"Graduation"
Nangyari ang lahat bago kami mag graduate ng elementary.
Naalala ko hapon yun, pag katapos ng klase. Nag kaayan kaming mag babarkada mag laro ng spirit of the coin sa isang lumang building sa loob ng aming paaralan. Sa una parang normal lang ang lahat, na curious kaming lahat kung totoo ba talagang may spirit world. Ang hindi naman alam eto pala magiging dahilan kung bakit ka muntik pa kaming hindi maka graduate ng elementary.
Back to the story, nag simula ng gumihit sa papel ang kaklase ko letters from A-Z dalawang bilog ng yes or no and goodbye.
Nag simula na kaming mag laro, sa una akala ko may gumagalaw talaga ng coins baka isa sa mga kaklase ko pero kakaiba sa pakiramdam yung tipong parang isang ritmo lang galaw ng kamay namin ( hindi ko na babanggitin yung pangalan ng nakausap namin) na may kung anong pwersa ang nag mamanipula ng barya (isang piso). Kakaiba sa pakiramdam, I feel a presence of something na paikot ikot lang sya saamin habang nag tatanong ang aming kaklase. Nararamdaman ko din na tumataas yung itim ng mata ko and I prayed. Hanggang sa nakadilat ulit ako. Nakita ko ang kaklase ko na puti nalang ang kulay ng mata nya at may babaeng nakatayo sa likod nya. We were really scared hindi namin inaasahan na may magugulo kaming isang kaluluwa.Hindi namin natapos ang laro. Bumitaw ang isa saamin. Sa sobrang takot namin sinunog namin ang papel na ginamit namin. Palabas na kami ng campus ng may isang estudyante ang nagwawala si jeca ( hindi totoong pangalan) hawak hawak sya ng sampung mga lalaki pero hindi sya kinakaya ang lakas ni jeca, hindi rin nila mabuhat si jeca para maisakay sa tricycle. Hindi maipaliwanag kung saan nangagaling ang lakas nya. Ang hindi namin alam may isang grupo din ng grade 6 student ang nag laro ng spirit of the coin at isa dun si jeca at si grasya.
Takot na takot kaming lahat sa nakita namin. Ramdam namin ang talim ng mga mata ni jeca tumatagos iyon saaming buong katawan. Habang si grasya ay hindi pa nag kakamalay. May isang babaeng lumapit kay jeca habang pinipigilan sya ng aming mga guro. Inilagay nung babae ang rosary sa noo ni jeca nag dasal ito, lalong nag wala si jeca pulang pula na mata nya at tila sa ibang tao nag mumula yung boses nya. Tumingin sya saamin at nag sabing: "Papatayin ko kayong lahat wala akong ititira sainyo!" Saka sya nawalan ng malay. Takot na takot kami nuon na umuwi sa kanya kanya naming mga bahay.
Kinaumagahan akala namin tapos na ang lahat pero pinatawag kami ng principal. Hindi padin daw magaling si jeca at si grasya. Binantaan kami ng principal na hindi kami makakasama sa graduation dahil sa nangyari. Kailangan namin sumama para magamot silang dalawa. Pumunta kaming lahat sa TLE room isang kwarto na hiwalay at nakatayo sa likod ng aming paaralan.
Pag karating namin nakita namin ang grupo ng mga kalaro nila jeca mga teacher at isang albularyo si mang kanor (hindi tunay na pangalan). Nagwawala padin si jeca, dinuro duro kami at nag bantang papatayin kaming lahat.
Nag simula na si mang kanor. Nag dasal muna kami. Pag katapos ng aming pag dasal nag iba ng awra si mang kanor parang ibang nilalang na ang kaharap namin. Maliit ang kanyang boses pati ang kanyang mata. Puti lamang ng kanyang mata ang nakikita. Naka indian seat si mang kanor habang naka elevate sa center table. Sinermonan nya kami tungkol sa pangugulo sa mundo ng mga espirito. Kakaiba ang aming nararamdaman sa presensya ng aming kausap. Itoy maihahalintulad sa isang dwende. Ganun pa man ma's napanatag ang loob ko sa presensya nya kahit nag mumura at nag wawala si jeca. Ng matapos sya saamin kinausap ni mang kanor si jeca, sa una hindi ito nakikinig at patuloy sa pag wawala. Kumuha si mang kanor ng isang walis tingting, inipit ito sa daliri ng mga paa ni jeca ( kung sa normal na tao hindi ka masasaktan sa ginagawa ni mang kanor pero ramdam sa boses ni jeca na nasasaktan sya). Kinalaunan biglang umiyak si jeca at sinabing gusto nya lang makita at makasama ang kanyang anak.
Nag salita si mang kanor na ang kanyang anak ay nasa silid at kasama namin. Tinuro ni mang kanor ang lumang ref na nasa gilid. Duon pala nakaupo ang kanyang anak na sumapi naman kay grasya, kaya pala parang umiiyak na bata lang si grasya, hindi sya nag wawala.
Humingi kami ng tawad sa pangugulong nagawa namin. Nagpasalamat ang kaluluwang sumapi kay jeca kasi nakasama at nakita nya muli ang kanyang anak. Bago natapos ang lahat umikot si mang kanor sa buong silid upang mag pausok. Nagalay din kami ng coke isang buong manok itlog at kandila bago kami umalis.
Kinaumagahan pumasok ulit kami sa TLE room, laking gulat namin na wala ng laman ang coke pero hindi pdn nasisira ang selyo, wala na ding laman ang itlog pero hindi pa din ito nabibiyak or buo padin ito. Pero pag katapos ng nangyare nakasama parin kaming nag martsa hudyat ng aming pag tatapos sa elementarya.
Anonymous
© to Spookify
BINABASA MO ANG
Compilation Of Horror Stories
RandomA compilation of HORROR STORIES from the page(s)/site(s) Spookify, Creepypasta, etc. ©tto of the sources and the owners of the stories