19: Camille

103 1 0
                                    

"Camille"

Pasensya na po, dito po ako nagmessage Spookify. Hindi po kasi ako matatahimik kapag hindi ko ito naibahagi. Gusto ko po kasing maging aware kayo na may ganitong kwento at bahagi ng buhay ko ang tunay nangyayari.

Itago nyo po ako sa pangalang Camille. Bata pa lang ako, alam na nila Mama na may 'kalaro' ako. Kinukwento nya lagi sa akin na may kausap daw ako noong bata pa ako. Tumatawa minsan, tapos iiyak at makikitaan nila ako ng bakas ng kurot sa braso.

Isang beses pa daw, iniwan ako saglit ni Mama sa duyan ko para magtimpla ng gatas pero pagbalik daw nya ay naglalaro na ako sa sahig. Hindi nya daw ako narinig na umiyak man lang o gumalabog ang kahoy na sahig namin at sa halip ay tumatawa pa nga daw ako.

Tumuntong akong high school pero ni minsan, hindi ko nakita yung kinukwento ni Mama na 'kalaro' ko. Pero hindi ko inaasahan na nang mag-2nd year high school ako, doon lalabas ang 'kakayahan' kung tawagin na meron ako.

Educational trip namin noon at ang una naming pinuntahan ay isang museum. Syempre, excited ako. Bawal magtake ng pictures kaya ako naman, puro wow lang ang nasasabi. May isang painting doon ang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Tinitigan ko iyon ng napakatagal hanggang sa yung nakaguhit na larawan ng babae ay parang gumagalaw na. Hindi ako natakot noon actually, instead ay naamaze ako dahil akala kong led image iyon. Pero hindi ko inaasahang ang makikita ko ay lubid, pulang rosas, dugo at walang buhay niyang mukha. Gusto kong umiyak, gusto kong ikwento ang nakita ko, gusto kong lumayo doon sa painting, pero hindi ko kaya. Nakawala lamang ako ng tapikin ako ng isa kong kaklase at tumatawa sa akin dahil mukha daw akong t*ngang nakatunganga. Inisip kong imahinasyon ko lang iyon.

Nagpatuloy ang educational trip namin at ang sunod na pinuntahan namin ay isang dagat. Isa kasi sa mga destination namin ay isang island na may mga katutubo. Syempre babangkain namin papunta doon sa isla. Habang nasa bangka, dahil ignorante, tinignan ko ang repleksyon ko sa malinis at malinaw na tubig ng dagat. Muntikan na akong mapasigaw ng hindi ko sariling mukha ang nakita ko. Babae siya, maganda, maputi, makinis ang balat, matambok na pisngi, matangos na ilong at napakaitim na mga mata. (Hindi sya yung nandoon sa painting ah? Baka mag-assume po kayo) Iniwas ko ang tingin ko sa tubig at nagfocus doon sa instruction ni Mrs. Nang makarating kami sa Isla ay ayos naman ang naging pakikitungo nila sa amin. Hangang sa nagpaalam na kami sa mga nakasalamuha namin.

Huli naming pinuntahan ay Star City. Pero hindi na ako tumuloy. Hindi dahil takot ako sa rides kung hindi dahil sa bigla akong nahilo, nagsuka, nilagnat ng napakataas, at nahimatay. Nagising na lang ako na nasa bahay na ako namin at tanghali na daw ayon kay Mama. Dito ikinuwento ni Mama ang nangyari sa akin. Sinabi niya na inuuwi daw ako ng mga teacher sa amin dahil napakataas daw ng lagnat ko. Dinala nila ako sa hospital. Sinabi pa ni Mama na nagdiliryo daw ako pagkarating ko sa hospital. Natakot pa daw siya nang ang kulay ng mga mata ko ay paiba iba. Yung isa naging kulay green at yung kabila ay kulay blue. Naging red yung isa at yung isa ay itim. Sinabi nga daw ng lola ko na nasasaniban daw ako ng demonyo kaya binayaran nila yung bill sa hospital at inilabas ako para pabasbasan sa simbahan. Binuhusan daw ako ng holy water pero hindi naman daw ako nagwala, pero hindi tumigil yung pangingisay ko. Tinawas na ako ng lola ko na mangtatawas pero wala silang nakita. Nang iuwi na daw nila ako, doon daw ako tumigil at mahimbing na nakatulog.

Doon na nag-umpisang lumabas ang kakayahan ko. Lahat ng 'pangit' sa mundong ito ay nakikita ko. Mga itim na usok, mga gumagalang demonyo, wasak na imahe ng mga tao, sigaw ng naghihirap, at lahat-lahat. Natatakot ako, inaamin ko.

Tuwing gabi ay umiiyak ako dahil naririnig ko ang pagdaing ng mga boses. Sa umaga nakikita ko ang nangyayari sa kalsada at kung paanong dinadaan daanan lang 'sila' ng mga tao.

Nang malaman ito ni Mama at Lola, agad nilang ikinuwento ito sa mga kamag-anak namin. Natakot ako nang lumalapit na sa akin ang iba't-ibang tao para humingi ng tulong sa akin.

Nagpaconvert ako as a Christian. Akala ko mawawala ang mga nakikita ko, pero sa tuwing nakikita ko sila, mga walang mukha, hindi ko alam kung ano pang solusyon ang makakapagpawala nito. Natatakot na ako hindi dahil nakakatakot sila pero dahil sinusunod nila ang masamang sinasabi ko.

Sa susunod ko na po ikukwento ang ibang istorya ko.

Admin, salamat po sa pag-share nitong kwento ko. Pasensya na po kung dito ako nagmessage. Free data po kasi ang gamit ko. Please po, itago nyo po identity ko. Salamat ulit admin at God bless.

“Prayerful people are the strongest” Tandaan nyo yan kaya kahit ano pang nakikita ko, ipinagpray ko dahil mas malakas si God kaysa anong forces meron ang mundo at impyerno. Maniwala kayo or not, ang purpose ko kaya ako nagshare ay dahil gusto ko kayong maging aware sa ganitong pangyayari. Masusundan po ito kung maipopost po ito ni Admin. Salamat muli.
-a.k.a. Camille

© to Spookify

Compilation Of Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon