23: Ang Lihim ng Apartment

93 1 0
                                    

ANG LIHIM NG APARTMENT (SPG)

Warning: Medyo mahaba ito.

Matagal kong pinag-isipan kung dapat ko pa bang ishare ang napaka pribadong experience ko. Pero dahil may tiwala ako sa confidentiality ng page ay napagdesisyunan ko, na panahon na upang ibahagi ko ito sa inyo. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang sakit at lungkot dahil sa aking natuklasan, hindi ko na yata ito malilimutan pa kailan man. So here it goes..

February 2015, lumuwas ako ng Cavite upang magtrabaho. Isa akong Head Supervisor sa isang Metallic Company, hindi ko pwedeng idetalye kung saan dito sa Cavite. Umupa ako ng isang maliit lang na apartment, dalawang magkatabing pinto lang yun at yung katabi ko ay mag-asawa ang nakatira na bihira kong makita. Magkakalayo ang mga bahay dito, sigurado akong hindi nila maririnig anuman ang maging ingay mo maliban syempre sa katabing pinto ko. Una pa lang may naamoy na akong something na malansa sa loob ng room pero hindi ko pinansin. Mahirap humanap ng paupahan kaya kailangan kong pagtyagaan ito, hindi na ako dapat mag-inarte.

Unang gabi ko sa apartment, nanaginip ako. Isang nursing student na babae, hindi ko malimutan ang kaniyang maganda at maamong mukha. Hindi ko alam kung sino siya at kung bakit ko siya napanaginipan. Basta sa panaginip ko ay nakikita ko siyang masayahin dahilan upang masilayan ko ang kaniyang inosenteng ngiti. Akala ko nung una ay ordinaryong panaginip lang yun, pero nagkamali ako dahil isa lang pala iyong introduction ukol sa babae.

Nasundan pa itong mga panaginip ko na siya ang laman, tila ito isang libro na sa bawat gabi ay natutuklasan ko ang mga nilalaman ng bawat pahina. Unti-unti kong nakikita ang nangyari sa kaniya, ang naging buhay niya, para akong nanuod ng pelikula sa TV.

Kilala siya sa school bilang matalino, maganda at mabait. Nabibilang siya sa isang mayamang pamilya, wala pa siyang nagiging boyfriend kahit pa marami siyang manliligaw. Marami ang nagkakagusto sa kaniya kasama na ang tatlong guard sa pinapasukan niyang kolehiyo, malagkit at bastos ito kung tumingin sa kaniya. Nakaramdam pa ako ng galit sa mga ito, naiinis ako dahil ayokong may binabastos na babae.

Sa mga panahon na siya ang laman ng panaginip ko, tila may yumayabong na damdamin sa puso ko, nahuhulog ang loob ko sa kaniya kahit pa hindi ko pa siya personal na nakilala. Humanga ako sa taglay na katangian niya, mabuting babae siya at hindi ko maitatanggi ang kainosentihan niya. Hanggang sa dumating ang bangungot ko sa pagkakatuklas sa kinahinatnan ng masaya sanang kabataan niya.

Gabi na nun, malakas ang ulan at nagngangalit ang kalangitan. Pauwi pa lang siya galing sa eskwelahan, hindi na niya namalayan ang oras sa pagkalibang sa pagbabasa sa library. Mangilan-ngilan na lamang ang estudyante na naiwan sa paaralan, hindi pa rin dumarating ang sundo niya kaya napagdesisyunan na niyang magcommute.

Sumakay siya ng tricycle upang magpahatid sa sakayan ng fx, ngunit sa hindi niya inaasahan ay biglang may sumakay na tatlo pang lalaki sa sinasakyan niya. Nagulat siya, namukhaan niya ang mga ito, sila ang mga gwardyang may pagnanasa sa kaniya. Tinutukan siya nito ng patalim at pilit pinatatahimik, wala siyang nagawa kundi ang umiyak at magdasal.

Bumaba sila sa tapat ng apartment na inuupahan ko ngayon! Sa parteng iyon ako nagising, habol ko ang aking hininga, takot na takot ako. Hindi ko alam kung anong iisipin ko, parang sinasakal ako, kahit hindi pa natutuloy ang istorya sa panaginip ko ay tila alam ko na ang maaaring mangyari sa babaeng nagkaroon na ng puwang sa puso ko.

Hindi ako napakali nung araw na yun, nagpunta ako sa simbahan upang magdasal. Halos ayoko ng matulog, hindi ko na kayang makita pa ang susunod na mangyayari sa kaniya. Hindi ako pumasok sa trabaho, namasyal ako upang mawaglit siya sa isip ko. Nanood ako ng DVD, ayokong antukin, pero wala, dumating ang kinakatakutan ko, nakatulog ako at napanaginipan ko ang mga kasunod na nangyari sa babaeng hinahangaan ko.

Palihim silang pumasok sa apartment, palinga-linga sila kung may tao. Nung nakita nilang wala namang nakapansin sa kanila ay agad silang pumasok sa loob bitbit ang babae. Itinali nila ang babae sa kama, nilagyan ng busal ang bibig. Hinubaran nila ito at ginahasa ng paulit-ulit habang walang sawang sinasampal at nilalatigo ito. Pinagpasa-pasahan nila ito at sadistang tuwang-tuwa sa pagpaparusa sa kaniya. Iyak siya ng iyak, nakita ko sa mga mata niya ang poot at sakit sa walang habas na panghahalay at pananakit sa kaniya. Gusto ko siyang tulungan, gusto kong patayin ang mga lalaking walang pusong umaalipin sa kaniya. Pero wala akong magawa, wala ako sa eksena at napapanood ko lang ang bagay na nakalipas na.

Hating-gabi na nung tigilan siya ng mga hayok na lalaki, patang-pata siya at hindi na makagalaw. Pinainom nila ito ng tubig, matapos nun ay nilagyan nila ng packing tape ang bibig nito para hindi makalikha ng ingay, saka iniwan na.

Araw-araw, binabalikan nila ito upang gahasain, nakakakain lang ito at nakakainom kapag dumating na sila, samakatuwid isang beses lang siya kumakain sa isang araw. Bigla itong pumayat, puro pasa ang katawan at hindi na makilala sa dami ng sugat at latay sa katawan. Puro hikbi na lang ang maririnig sa loob ng kwarto, hindi na rin siya makalaban, mahina na siya.

Tumagal ng halos isang buwan ang paulit-ulit na pangmomolestiya sa kaniya hanggang sa dumating ang oras na nagsawa na rin ang mga ito at tuluyan na siyang patayin. Siya na rin ang nakiusap na patayin na lang siya upang matapos na ang kaniyang walang katapusang paghihirap sa impyernong bisig ng mga demonyong gwardya. Tatlong saksak sa dibdib ang tumapos sa kaniyang buhay, inilibing siya sa sementadong ilalim ng lababo. Hindi na siya kailan man nakita pa, walang kahit isa ang nakakaalam sa kinasadlakan niya.

Hirap na hirap ang kalooban ko, hindi ko na magawang kumain o matulog man lang ng maayos, hindi na siya mawaglit sa isip ko. Matapos ang panaginip kong yun ay hindi na natahimik ang buhay ko, narealize ko na pumasok siya sa aking panaginip upang makamit ang katarungan.

Agad akong nagreport sa pulisya, nalaman ko nga na matagal na siyang nawawala at masusing pinahahanap ng kaniyang magulang. Nung una ay ayaw pa nilang maniwala sa akin, parang ako pa ang naging suspek sa krimen, pero wala silang matibay na ebidensya laban sa akin at saka ako ang nagsuplong nito sa awtoridad.

Agad nilang tinawagan ang pamilya nito at sabay na pinuntahan ang nasabing apartment at pinahukay ang sementadong ilalim ng lababo, doon nga ay nakita nila ang nabubulok na katawan ng kanilang anak. Tigmak ang luha ng kaniyang mga magulang sa sinapit ng kanilang dalaga, ganun din ako na halos hindi makahinga sa sakit at galit na nararamdaman.

Pinabendisyunan namin ang katawan niya at pinacremate. Nahuli na rin ang tatlong gwardya na gumawa ng krimen, hindi ko lang alam kung anong nangyari at nabalitaan ko na lang na ipinatumba ang mga ito sa loob ng kulungan. Well kung sino man ang may pakana, aaminin kong nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ng katarungan ang kaniyang pagkamatay.

Matapos ang mga nangyari, lumipat na ako sa ibang lugar upang makalimot. Wala na rin akong naging balita pa sa pamilya niya, hindi ko na rin siya napapanaginipan, sana nga ay tahimik na ang kaniyang kaluluwa. Malaki ang naging epekto sa akin nun, pakiramdam ko nawala na yung kalahating parte ng pagkatao ko, dahil nga siguro minahal ko na siya.

Btw, kaya ko nasabing sobrang confidential nito ay dahil ayaw ipaalam ng kaniyang pamilya ang nangyari sa kaniya. Maybe, for private reason. So hanggang dito na lang, salamat sa time na binigay nyo mga readers lalo na sa mga admin na nagpost nito.

PS. May long time girlfriend ako pero hiwalay na kami ngayon, nasaktan siya dahil sa mga naging pagbabago ko. Alam niya na may mahal na akong iba, pero hindi niya alam na ito'y patay na!

TatumTim

© to the person who owns this. Nabasa ko lang kasi 'to sa comment section ng Spookify.

Compilation Of Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon