Rain POV's
Pagkatapos nilang kumanta bigla nagring yung phone ko kinuha ko naman agad yun nang makita ko ang pangalan ni tito Dave tatay ni Eriko sinagot ko naman agad"Hello tito bakit po kayo napatawag?"tanong ko sa kanya.
"Hija gusto ko sana na magdate kayo ni Eriko para naman maging close ulit kayo kahit ngayon lang.Kasi mga nakaraan ang lungkot niya tapos ang tahimik pa alam ko naman na ikaw lang ang iniisip ni Eriko sana naiintindihan mo.I just want to see my son happy again please do me favor"then he hang up ganon ba talaga kalungkot si Eriko di kaya simula nung sinabi ko sa kanya na layuan na niya ako.
Hay nako kung ano ano ang pumapasok sa utak ko eh basta magsosorry na lang ako sa kanya.Lumapit agad ako kay Eriko"Magdate daw tayo sabi ni tito Dave"nanlaki ang mata niya sa gulat"Seriously?,sige payag ako bukas pwede wala naman tayong pasok eh tsaka wala rin akong bussiness schedule"kanina gulat tapos ngayon excited.
***
Nag-aayos na ako para sa date namin tapos yung mga yaya ko todo effort sa pagpili ng mga damit sa akin.Ang pinili nila sa akin ay pantalon tapos naka t-shirt at naka rubber shoes para mabilis ang paglalakad ko kaysa pa sa heels baka madapa ako.Simple lang ang pinili nila dahil alam nilang mas gusto ko ang simple na magdamit.
Nakarinig na ako ng busina ng kotse ni Eriko agad naman ako bumaba pagkababa ko wow ang cool ng dating niya ganun din ang suot niya."So are you excited?"tanong niya habang nakangiti"Excited mukha mo"pagtataray ko"Sungit".
Habang nagdridrive nagsalita siya"Dad told me about this.He said that he just want to see me happy and I'm really happy for now"so alam niya sinabi pala ng tatay niya tungkol dito.Nang makarating kami sa mall pumunta kami sa isang restaurant naghanap agad kami ng upuan at siya na rin ang nagprisinta na mag order.
Pagdating niya kasabay na niya yung pagkain alam pa pala niya kung ano ng gusto ko kahit di ko na sinabi."Did you like it?pagkatapos nito sa damit tayo"oo nga pala ito na yung chance para magsorry sa kanya.Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita"Eriko sorry for what I said na layuan mo na ako.Di naman talaga totoo yun kaya ko lang nasabi yun kasi nabigla lang ako sa pagdating mo.Sorry and I want you to know na sorry talaga kaya sorry for everything I done"
Hinintay ko siya makasagot pagkatapos ng ilang minuto"Don't worry di naman ako galit sayo pero nasaktan lang naman ako but it's okay and I will always forgive you no matter what"napangiti na lang ako kasi sweet pa rin siya hanggang ngayon"Thanks Eriko tsaka nga pala bakit hindi si Maika ang dinate ng papa mo sayo bakit ako?"I asked"Kasi alam ni dad na mas sasaya ako kapag ikaw ang kasama ko"sagot ni Eriko.
Nandito na kami sa bilihan ng mga damit nakapili na kami ng mga damit kaso ang daming nakapila sa fitting room kaya nagpasyahan namin na kausapin ang staff
"Miss pwede bang kami na ang sumunod sa pila naiinip na kasi akong magpalit eh"sabay kindat sa babae at yung babae naman halatang kinikilig kay Eriko.Hello nandito pa ako o baka naman bulag lang talaga, pagdating sa babae si Eriko ang lakas ng tama"Oo naman basta text mo ako ah"may inabot siyang papel kay Eriko eh ano pa nga ba edi number nung babae bwisit!.
May lumabas ng babae sa fitting room at dali-dali akong hinila ni Eriko.Ano!sabay kaming magpapalit pagkapasok doon binatukan ko siya agad"Aray!what was that for?"tanong niya habang hinihimas ang ulo niya"Bakit sabay tayo magpalit ha?"natatawa pa siya ah"Eh kaysa pa pumila ka ng matagal ayos na to noh tsaka wala naman akong gagawing masama"hinampas ko siya sa braso.May kinuha siya sa bulsa niya yung papel na binigay sa kanya ng babae kanina nilukot niya tapos tinapon na lang
"Hoy bakit mo ginawa yun?akala ko ba makikipagtext ka sa kanya?"pataray kong salita
"Di naman ako text mate na pwede lang makipagtext lang sa iba bakit selos ka?wag kang mag alala simula mamayang gabi pagnakauwi na tayo itetext kita kahit araw-araw ayos lang"natatawa niyang sinabi"Assumero!magpalit na nga tayo nang makalabas na".
Pagkatapos namin magshopping lumabas na kami ng mall para panoorin ang fireworks dahil anniversary ng mall.Nakatayo lang kami habang hinihintay ang fireworks.Mga ilang minuto nagfireworks na
"Ang ganda naman parang bulaklak"habang pinapanood namin ang fireworks nakaramdam ako ng paghawak ng kamay ni Eriko sa kamay ko"Mas maganda ka pa rin"di ko alam kung dapat ba akong kiligin o sadya lang"Mahal mo pa ba ako?"napatingin ako sa kaniya niya.Mahal ko pa ba siya?pero may fiance na siya tsaka nakamove on na ako.Pero sa tuwing nakikita ko siya biglang bumibilis ang tibok ng puso ko"Bakit mo naman ti-"di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan.
Hinawakan niya ang kamay ko"Kasi mahal pa rin kita Rain at di mawawala ang nararamdaman ko sayo kahit may fiance na ako,kahit di na tayo,kahit di mo na ako mahal mamahalin pa rin kita.Di ako susuko gagawin ko ang lahat para maibalik lang natin ang dati kasi mahal na mahal kita.Itsu made mo aishimasu.Aishiteru Rain"di ako makagalaw sa kinakatayuan ko basta ang alam ko lang ay hinalikan niya ulit ako.
Sorry Eriko pero di pa ako handa natatakot pa ako.......Sorry.
Salamat po pala sa mga nakabasa nito sana po tuloy pa rin ang pag vote,comment at share.
Ito po ang ibig sabihin ng (itsu made mo aishimasu)i will always love you.
(Aishiteru)i love you.
Thank you po..... next update!!!
BINABASA MO ANG
I Think I'm In Love Again
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa forever?eh kung paano magkita ulit ang mag ex magkakabalikan kaya ulit sila? Pero mahal pa rin ni exboyfriend si exgirlfriend babalik pa kaya sila sa dating sila?.........paano kaya nila maiiwasan ang pagsubok na darating sa ka...