Rain POV's
Arghhhhh!!!!!ang sakit ng ulo ko teka nasaan ako?naalala ko na bigla akong nahimatay sa rooftop dahil ang nahilo ako nung mga oras na yun.
Pero sino nagdala sa akin dito?condo ata to puro blue ang kulay.Pati higaan kulay blue.Umupo ako sa pagkakahiga medyo masakit pa din ang ulo ko pero kinaya ko.Nang makaupo ako naagaw ko ng pansin agad ang picture na nasa tabi ng kama.
Mas lumapit ako sa picture dahil hindi ko masyadong makita.Nang makalapit ako doon ako nagulat.Mukhang alam ko na kung sino ang nagdala sa akin dito.
Tumayo ako at naglakad papuntang ibaba dahil doon ako nakarinig ng ingay.Pagkapunta ko doon tama nga sila ang nagdala sa akin dito.Tumatawa sila habang kumakain di man lang nagaya.
"Ehem"pagputol ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin.Nagulat sila at lumapit sa akin.
"Oh my gosh alam mo bang nag-alala kami sayo.Hinanap ka namin kung saan saan tapos makikita ka pala namin nasa rooftop ng walang malay tapos-"hininto ko ang sinasabi niya.
"Stop ang ingay mo pwedeng kumain muna kasi kahapon pa ako gutom"haay buti tumigil din.
Kumain lang ako habang sila pinapanood lang nila ako.Alam niyo na ba kung sino ang kasama ko?edi sila Ayanna at Matthew.Sila ang tumulong sa akin nung nawalan ako ng malay sa rooftop.Natapos din ako kumain grabe kakabusog.
"So mind to explain everything?"nakapamewang sabi ni Ayanna.
"Ang sabi ni tita nakita ka na daw ni Eriko pero ang sabi naman ni tita sa susunod ka na daw namin puntahan dahil nagpapahinga ka pa nung oras na yun"narinig ko na naman ang pangalan ni Eriko.
Hinawakan ni Ayanna ang balikat ko dahil wala ako sa sarili ko.
"Okay ka lang ba?"tanong niya.
"Oo okay lang ako"pero sa totoo hindi.
"Alam kong hindi ka okay wag kang magsinungaling dahil kilala na kita simula nung bata pa tayo alam kong kung kailan ka okay at kung kailan ka hindi okay"Matthew
"Oo nga pwede mo namang sabihin sa amin diba mga bestfriends mo kami dapat nagsasabihan tayo"tama siya sa ngayon kailangan ko ng karamay.
"Nasa bar ako at gabi na.Nagpakalasing ako dahil sa kalagayan ng kuya at ate ko.Habang papunta ako sa kotse ko may sumabay sa akin na lalaki na napupumilit na sumama ako sa kanya pero tumanggi ako.Pero hindi pa rin siya sumuko kaya sinuntok ko siya hanggang sa nalaman kong kabilang pala siya sa SG.Tinanong ko siya kung sino ang boss nila pero hindi siya sumagot kaya sinuntok ko siya hanggang nawalan siya ng malay at umalis na ako doon sa lugar na yun"ako
"Kaya pala buti hindi ka napahamak"sabi ni Ayanna.
"Paano ka napunta sa rooftop?"biglang tanong ni Matthew.
"Uhm......ano...."paano ko sasabihin sa kanila?
"Alam kong may dahilan kung bakit ka nasa rooftop at walang malay"tama siya.
I sigh before I talk.
"Oo inaamin ko na kaya ako nandon dahil kay Eriko"kasabay ng pag-iyak ko.
"Nakita niya kasi kami na magkayakap ni Greyson pero kinomfort lang ako ni Greyson kaya umalis si Eriko.Sinundan ko siya at nakita ko siya sa rooftop na umiiyak.Tinawag ko siya at sinabi ko sa kanya na mahal ko pa din siya pero tinaggi pang niya iyon.Napagod na daw siya kakahintay sa akin kay nilet go na niya ako dahil hindi na niya ako mahal"niyakap ako ni Ayanna.
"Kasalanan ko........kung bakit siya nawala sa akin.........kasalanan ko...."
"Shh nandito lang kami para sayo"Ayanna
"Kasalanan ko Ayanna"paulit-ulit kong sinasabi.
"Di mo kasalanan siya ang may kasalanan dahil siya ang sumuko"Matthew
Di ko na masyadong marinig ang sinasabi ni Matthew dahil sumasakit na naman ang ulo ko.Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit.Lumalabo na ang mata ko hanggang sa nawalan ulit ako ng malay.
Ayanna POV's
Nawalan ulit ng malay si Rain kaya binuhat siya ni Matthew papunta sa couch.Ano ba nangyayari sayo Rain?
Nandito lang ako sa tabi ni Rain binabantayan ko siya habang si Matthew naman umalis may gagawin lang daw siya pero nag-alala ako sa kanya.Kaya tinawagan ko siya.Ilang ring din bago siya sumagot.
"Hello?"tanong niya sa kabilang linya.
"Hello Matthew nasaan ka ba?"alala kong tanong.
"Wag kang mag-alala may gagawin lang ako basta bantayan mo si Rain tumawag ka kapag gising na siya sige ibaba ko na to I love you"
"Okay I love you too"saka pinatay ang tawag.
Matthew POV's
Pagkatapos namin magusap ni Ayanna pumunta na ako sa taong gusto ko ng patayin.Nang makarating ako nakita ko siya na paalis na sa hospital kaya tumakbo ako sa kanya at sinuntok siya ng buo kong lakas.
"Shit!"
"G*go ka pala pagkatapos mong saktan ang kaibigan ko wala ka manlang gagawin hayop ka!"sabi ko sa kanya at hinawakan ko siya sa kwelyo.
"Bakit?ano pa ang magagawa ko eh sa hindi ko na siya mahal kaya wala na akong pakialam sa kanya!"sinuntok ko ulit si Eriko.Yes siya nga.
"Hayop ka!porket sa maling gawa lang eh iiwan mo na.Alam mo bang kung gaano ka kamahal ni Rain.Buong araw siyang umiiyak kahit tulog nagmamakaawa siya na mahalin mo ulit siya pero ano ang ginawa mo sinaktan mo ulit siya!"bulyaw ko kay Eriko.
"Wala na akong pakialam aalis na ako"bago siya umalis nagsalita pa ako.
"Aalis ka na kahit walang malay si Rain ngayon"napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Kapag sinabi kong wala na akong pakialam wala na!.Walang ako pakialam kung wala siyang malay o kahit mamatay pa siya!"
Nang dahil sa sinabi niya mas lalo akong nagalit kaya binugbog ko siya at iniwan doon.
Sorry Rain hindi kita naipagtanggol nung mga oras na kailangan mo ako.Wala akong kwentang bestfriend.Sana maging maayos ka na Rain.Wag kang magalala nandito lang kami ni Ayanna para sa tabi mo.
BINABASA MO ANG
I Think I'm In Love Again
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa forever?eh kung paano magkita ulit ang mag ex magkakabalikan kaya ulit sila? Pero mahal pa rin ni exboyfriend si exgirlfriend babalik pa kaya sila sa dating sila?.........paano kaya nila maiiwasan ang pagsubok na darating sa ka...