (yata yun?). Ang kumampi sa akin noon ay seatmate ko at yung binubully lagi. Binaliktad nila noon ang kwento kaya instead na siya ang mapatunayang nangongodigo, ako ang lumabas na masama. Sobrang sama ng loob ko noon kaya bigla kong sinabi, “Magkakasakit kayo ng matindi, sinusumpa ko!”

Major offense ang cheating sa school namin, na suspend ako for two weeks at dahil din doon kaya hindi ako nakahabol ng notes at naging 2nd na lang ako. Naging dahilan iyon ng pagiging grounded ko for 3 months at definition iyon ng hell life para sa akin. Ilang gabi din akong umiiyak noon. Pero ang pinaka kinatatakot ko, nag-umpisa na akong makipag-usap sa 'kanila'. Hiniling ko sa kanilang tanggalin ang ganda ng mukha na meron si Bianca at ipaghiganti ako doon sa mga sinungaling na kakampi nya.

After ng two weeks na suspension ko, unang lumabas sa school newspaper ang headline na “The Decrowned Queen”. Nabasa ko doon na nahulog daw sa hagdan si Bianca at mukha nya ang pinakanaapektuhan. May cut siya sa noo at nabalatan yung pisngi niya dahil tumama daw iyon sa hawakan noong hagdan at yung ilong nya daw ay nadislocate. Yung iba naman ay nafood poison daw at si sir ay inooperahan sa mata matapos masundot ng kahoy. Kinilabutan ako noon dahil hindi ganoon kalala ang gusto ko. Hindi ko inexpect na kapahamakan ang mangyayari, ang akala ko ay idedeform lang nila ang mukha nya o kaya titisudin yung iba at si Adviser ay masususpend din.

Kaya simula noon, tinawag ako sa buong school na mangkukulam, baliw, may sapi, at kung anu-ano pa. Lahat sila iba na ang tingin sa akin. Mabuti na lang at nagtransfer na ako pagtuntong ko ng third year.

Isa pang nagpatunay na ginagawa nga 'nila' ang hindi ko sinasadyang masabi ay noong muntikan na akong mabangga ng motor. Napasigaw talaga ako noon ng “Laking tuwa ko kapag sumemplang ka! Bwiset!”. Tandang tanda kong lumingon sya noon sa akin bago sya mahagip ng jeep sa intersection. Yung pinsan ko noon na kasama ko nagulat din sa nangyari. Hinampas nya ako sa braso kasabay ng pagsasabing bakit daw humiling ulit ako ng masama.

Ikatlo ay nang makipag-away ako sa mahaderang si Nicole (di totoong pangalan). Taga samin lang siya at may-ari sila ng tindahan. Mula pa talaga bata ang alitan namin pero sya hindi makamove on. Kapag inuutusan ako ni Mama bumili ng kung anu-ano, sa kanila ang pinakamalapit kaya tindahan nila ang unang pinupuntahan ko. Kaso laging ang sagot nya "Wala" kahit na meron talaga. E yung sunod na tindahan ay napakalayo pa talaga. Sa gigil ko nasabi kong “Sana maubusan talagang totoo iyang tindahan nyo!”. Kinabukasan nga hindi na sila nagbukas, balita daw ay ninakawan sila ng gabing iyon at lahat ng paninda nila ay tingangay.

Kaya ngayon, alam ko na na I should be careful (for) what I wish for. Ayoko nang makapanakit kaya kapag nag-iisip ako ng masama sa kapwa ko, humihingi na kong tawad kay God. May nakapagsabi din kasi sa akin na safe ang iniisip ko sa 'kanila'. Kaya nila nagagawa yung hinihiling ko ay dahil sinasabi ko ito direkta. Kaya kayo, may ability man po kayo o wala, wag po kayong hihiling na makasasama sa kapwa nyo. May kapalit iyon.

Iyon lang po Admin. Magkukwento pa po ako bukas. Sana po mapost ito. Part III ay tungkol naman po doon sa mga gustong kumuha sa akin at mystery ni Lola ko na mangtatawas at ang mama nya na great grandmother ko.

P.S. Sa nagtatanong po ng itsura ng demonyo, usok lang po sya na sobrang itim. No form, no human shape, walang sungay o tinidor o buntot. Itim na usok lang.
P.P.S. Bakit Camille yung title? Camille po yung title kasi trip ko lang po talaga. Katunog kasi ng Camille ang pangalan ko.
P.P.P.S. Yung island thing po, katutubo po kasi yung tawag namin dahil sila yung tipo ng mga tao na naniniwala sa sirena at tiktik at engkanto sa gubat.
P.P.P.P.S Sa nagsuggest ng mga ikocontact ko to ask for an advice or help. Thank you po. God bless everyone. Have a stronger faith, pray more then worry less. Salamat Admin.

© to Spookify

Compilation Of Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon