Rain POV's
Pagkamulat ko ng mata puro puti lang ang nakikita ko teka nasa heaven na ba ako?
"Wala ka pa sa heaven"para namang kabute tong si Ayanna.
"Ano nangyari?"umupo ako sa pagkakahiga.
"Nawalan ka ulit ng malay kanina"
Hayy na naman.Ngapala bakit parang di ko pa nakikita si Matthew.Tinanong ko si Ayanna kung nasaan si Matthew bago siya makasagot bumukas ang pinto at pumasok si Matthew.
"Oh ayan na pala siya"Ayanna
"Okay ka na ba?"tanong ni Matthew.
"Oo okay na ako saan ka pala galing?"ako
"Wala may tinuruan lang akong leksyon"leksyon?wait di kaya si........
"Si Eriko ba?"tumango siya.
"Ano na naman ang ginawa mo?"
"Wala sinuntok ko lang siya na hindi niya makakalimutan"
Alam ko namang nag-aalala siya dahil sinabi ko sa kanila ang tungkol sa nangyari sa amin ni Eriko.Wala naman akong magagawa kahit pigilan ko siya di pa rin siya titigil.
"Sige lalabas muna kami para makabili ng kakainin natin"saka sila lumabas ng kwarto.
Biglang tumunog ang cellphone ko dahil yun lang naman ang nagiisa kong tunog.Hinanap ko yun at nakita ko sa tabi ng kama.Kinuha ko iyon at may nakita akong text message.Binuksan ko iyon at nagulat na lang ako.
From:09*********
Hi Rain!malapit na ang katapusan mo.And by the way isusunod ko na ang matagal mo ng kaibigan hahaha.
Nabitawan ko ang cp ko.Sino kaya to?at sino ang isusunod nila?matagal na kaibigan?di kaya sila.................
Ayanna at Matthew!
Sila lang ang matagal ko ng kaibigan mula bata pa.Shit!.Dali dali akong tumayo at umalis sa hospital.Wala namang masyadong tao sa daan kaya nakatakas ako.
Kailangan kong magmadali baka mapahamak na sila.
Ayanna POV's
Papunta kami sa bilihan ng pagkain.Kanina pa ako nakakaramdam na may sumusunod sa amin pero kada lingon ko sa paligid wala naman akong nakikita.
Bigla akong tinapik sa balikat ni Matthew.
"Ayos ka lang ba?kanina ka pa hindi mapakali"sasabihin ko ba?baka mas lalo siyang magalala.
"O-oo ayos lang ako tara na"
Hinila ko na siya papasok sa kainan.Kumain lang kami at nagtake out na lang kami para kay Rain.Nang makalabas kami nagtaka ako kung bakit sila nagkakagulo.May nagtatakbuhan at magulo na dito.Biglang may nagpaputok ng baril at mas lalong nagkagulo lahat ng mga tao.
Maya-maya may lumapit sa amin na dalawang lalaki nakamask sila at may hawak na baril.Natatakot ako naramdaman ata ni Matthew iyon kaya tinago niya ako sa likod niya.
"Matthew"ako
"Dyan ka lang sa likod ko ako na bahala dito"nagalala ako para kay Matthew baka mapaano siya.
"Sino kayo?ano kailangan niyo sa amin?"Matthew
"Kayo ang kailangan namin"kami?bakit?
Mas lumapit yung dalawang lalaki sa amin kaya doble na ang kaba ko.Biglang sinuntok ni Matthew yung isang lalaki.Habang nagsusuntukan sila may humawak sa akin yung isa pang lalaki.
"Bitiwan mo ako!"di pa rin ako makawala sa lalaking to.
"Bitawan mo siya!"sigaw ni Matthew.
Pero imbis na pakinggan siya nung lalaki.May dinukot yung lalaki na kutsilyo at sinaksak sa akin.Napahiga ako sa sakit lumalabo na din ang mata ko.
Matthew POV's
Nagulat ako nung sinaksak nung lalaki si Ayanna at napahiga.Lumapit ako sa kanya at niyakap.
"Ayanna........please......magsalita ka......please"naiyak kong sabi.
"Umalis.......ka.....na....dito"
"Hindi,hindi ako aalis dito.Dito lang ako sa tabi mo please mahal na mahal kita Ayanna"ako
"Mahal.....na.....mahal d-din kita"saka siya pumikit.
Hindi pwede to.Mas lalo akong nagalit sa dalawang lalaki kaya sinuntok ko silang dalawa.Susuntukin sana ako nung sumaksak kay Ayanna pero nahigit ko ang braso niya saka binalibag.Yung isa naman pinagsusuntok ko lang hanggang sa may nagpaputok ng baril.
Akala ko sa ibang tao pero sa akin pala.Sa likod ako natamaan.Napahiga na lang ako sa hapdi at sakit ng pagkakabaril sa akin.
Sorry Ayanna.
Rain POV's
Nakarating ako sa mga taong nagkukumpulan.Di ko alam basta dinala ako doon ng mga paa ko.
"Ano po nangyayari?"tanong ko sa babaeng katabi ko.
"Kanina kasi may mga nagpapaputok ng baril kaya nagkagulo tapos pagkaalis nung mga nagpapaputok may natagpuan kaming dalawang tao na duguan na yung isa nasaksak yung isa naman nabaril"dalawang tao?at duguan?
Tumakbo ako papunta kung nasaan ang dalawang biktima.Kusang tumulo ang mga luha ko ng makita ko silang duguan,at walang malay.Niyakap ko si Ayanna na walang malay at may saksak.Pati din si Matthew nabaril siya sa likod.
Dumating na ang ambulansya at sinakay silang dalawa.Sumama na din ako sa kanila papunta sa hospital.Hinawakan ko ang kamay ni Ayanna.
Please gumising kayo.Kailangan ko pa kayo.Bakit?bakit pa kasi kayo?dapat ako na lang.Ako na lang sana ang binaril at sinaksak.Kasalanan ko ang lahat dapat hindi ako naging pabaya.
Nakarating kami sa hospital.Hinintay ko na lang sila sa labas.Dumating na din sila mommy at daddy.Niyakap ko agad sila mommy.
"Mommy......daddy......."humahagulgol kong sabi.
"Shh magiging maayos din ang lahat basta tiwala lang sa diyos"sabi ni mommy.
"Pero mommy sila Ayanna at Matthew"ako
"Shh tiwala lang tayo anak"mommy
"Nandito lang kami ng mommy mo"daddy
Sana maging maayos na.Pagbabayaran nila ang ginawa sa mga pamilya ko.Kung gaano ako kasira ngayon mas sisirain ko pa sila.Matitikman nila ang galit ko.
BINABASA MO ANG
I Think I'm In Love Again
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa forever?eh kung paano magkita ulit ang mag ex magkakabalikan kaya ulit sila? Pero mahal pa rin ni exboyfriend si exgirlfriend babalik pa kaya sila sa dating sila?.........paano kaya nila maiiwasan ang pagsubok na darating sa ka...