Chapter 4 Club

21 3 0
                                    

Eriko POV's

Habang nagtuturo ang prof namin lumulutang ang isip ko pagkatapos niyang sabihin na layuan ko na siya.Di ko talaga alam ang gagawin ko,nagfocus muna ako sa lesson dahil may test bukas.First day pa lang test na agad bukas,para daw malaman kung nakikinig talaga kami,terror kasi.

"Class dismissed"sabi ng prof bago siya umalis sinabi muna niya na excuse lahat ng estudyante sa susunod na next subject dahil magpapalista sa gustong club.Naalala ko pa na magaling sumayaw si Rain kaya napag-isipan ko kung sasali siya sa dance club,doon na rin ako sasali kahit ipalis pa niya ako doon ,hindi ako susuko hangga't maniwala siya na mahal ko pa siya.

Pumunta na ako ng gym dahil dito gaganapin ang pagpapalista ng club na may umakbay sa akin si Ivan pala pinsan ni Rain at kasabay niya yung tatlo sa likod.

"Long time no see bro!"ginulo gulo pa niya yung buhok ko.G*go ang hirap mag-ayos ng buhok guguluhin pa niya.Agad kong inayos yung buhok ko nagtanong naman si Josh.


"Saang club ka pala sasali?kasi kaming apat sa dance club pati na rin yung apat na babae"ayun ang problema di ko alam baka pag nakita niya ako paalisin agad ako.

Hindi pa ako nakakasagot hinila na lang ako ni Ivan papuntang sa dance club.Bastos tong apat na lalaki kahit kailan di pa nga ako nakakasagot hihilahin agad.Sabagay doon rin naman ako sasali.Nakapaglista na kaming lima nang nadatnan namin yung apat na babae at saka nagtama ulit ang mata namin ni Rain.

Nanlaki ang mata niya nung nakita ako siguro nagulat siya na dito ako sasali na magkaparehas kami ng club.


"Di na lang ako sasali dito sa iba na lang"aalis na sana siya kaso pinigilan siya nung pito"Di ka aalis!Dito ka nagpalista okay!"grabe parang nag echo pa yung mga boses ng pito na to kahit kailan ang lakas ng boses.Pero nagpumilit pa siya.



"Guys naman eh sa ayokong sumali dyan"nagpapadyak pa habang nagpupumilit.Natawa tuloy ako sa reaksyon niya napatingin siya sa akin at sinamaan ako.Ano ba ginawa ko natawa lang naman ako sa kanya at dun sumabat si Ivan

"Hoy Rain sa ayaw at sa gusto mo dito ka sasali"talagang kuyang kuya siya kay Rain eh"Pero Ivan na-"hindi na natuloy ang sasabihin niya nang binatukan siya ni Ivan pero mahina lang naman"No buts,understand?".


"Understand"wala na siyang nagawa kundi magstay na lang sa dance club.Pagdating talaga kay Ivan di siya makakawala pagkatapos naming maglista nag ayaya si Max na sabay sabay na kaming kumain.Sakto lang recess na buti pagdating namin doon hindi pa maraming tao siguro busy sa club.

Nang nakaorder na kami tahimik lang kaming kumakain at si Ashlay ang nagbasag ng katahimikan namin"Guys sino pala ang gusto niyong maging leader at assistant sa club natin,sabi kasi kanina ng naghahandle ng lista sa dance club na tayo na lang daw mamili kung sino"at si James ang nagvolunteer na sumagot"Ako volunteer ko si Eriko sa leader tapos si Rain naman ang assistant"syempre di nagpatalo si Max.


"No,dapat si Rain ang leader tapos si Eriko naman ang assistant"magsasalita sana si Rose kaso inunahan na nung dalawa"Hindi nga pwede!"sigaw ni Max"Eh hindi rin pwede yun!"sigaw din ni James.



Natawa na lang kaming anim sa dalawang to kahit kailan talaga hindi magkakabati tong dalawa.Napatingin ako sa direksyon ni Rain kita ko na tuwang tuwa siya sa dalawa ngumiti rin siya sa akin.Ano nakain nito?kanina lang galit siya tapos ngingiti siya sa akin.

"Hoy kayong anim anong tinatawa tawa niyo dyan?"tanong ni Max.Hindi namin pinansin si Max at nagpatuloy lang kaming tumawa.

"Eriko,ikaw na lang yung maging leader"nagulat na lang ako kay Rain.Wait totoo ba to o panaginip lang.Sinampal ko ang sarili ko at hindi nga panaginip.Ano nangyayari sa kanya kanina nakangiti tapos ngayon kinausap ako himala ata.

"O-okay lang ba sayo ka-kasi pa-parang mas gusto na i-ikaw ang maging leader"umayos ka nga Eriko pautal utal yang sinasabi mo.Ang g*go ko talaga bwisit nakakahiya.


"Sige pero talaga bang okay lang sayo, sa akin kahit ano okay lang"sabay ngiti niya sa akin."Oo naman okay na okay sa akin mas magaling ka kasi"nagtawanan na lang kami parang kaming dalawa lang ang nag eexists dito.Shit lalong bumibilis ang tibok ng puso ko."Uy,kayong dalawa diyan anong nangyari at bigla kayong nagtatawanan diyan ah?"panira ng moment tong si James sabagay chickboy kasi wala pang sineseryosong babae kaya ingit siya.



Natapos na kaming kumain napagdesisyon namin na si Rain ang leader tapos ako ang assistant.Sa akin kahit ano okay basta makasama ko siya sapat na.

Nagsipuntahan na ang mga estudyante sa kanya kanyang club excuse na ang lahat hanggang uwian para maenjoy namin ang first day sa school.Nang makarating na kami sa gym wala ganun pa rin yung mga members ni Rain nadagdagan lang ako.Pero magkakakilala kami dito dahil lagi ako kasama ni Rain sa tuwing may practice sila kaya lang dati na yun nung mag shota pa kami sana maibalik ko pa yun.Hay nako Eriko wag muna ngayon dapat masaya ka kasi kasama mo naman si Rain baka maging close kami dito kahit friends lang okay na basta kasama ko siya.

''Hoy pare long time ah,kamusta marami ka bang babae?"si Mike pala pinsan kong chickboy din.

"G*go!anong babae pinagsasabi mo?si Rain lang ang babae sa buhay at wala nang iba"natawa na lang siya sa sinabi ko.Ano nakakatawa dun tama naman talaga ah siya lang at wala nang iba pa.Sabagay chickboy kasi kaya walang love life buti na lang may tiwala ako sa kanya di lang sa kanya kung di sa iba na rin kahit puro chickboy mga 'to.Kapag niligawan nila si Rain uupakan ko na mga yan but I trust them so I don't have to worry about it.

"Okay sabi mo ah tsaka nga pala bakit dito ka nagpalista?"tanong niya na parang nagtataka"Bakit ayaw mo ba?tsaka si Rain lang ang sali ko dito"natawa naman siya bakit totoo naman ah.

"Wow!hanggang ngayon may feelings ka pa rin sa kanya so it means na hindi pala sayaw ang punta mo rin dito.Uy dance club 'to no hindi 'to titigan club"napahinto ako sa sinabi pero nagpatuloy na ako sa paglalakad at sinagot ang tanong niya"Syempre sayaw din noh"bago pa naman siya nakasagot nagsalita na si Rain.


"Guys,let's practice pero isa isa muna baka kasi yung iba hindi na alam okay?"tumango na lang kaming lahat"So magsimula na tayo kay......Eriko sabagay ikaw naman ang assistant kaya ikaw muna"bago ako makapagsalita nagsalita na si Max.


"Wait ,si Eriko ba muna?okay para mas masaya sasayaw si Eriko na nakashirtless okay ba?katuwaan lang naman"nagulat si Rain sa sinabi ni Max kahit ako rin naman nagulat sino ba naman ang maghuhubad sa harapan ng ex niya.Wala na akong nagawa dahil naihubad ko na ang t-shirt ko napatingin ako kay Rain napatingin din siya sa akin.Halatang namumula siya kaya iniwas niya ang pagtingin sa akin.

Wala na akong nagawa kundi sumayaw sa harap nila sabay tili ng mga babae kahit si Rain hindi makaayos ng tingin sa akin.Nang natapos ako umupo muna ako para magpahinga at yumuko muna ako sandali nang may nag abot ng tuwalya sa akin at tinanggap ko yun.

Sana ikaw na lang ang magpunas ng mga luha galing sa puso ko.Sana maibalik pa natin ang dati.

Rain......

I Think I'm In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon