Fast Food Chain
Somewhere in Laguna, way back 2009.
Closing ang schedule ko nun at nakapag out ako ng 12 midnight dahil late naren ako natapos sa pag lilinis. Pag silip ko sa labas nang store ay wala pa ang ex boyfriend ko na susundo saken. Habang inaantay ko sya naisipan Kong mag ayos muna sa likod kung nasan ang crew room namen. Ako lang sa crew room nun at dahil hateng gabi na yung mga crew ng graveyard shift na ang mga kasama ko. Ibig sabihin bukod saken ang tao nalang sa store ay lima, isang store manager na nasa office, dalawang kitchen crew, isang cashier na nasa counter area at isang guard na nasa labas nang store.
Pumasok ako nang cubicle at don nag ayos dahil malake ang salamin don. Habang nag aayos ako ay nagpa tugtug na ang store manager namen kaya naisipan Kong sumabay sa pag kanta, MYMP songs ang pinatugtug non.
Habang sumasabay ako sa pag kanta napansin ko na parang may kakaiba, kaya naisipan Kong huminto sa pag aayos ko. Biglang tumahimik at may kakaiba na sa kantang pinapakinggang ko.
Pinakinggan Kong mabute ang kanta at habang nakikinig ako napansin ko na wala akong instrument na naririnig sa kanta, nag mistulang a capella ang musikang pinakikinggan ko.
Bigla akong kinilabutan dahil boses na ng batang babae ang naririnig ko sa kanta. Na tulala ako sa takot, sobrang lamig pakinggan ng boses nya na parang galing sa ilalim ng lupa.
Sa sobrang takot ko dali dali Kong kinuha ang bag ko at sa pag mamadali ko hnd kona malaman kung pano ko bubuksan ang pinto sa cubicle, at ng mabuksan kona to naramdaman ko na nanginginig na ang buong katawan ko sa takot ni hindi na ako nakatakbo pa papuntang counter area, ang nagawa ko nalang ay sumigaw at umiyak ng umiyak.
Dali dali naman akong pinuntahan ng mga kasama ko, itinayo ako ng dalawang kitchen crew at tinatanong naman ako ng store manager at ng cashier na ka trabaho ko kung ano ang nangyare. Hindi ako makapag salita ng maayos kaya dinala nila ako sa window three kung San kinukuha ang order ng mga nag da drive thru.
Dun kona na I kwento ang mga nangyare. Sabe nila saken bakit naman daw kase ang lakas ng loob ko na mag punta nang crew room na nag iisa. Sinabe nila saken na may nag paparamdam daw dun at pinangalanan nila itong lotty. Kapag madaling araw na pala ay wala ng crew na nag pupunta sa crew room ng nag iisa dahil nga sa multong nag paparamdam at nag papakita don ang ginagawa ng mga kasama ko sa rest room ng customer na sila nag aayos at nag papalet nang damit dahil nag paparamdam daw talaga si lotty sa madaling araw.
Kaya simula ng mag paramdam si lotty saken ay iniwasan ko ng maiwan ng mag isa sa crew room lalo na sa gabe at madaling araw.Jem
San Pedro Laguna
BINABASA MO ANG
Compilation Of Horror Stories
RastgeleA compilation of HORROR STORIES from the page(s)/site(s) Spookify, Creepypasta, etc. ©tto of the sources and the owners of the stories