Chapter 5 Leader

10 3 0
                                    

Rain POV's

Ano ba ginawa ko?dapat pagsasabihan ko lang siya kung bakit siya naghubad pero imbis yun ang sabihin ko inabutan ko lang siya ng tuwalya kasi mukhang napagod siya.I admit it maganda ang katawan niya at magaling siya sumayaw.Yung abs niya doon ata ako natulala ito kasi si Max kung ano ang pinaggagawa.

Umupo ako sa tabi niya nang nagsalita siya"Rain papunas naman ng pawis ko sa likod"wala na akong nagawa kundi punasan ang pawis niya.Wala pa rin nagbabago sa katawan niya matigas pa rin.Naalala ko pa dati lagi kaming sabay mag-excercise ayaw niya kasing mag isa lang wala daw magbibigay ng energy sa kanya pag napagod.Hay nako ano ba tong iniisip ko dapat di ko na inaalala mga yun eh move on dapat okay di na kayo okay kaya wag mo nang alalahanin yun.

Habang nagpupunas ako bigla niyang hawakan ang kamay at nilagay sa dibdib niya"Nararamdaman mo ba kung gaano bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit ka sa akin?"nagulat na lang ako nang nilagay niya yun pero imbis na tanggalin ko yung di ko magawa ang higpit niyang humawak sa kamay ko"Hoy ano ba gingawa mo bitawan mo nga ako"pagpipigil ko sa kanya.


"Mahal pa rin kita Rain at di magbabago yun kahit galit ka o ipagtabuyan mo ako.Di ako aalis sa tabi mo kasi mahal na mahal kita higit sa buhay ko"namula bigla ang pisngi ko dun at binitawan na niya ang kamay ko at umalis.Mahal pa niya ako pero mahal ko pa kaya siya?



Dalawang araw na ang nakalipas simula nung sinabi niya yun pero nag-uusap pa naman kami pero di personality kaya lang kami nag-uusap dahil lang sa club.Oo nga pala may darating daw na competition sa next month.

Iniisip ko pa kung sasali kami eh kahapon lang naman sinabi hay basta pag-uusapan na lang namin mamaya.Recess na kaya pwede ko nang itanong"Sasali ba tayo sa dance competition?"nanlaki ang mga mata nila at sumagot si Ashley"Oo nga pala may competition nakalimutan ko.Pag-usapan niyo muna ni Eriko bago kami magdecide"kahit kailan makakalimutin tong babae na to"Oo nga pag usapan niyo muna.Simulan niyo na ngayon para mahaba ang pratice natin kung oo ang sagot niyong dalawa kaya sige una na ako.Babush!"sabi ni Rose sabay alis at sumunod naman yung lima.Ano problema ng mga yun hay nako basta napatingin ako kay Eriko na humihigop ng sabaw.Siguro naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din  siya sa akin.


"So kailan tayo pwedeng mag usap tungkol dito?"kaysa pa sagutin niya yung tanong ko ngumiti lang siya"How about to my house?doon na lang natin pag usapan besides gusto ka rin makita ni mom kasi di ka na niya namimeet dahil pagod ka sa trabaho mo"tumango na lang ako at nagsalita siya ulit.


"Gusto mo sunduin kita doon papunta sa bahay namin?"sinagot ko na lang yung tanong niya"Nako wag na magcocomute na lang ako kaya wag ka na rin mag alala"tumango na lang din siya.Pagkauwi ko pumunta agad ako ng kwarto ko para magpalit ng damit sinabi ko driver ko wag na rin akong sunduin magcocomute na lang ulit ako.



Nang makarating ako doon bumungad sa akin ang yaya ni Eriko at nanlaki pa ang mata niya"Lady Rain kayo po pala,ano po ginagawa niyo dito?"mukhang tuwang tuwa siya na nandito ako"Ah may pag uusapan lang po kami ni Eriko tungkol sa club,nasaan po siya?imbis magulat siya kinilig pa"Nandun po siya sa may kwarto niya akyatin niyo na lang po"tumango ako at inakyat ang kwarto niya pagkabukas ko ng pinto agad siyang bumungad sa akin ng nakatuwalya lang siya sa bewang niya.Napatakip ako ng bibig nakita ko naman yung abs niya bwisit"So-sorry dapat kumatok muna ako eh sige labas muna ako"pautal kong sabi mga isang minuto bumukas ulit yung pinto"Sige pasok ka na"pagkapasok ko nag alok siya ng makakain sumagot na lang ako ng oo kasi di pa ako kumakain kanina"Ano,gusto mo ba sumali?pero di kita pipilitin kung ayaw mo naman kaya ayos lang sa akin.Kahit ano ang maging desisyon mo susuportahan kita"namula na lang ako sa sinabi niya.Kahit hindi na kami he's always support and always by my side."Hindi,gusto kong sumali tayo sayang naman kasi eh"



Pagkatapos ko sabihin yun bumuhos na ng malakas na ulan.Ay bwisit nakalimutan ko pala na may darating na ulan sinabi ko pa naman na wag na ako sunduin ng driver balak ko sana na itext kaso low battery na pala ako hay nako nakakainis.



Napatingin ako kay Eriko na tumatawa"Hoy ano yang tinatawa mo?"


"Wala lang masama ba,tsaka dumito ka muna kasi mukhang di pa titigil yung ulan.Dito ka na rin matulog maggagabi na rin"ano daw dito ako matutulog at ang malas pa ah sa bahay pa talaga ng ex ko.


Pero okay na rin kaysa pa magkasakit ako kaya pumayag na lang ako.Inaya niya ako na manood ng movie"Anong movie gusto mo horror,action or romance?"

"Action na lang"sinalang na niya ang cd.Nanonood lang kaming dalawa na bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko"Hayaan mo muna ako ng ganito kahit five minutes lang"bumilis na naman ang tibok ng puso ko wala na akong nagawa kundi hayaan siya hanggang makatulog kami.



Kinabukasan wala pa rin nagbabago pwera lang sa mga kaibigan ko na todo hiyawan dahil kinuwento ko nung nagstay ako sa bahay ni Eriko hanggang sa pagtulog namin."Oh my god best kinikilig talaga ako sa inyong dalawa"habang pumapadyak dahil sa kilig.Napatigil lang sila nung dumating si Eriko.


"Ano topic niyo na parang kilig na kilig kayo?"sasagot sana ako pero naunahan na ako ni Ivan"Pinag uusapan lang namin ksyo ni Rain tungkol sa nangyari kagabi"sinamaan ko siya ng tingin napa Ah na lang si Eriko at saka ngumiti sa akin ng nakakaloko.Pumunta na kami sa gym para sabihin tungkol sa competition.Excuse na kami sa lahat ng subject ganyan talaga kapag anak ka ng presidente ng lugar niyo haha.

Pagkapasok ko doon agad agad silang nagtanong tungkol sa amin ni Eriko ang lakas talaga ng radar nila.Lumapit sa akin si Ivan para ibigay sa akin yung phone niya"Kuya mo gusto ka kamustahin"kinuha ko agad ang phone niya"Hello kuya namimiss na kita kailan ka pa ba uuwi?"natawa na lang siya sa sinabi ko.


"Medyo malapit na rin tatapusin ko na lang yung schedule ko dito tapos pwede na ako bumalik dyan.Kamusta ka dyan may nanliligaw ba sayo dyan sabihin mo bago siya manligaw dumaan muna siya sa akin"napangiti na lang ako sa inasal ng kuya ko masyado siyang protective brother pero naappreciate ko naman yun"Okay lang ako tsaka wala nanliligaw sa akin kaya chill ka lang.Oo nga pala sumali kami sa dance competition sana nandito ka na para mapanood mo kami"namimiss ko na talaga siya.

"Sige promise makakapanood ako kailan ba iyan gagawin?"kailan ba nga ulit iyon tumingin ako kay Ivan na parang may sinasabi sa akin nag walong daliri siya tapos nag apat naman.Ayun alam ko na "August 4 kuya"

"August sige trtry ko pa rin makapunta dyan promise"swerte ko talaga na siya ang naging kuya ko"Sige kuya practice na kami mamaya na lang I miss you.I love you so much kuya"

"I love you so much too little sis and i miss you too bye"then he hang up

Nagpahinga muna kami pagkatapos namin magpractice.Nag aya na naman si Max na gumawa kami ng pabilog"Okay guys para magkaroon tayo ng energy kakanta lahat ng mga boys oksy ba?"pagdating talaga sa harutan siya nauuna.Wala na kaming nagawa kundi pumayag na lang ang kakantahin nila ay just the way you are.

Oh her eyes,her eyes make the stars look like they're not shining
Her hair,her hair falls perfectly without her trying she's so beautiful and I tell her every day
I know,I know when I compliment her she won't believe me
And it's so,it's so sad to think that she don't what I see but every time she asks me do I look okay I say□

Habang kinakanta niya yun nakatingin siya sa akin at naka ngiti napapangiti na lang din ako

When I see your face, there's nothing that I would change,cause girl you're amazing just the way you are
And when you smile,the whole world stops and stares for awhile,cause girl you're amazing just the way you are□


Sana ikaw pa rin ang nagpapasaya sa akin hanggang ngayon.

I Think I'm In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon