Chapter 9 Family

10 2 0
                                    

Rain POV's

Nagising ako ng 9am walang pasok ngayon nag-ayos na ako para makababa na rin at sabihin tungkol kay mommy.Pagkababa ko nakita ko agad sina ate Kylia na nagkakape pati na rin si kuya.

Mas lalo akong kinabahan huminga muna ako ng malalim tapos bumaba na ako.

"Goodmorning kuya at ate,bakit nandito pa po kayo?"papaganahin ko muna yung loob ni kuya"Medyo nalasing kami eh gabi na kaya dito na kami natulog"sabi ni ate Lucy.

Napa ah na lang ako tumingin ako kay kuya mukha namang maganda mood niya ngayon.

"Kuya nagtext sa akin sina mommy pabalik na daw sila dito ni daddy"shit ano ba tong bibig ko bigla na lang nagsalita.

"Ah ganun ba.Sige aalis muna ako"di ko makita ang expression niya blangko lang ang mukha niya at tuluyang umalis.

"Wag kang mag alala kami na kakausap sa kanya"si kuya Tj.

Natapos akong kumain at tumungo sa kwarto ko.Oo iniwan nila kami ni kuya nung bata pa ako mga 8 years old ako nun at si kuya naman 12.Pagkatapos nila kami iwan iyak lang ako ng iyak doon din ako natuto mag manage ng bussiness.Lahat ng mga gawain nila mommy at daddy naitambak sa akin wala na akong choice kundi gawin lahat yun.Akala ko si mommy lang pati rin pala si kuya pero siya saglit lang mga 2 years lang ako iniwan ni kuya.Nakakausap ko naman siya sa skype,messenger at sa tawag.Pero kay mommy at daddy kahit isa lang wala akong natanggap na tawag o text sa kanila doon ko din kinalimutan sila bilang mga magulang ko.Bago umalis si kuya pinaubaya niya ako kay Ivan para protektahan ako.

Doon din ako niligawan ni Eriko naging kami lang after 3 months.Pero nakipagbreak siya sa akin nung malapit na matapos ang first year ko sa high school.Di ko alam kung bakit pero sabi niya may reason daw siya di lang niya kayang sabihin.Oo anak kami ng chairwoman at di lang yun kaya popular kami dahil mga popstar din kami.

Bukod pa doon di lang ako ang pinupuri pati din si Eriko anak siya ng CEO.At lastly kami ding walo ang nagtatanggol sa lahat  ng taong nangangailangan ng tulong ang Red of Phoenix in short RoP yan ang pangalan ng grupo namin ang pinaka malakas na gangster sa lahat ng mga gangster.Di kami tulad ng ibang gangster na basagulero at may masamang ugali iba kami tumutulong kami sa mga tao.Lahat ng pamilya ko magagaling lumaban kahit sina mommy at daddy magaling pati si kuya.O diba ang daming talent ng pamilya ko haha.Yan na naman naiisip ko ulit sila dahil inaantok pa ako ng konti pinikit ko muna ang mata ko.

Paggising ko 11am na lunch na kaya bumaba na ako.Pagkababa ko nagulat ako nang may bumulaga"Bulaga!"sino pa ba edi yung apat na lalaki kong kaibigan.

"Mga bwisit kayo!sapakin ko kaya kayo isa isa"

"Woah easy lang boss to naman di na mabiro"-James

"Wala ako sa mood ngayon kaya wag niyo ako kulitin"ako

"Kumain na tayo nakahanda na at dito na din tayo mag usap"Max

"So bakit ka walang mood?"tanong ni  Rose na kakaupo lang.

"Kagabi,may nagtext sa akin na unknown tapos sabi babalik na daw sila"ako

"Sino yan bagong gangster na naman ba?"Mark

"Hindi sina mommy babalik na daw"bigla silang nabulunan.

"Pabalik na sila tita at tito kailan?"si Josh.

"Wala silang sinabi kung kailan pero nung sinabi ko kay kuya nagwalk out na lang kanina"siguro di pa din niya tanggap.

"Don't worry best we just here for you to support"Ashley.

"Panglawa mo na yan ah,una si Eriko tapos pamilya mo baka naman sumunod kami"James.Pinalo siya ni Max.

"Baliw hindi noh"-ako

"Guys saan nyo gusto pumunta wala kasi tayong magawa dito eh"tanong ni Ashley katatapos lang namin kumain.

"How about magmall tayo para bonding naman tayong walo lagi kasi kayo busy"sabi sa amin ni Rose.

"Good idea!halika na excited na ako"-James.

"Di pa nga kami sumasagot tara agad"-Josh.

"Sige na nga tara na payag na ako para naman mawala ang bad mood ko"-ako.

Nagsigawan at nag apir pa sila.Nag ayos na kami at inihanda ang isang sasakyan trip lang daw nila kaya isang sasakyan.Nakarating kami sa mall una naming pinuntahan ay sa mga damit.

"OMG!best ito yung sinasabi ko sayo"sabay pakita sa akin ang kulay red na t-shirt.Si Ashley talagang simple lang siya kahit mayaman siya di siya nasusuot ng mga maiikling damit.

Pumunta na kami sa cashier para magbayad ako wala akong pinili kasi nakabili na ako nung sinama ako ni kuya dito.Habang nakapila sila tumitingin ako sa paligid nang may lumapit sa akin.

"Miss,may nagpapasabi na pumunta daw po kayo sa Manzuena cafe sabi po ng babae"-staff.

"Sino pong babae?"ako

"Di niya po sinabi sa akin ang pangalan niya"sabi ng staff.

"Ah sige po salamat"tsaka umalis ang staff.Di ko alam kung pupunta ako doon baka kasi trap lang o prank nang may nagtext.

From:Unknown-Anak punta ka dito plz.

Di ako nagkakamali si mommy to.

"Best tara na tapos na kami"Ashley.

"Ah mauna na kayo may pupuntahan lang ako"ako

"Ha?saan ka pupunta?"Rose.

"Kay mommy sa Manzuena cafe.Kung pwede wag niyo muna sabihin kay kuya ako na magsasabi."ako.

"Sige kami na bahala puntahan mo na si tita"Ivan.

"Salamat Ivan sa'inyo din guys babawi na lang ako sa susunod"ako

"Oo na sige bye Rain"sabi nilang anim at umalis na ako.Nakarating ako kung saan kami magkikita nang pumasok ako nakita ko agad sina mommy at daddy sa may tabi ng glass.

Pinuntahan ko sila at niyakap ako ni mommy at daddy.I miss them but I will never forget for what did they do to us kaya lumayo ako sa pagkayakap.

"Anak we miss you so much.Kamusta ka maupo ka muna"sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Anak ano gusto mo kainin?"mommy.

"Bakit niyo po kami iniwan?"ako

"Anak kasi-"mommy

"Kasi ano,kasi mas pinili niyo ang trabaho niyo kaysa sa amin ni kuya ganun ba?"naiyak na ako.

"No it's just,I'm sorry.Pinagsisihan namin ang lahat ng kasalan namin ng daddy mo so please forgive us"umiiyak na siya at nagmamakaawa siya.Sasagot sana pero may nauna na sa akin.

"We don't need you anymore"si kuya.

"Wag mo kaming pagsalitaan ng ganiyan Renz magulang niyo pa rin kami"sabi ni daddy.

"Magulang?ganiyan ba ang itrato ng mga magulang sa mga anak nila na iiwanan na lang ganun ba?"di na rin napigilan ni kuya ang pagiyak niya mas lalo akong naiyak.

"Please son listen first we didn't mean to-"di na naitapos ni mommy ang sasabihin dahil sumagot na si kuya.

"Stop!halika na Rain uuwi na tayo at wag niyo na kaming guluhin pa masaya na kami na wala kayo.Kayang-kaya na namin ang sarili"hinila ako ni kuya sa pagkakaupo at di pa kami masyado nakakalayo nagsalita muna si kuya.

"Oh by the way,wag niyo na kaming tawaging anak kalimutan niyo na may anak kayo dahil nakalimutan namin na may magulang din kami"at tuluyang na kaming umalis sa cafe.Nang makaalis kami humarap na siya sa akin at niyakap niya ako.

"Shh,wag kang mag alala nandito lang ako di kita iiwan dito lang ako sa tabi mo.I love you little sis"iniyak ko na ang lahat kahit umalis siya ng 2 years binalikan niya agad ako.

"I love you too kuya"habang umiiyak ako sa kanya.

Bakit ba lagi na lang ako nasasaktan?wala ba akong karapatan maging masaya?

Keep voting!next ud.:-D

I Think I'm In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon