25: The Mistery at the 7th Floor

74 0 0
                                    

The Mistery at the 7th Floor
Written by: Jezsa Mae Mores

"Uuwi na din ako maya-maya. 11:30 na naman , hihintayin ko lang yung kapalit ko ha? Mag-iingat kayo ng mga bata. I love you hon. Bye!" (Call ended)

Isa akong Security and CCTV controller sa isang kompanya sa Makati. Unang gabi ng trabaho ko ngayon, 6:00pm-12:00am ang oras ng trabaho ko. Medyo mahirap at nakakatakot, marahil ay nag-aadjust lang siguro ako dahil nga, bago sa akin ang trabahong ito. Nasa pinakataas na palapag (12th floor) ang kinaroroonan ng silid na ito.

"Bente minutos bago mag alas dose." -patuloy ang pagbabantay ko sa oras.

Nakatawag pansin sa akin ang isang CCTV monitor na konektado sa hallway ng 7th floor nang biglang nabuksan ang mga ilaw sa hallway. Magbubukas lamang iyon kung may dumadaan ngunit wala naman akong makita ni anino nito. Di maalis sa akin ang pagtataka hanggang sa mamatay na uli ang ilaw dito, kaalinsabay naman nito ang pagbukas ng ilaw sa hagdan tungo sa 8th floor, dun ko natagpuan ang isang nakaputing babae...

Hindi karaniwan ang kanyang kasuutan, mahabang sayang puti, may mahaba syang buhok, at... ang kanyang mga paa na di gumagawa ng yabag ang syang nagpatindig balahibo sa akin.

Napabalikwas ako sa aking kinauupuan nang di ito humihinto sa pagpanaog ng nakalutang sa bawat palapag ng gusali.

Ano bang aking hinihintay? Papalapit sya ng papalapit sa ika-labingdalawang palapag na aking kinaroroonan. Tumakbo ako papunta sa pintuan ng silid habang tuon ang atensyon ko sa CCTV monitor. Ini-lock ko ang pinto at sumandal ng pagka-igting sa pintuan, mula rito ay malinaw ko pang natataw ang babae sa monitor na nasa ika-labingisang palapag na. Ilang sandali na lamang ay narito na sya, di ko maiwasang di nerbyosin dala ng takot at kaba. Ramdam ko na rin ang pawis na tumutulo sa aking pisngi . Sa patuloy kong pag aabang, nakita ko ang isang lalaki sa labas ng pintuan na aking sinasandalan. Lumapit ako sa monitor at kinalaro ang itsura nito, nang bigla syang kumatok at binasag ang katahimikan ng silid.

Napabuntong hininga ako nang makita ko si Abner, ang aking kapalit. Tumingin ako sa orasan ko, bente minutos bago mag alas dose? Anong misteryo ito? Binuksan ko ang pinto at di ko na naiwasang ikwento kay Abner ang aking naranasan sa unang gabi ng aking trabaho. Dun ko rin lubos na naunawaan na ang babaeng napapanood ko sa monitor ay tatlong taon nang patay. Namatay sya sa 7th floor, isang empleyado na ginahasa at pinatay ng isang Security controller gaya ko. Dahil sa aking karanasan , nakiusap akong makipagpalit ng oras kay Abner, tutal sa ganong oras naman sya dati nagtatrabaho. Sanay narin naman sya dahil na rin siguro sa dalawang taon na sya sa trabahong ito. Normal na daw na nagpaparamdam ang babae at humihinto ang oras pag sapit ng 11:40 ng gabi .

A/N: Sorry medyo magulo. Naguluhan rin ako e. pasensya na.
~END

© to Spookify

Compilation Of Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon