JRA Subdivision
Hi mga ka-spookify!! Gusto ko lang ishare ang story ko na nangyari noong 2005. Huwebes santo noon nang mangyari ang kababalaghan na ito, so here it goes.
Dahil kami ay namamanata ng mga kaibigan ko, nag-alay lakad kame papunta sa simbahan ng antipolo. Umalis kami from pasig around 6pm. Smooth naman ang flow ng paglalakad, konting kwentuhan, kainan at tawanan. Hanggang sa mapag usapan nameng magkakaibigan yung tungkol sa babae na nakikita sa subdivision namen. Di ko ito pinansin dahil baka mapaaga kame ng uwi at mag isa lang akong maglalakad (Tapang-tapangan noh duwagachi pala LOL). Bigla akong tinanong ng kaibigan ko kung sa paglalakad ko daw ba papasok sa trabaho wala daw ba akong nakikita (Sa call center po ang work ko), sinagot ko naman sila na wala akong nakikita. Pero sa totoo tuwing dadaanan ko ang sagingan sa bukana ng subdivision namen ay parang lumalaki ang ulo ko at parang may nagmamasid sa akin habang naglalakad.
Describe ko lang yung subdivision namen. Pagpasok mo ng subdivision may option kang dumiretso or kumanan. Either way ang daanan mo ok lang naman kasi paikot lang siya. Ang dinadaan ko lage at laging may mga kwentong kakaiba ay yung daang pakanan. Kung itatanong ninyo kung bakit ayaw kong dumiretso kung paikot lang naman ang subdivision namen, ang dahilan ay mas malapit ang bahay namen sa daang pakanan. At mas nakakatakot dumaan sa padiretso dahil may sumasabay sa paglalakad mo na babae habang umiiyak siya sa tabi mo. Creepy di ba?
Madami na din akong narinig na kwento sa mga kapitbahay namen tungkol sa mga nakikita nila sa daanan na pakanan. Gaya ng isang kaibigan ko na nasa Saudi na ngayon. May nakasalubong siya na batang babae na nakagown. Di pa siya nakuntento, bumalik pa siya sa bahay para ikwento at magtanong sa amin kung saan ang handaan at ang ending hindi na siya nakauwi hanggang mag umaga. Dahil wala namang handaan na required ang gown ng 11pm. Isa sa mga tatay ng kababata ko ang umuwi ng 2am at nagtataka siya kung bakit ang lakas ng usok. Napatingin siya sa taas ng puno ng mangga at nakita niyang nagpapausok lang daw pala yung kapre. Ang pinaka epic sa lahat ng kwento ay yung nagroroving na barangay patrol sa gabi. Noong mapadaan sila sa lugar ng sagingan ay biglang bumigat ang trike nila, paglingon ng driver sa salamin ng trike ay laking gulat niya na may nakaangkas na isang babae at batang nakaputi. Pagkatapos noon ay hindi muling nagroving ang patrol na ito sa subdivision namen. Idagdag ko pa yung mga tricycle driver na paparahin bigla sa loob ng subdivision at pagdating sa sagingan ay biglang gumagaan ang tricycle nila, pagtingin nila sa loob wala na itong laman.
Madami pa halos pero mabalik tayo sa storya ko. Galing sa mahabang lakaran ay narating din namen ang Antipolo around 11PM, konting pahinga, kwentuhan at pagdadasal. Nagdecide kameng magkakaibigan na maglakad na pauwi. Nakarating ako sa subdivision namen around 2:30am. Naglalakad ako non malapit na sa daanang pakanan nang maalala ko ang mga kwentuhan nameng magkakaibigan. Medyo nawala ang kaba ko dahil may naaninag akong nagwawalis na babae. Pero bigla kong naisip sino ang magwawalis ng ganitong oras at bakit ang aga niya magwalis. Dumiretso pa din ako ng lakad hanggang sa malapit na ako sa tapat niya. Nagulat ako na sa mismong sagingan siya nagwawalis at doon na ako kinabahan sa nakikita ko dahil magkatapat na kame pero nakatalikod siya. Lalo akong kinabahan nang ang kulay na nakikita ko na suot niya ay puti na mahaba na ang tela ay parang lampin ng mga baby. Bigla siyang nagrotate ng walang galawan ng paa at doon ko na nakita ang babaeng kinekwento nila. Wala siyang mukha at ang haba ng buhok niya. Sa takot ko napatakbo ako palabas ng subdivision imbes na papasok. Nakauwi lang ako nung nakikita kong may araw na dahil sa takot.
Ikwinento ko ang nangyari sa isa sa aming kasambay na galing sa Visayas, at siya ay sobrang nanghihinayang dahil ang nagpakita daw sa akin ay bantay daw ng kayamanan. Ayon kay Manang, sa mga ganoong araw daw nagbibigay ng mga kayamanan ang mga nagbabantay dito na kaluluwa at dapat daw kinausap ko upang makipagdeal. Pero biglang sinabi din ni Mommy na baka daw demonyo ito at sinusubukan lang ang pananampalataya ko kaya ito nagpakita sa araw na iyon. Ano pa man ang dahilan, hindi ko din alam pero after non nagka phobia ako dumaan don at natanggal siya after mga ilang buwan din. Sana nag-enjoy kayo sa kwento ko mga avid readers.
Regards...
Jannie
BINABASA MO ANG
Compilation Of Horror Stories
RandomA compilation of HORROR STORIES from the page(s)/site(s) Spookify, Creepypasta, etc. ©tto of the sources and the owners of the stories