Chapter 1 Beginning

42 5 2
                                    

Rain POV's

Ako nga pala si Rain Lizel Manalili ang pinakamayaman na babae sa lugar na ito.Fourth year na ako at first day sa school.Mapapagod na naman  ako dahil sabay sabay ulit ang  trabaho ko nagtuturo ng sayaw,nagwowork para sa bussiness namin at mag-iischool.Hay nako buhay naman.Mga 10 years old na ako natuto ng magmanage ng bussiness dahil wala ang mga magulang ko kahit si kuya nagtatrabaho din kasi sa ibang bansa.Kaya ito mag-isa lang ako dito pero minsan nandito ang mga kaibigan ko para magsleepover.Nagbibihis na ako para sa school na may kumatok

"Lady Rain handa na po ang agahan niyo"si manang pala"Sige po salamat susunod na po ako"nag-ayos na ako at bumaba.Ngayon kumakain ako ng mag-isa pero sanay na ako.Pagkatapos ko kumain,kinuha ko ang aking bag at nagpaalam kay manang.Wala pang 30 minutes nandito na ako na may biglang yumakap sa akin

"Bestfriend namiss kita"si Ashley pala ang pinakabestfriend ko at lagi kong nasasandalan kapag may problema ako."Miss agad eh parang nakaraang linggo lang kita nakasama"habang naglalakad kami sa hallway.

"Syempre bestfriend kita eh lalo na wala sina mom and dad sa bahay kaya wala akong kasama".Maganda siya at malambingin sa akin kapag malungkot ako.Bago pa kami makarating sa room namin naghihintay pala sina Max at Rose sa labas.

" Ang sweet naman sali kami"sabay yakap sa amin ni Ashley."Hahahah namiss ko talaga kayong tatlo kong bestfriend,nagbakasyon kasi eh"habang akbay ko silang tatlo papasok sa room.Pagkapasok namin nagsigawan na sila.Syempre magsisigawan eh nandito kasi kami eh.Ang totoo niyan mga pop star kaming apat pero ako ang pinakastar sa aming apat.Sabay sabay kaming umupo sa likod dahil yun lang ang bakanteng upuan at maya maya pumasok na ang prof namin na may kasamang lalaking estudyante.Nanlaki ang mga mata ko ng makita ulit siya.

"Class quiet may bagong classmate kayo at please pakirespeto din siya katulad kay Ms.Manalili"sabi ng prof namin at sabay tilian ng mga babae."Okay please sir you may introduce yourself".

"Hi, guys my name is Eriko Antony Bautista,nice to meet you everyone"pagkabow niya tsaka nagtama ang mata namin at hindi ko maiwasan ang pagtingin sa kanya at ganun din siya.Umupo siya sa may harap ni Ashley,hindi ko pa rin maiwasan ang pagtingin sa kanya.Bakit bumalik ka pa?sa lahat ng tao ikaw pa ang naging transfer student.Bakit ikaw, nakalimutan na kita pero bumalik ka ulit?

Eriko........

First time ko po gumawa ng ganito pero sana suportahan niyo ang aking gawa at si MaryAshley ang bestfriend ko at una ding bumasa ng prologue ko.Arigatou gozaimasu

I Think I'm In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon