Rain POV's
Dalawang araw na nakalipas ang date namin ni Eriko pero di pa rin mawala sa isipan ko ang paghalik niya pati na rin yung pagsabi sa akin na mahal pa niya ako hay nako basta focus muna ako sa pag aaral dahil magbibigay ng test ang prof namin bukas.
Pagkapasok ko pa lang sa gate agad naman tsumismis yung pito ang lakas talaga ng radar nila"Rain ano kamusta date?saan kayo kumain?anu-ano ang mga binili niyo?tsaka nagHHWW ba kayo?ano kamusta nga?"akala mo naman katapusan na ng mundo walang katapusan na tanong.
"Wait!isa isa muna okay mahina ang kalaban"buti naman natahimik na."Sorry naman kasi excited na kami eh malay mo may nangyari pala na maganda"ayun na nga may nangyari nga"Pwede ba pumasok muna tayo naiihaw na tayo dito sa araw oh.Classroom ko na lang ikwekwento"sumunod naman yung pito.
Nang makarating kami doon pati rin pala mga kaklase ko ganun din sunod sunod.Umupo muna ako tapos huminga ng malalim"Okay,ayos lang ang date namin,sa Max's kami kumain tapos bumili lang kami ng damit tsaka yang HHWW.....saglit lang naman kami nagganyan"nagsitilian na sila ng malakas napatingin tuloy yung ibang estudyante"I like that HHWW thing niyo haha" sabi ni Max.Pumasok na rin ang prof namin pero wala pa rin si Eriko saan na kaya siya?.
Sabay kaming walong pumunta sa canteen pero wala pa rin siya"Uy,sino ba hinahanap mo?"tanong Ashley"Si Eriko kanina pa kasi siya wala"
"Aiyeee,namimiss mo na noh? kakadate niyo lang tapos miss mo agad haha"di ko na lang pinansin di naman sa miss agad nag aalala lang.Umupo na kaming walo habang kumakain sila bigla silang natulala bakit kaya ano meron sa likod ko"Guys ano meron sa inyo parang may multo sa likod ko ah ano ba yun?"tiningnan ko kung ano ba meron nung nakita ko siya unting-unti nadurog ang puso magkasama sila Eriko at Maika.
"Hoy best punasan mo nga yang luha mo baka mamaya may makahalata sayo"sabay abot sa akin ng tissue di ko na pala namalayan na umiiyak na ako"Bwisit yang malanding babae akala mo nasa private sila ah nakakainit na ng ulo sarap sabunutan"
"Kalma ka nga lang Max baka magkagulo pa dito.Rain ayo-"di ko na pinatapos si Ivan magsalita nagwalk out na lang ako.Di ko alam kung saan ako pupunta basta makalayo lang sa kanila.
Ang sakit kasi....pero bakit ako nasasaktan ng ganito di naman na kami.Habang umiiyak ako may biglang yumakap sa akin"Tahan na shhh.Nasasaktan din ako kapag nakikita kitang ganyan ka kaya tahan na"pag angat ko ng ulo si kuya Renz.
Agad ko siyang niyakap"Ang sakit eh pero ex ko lang siya, ganito ang nararamdaman ko di ba dapat wala na akong feelings sa kanya*sob*mahal ko pa ba siya kuya?"
"Hindi ko masasagot yan,puso mo lang ang nakakaalam ng sagot"
"Pero kuya ang gulo ng puso ko eh nalilito ako sa mga sagot nahihirapan ako"
"May tamang panahon pa dyan kapag dumating na yon wag mo nang patagalin"
"Salamat kuya I love you"
"I love you too little sis"then he kiss my forehead."Kuya kailan ka pa nakabalik tsaka bakit ka nandito?"
"Kanina lang ako nakabalik gusto ko sana kita supresahin dito sa school kaso nung papunta na ako sa canteen yung pito lang ang naabutan ko doon kaya nasabi na nila sa akin ang lahat.Sorry kung natagalan ako sa pagbalik ko ah,but I promise I will never ever leave by your side again.I will stay for good"
"Thank you kuya kaya ikaw ang pinakadabest na kuya ever.I love you so much kuya"i kiss him on cheek"I love so much too sis"he kiss me in forehead.I'm so happy that I have a brother like him.
Tumayo siya at inalay sa akin ang kamay niya"Tara na"di na ako nagdalawang isip pa.Kinuha ko na lang ang kamay niya at naglakad muli.
"Saan tayo pupunta kuya?"tanong ko sa kanya"Gusto ko sana magmall tayo,namimiss ko na kasi yung bonding natin pero kung gusto mong magstay muna dito mamaya na lang"kung magiistay ako dito baka lalo akong masaktan.
Umiling ako"Gusto ko sumama sayo kuya"ngumiti na lang siya.Nakapunta na kami ng parking at sumakay.Itetext ko na lang si Ashley hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanila baka mag-alala sila.
To:Ashley-Sorry Ash di ako nakapagpaalam aalis kasi kami ni kuya,sa mall lang naman.Pakiexcuse na lang ako sa ibang prof natin.
Sinend ko na agad yon.Wala pang tatlong minuto nagreply agad siya.
From:Ashley-Sige ok lang ieexcuse na lang kita.Basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng pinsan mo at mga kaibigan mo.Ingat:-D.
Masaya ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan tulad nila.Nakarating na kami sa paboritong naming mall.Kumain muna saka pumunta sa gadget store.Kinalabit ako ni kuya
"Di ba wala kang headphone kasi sabi mo noon pag gusto mong bumili nun ako ang bibili.Kasi gusto mong sa akin manggagaling"oo nga pala nagpromise siya sa akin na ibibili niya akong headphone.
Di naman dahil wala akong pera gusto ko lang nasa kanya manggaling kahit nung wala siya dito gusto ko ng bumili nun pero nagpromise siya na kahit gusto ko hintayin ko na lang daw na siya ang bibili.
Ang sweet talaga ni kuya.Ngumiti na lang ako at napangiti din siya nagets niya yung ngiti ko.
Pumunta siya sa cashier para magbayad.Pagkalabas namin may binigay siya sa akin na paperbag."O,ayan nabili na kita.Tinupad ko na yung promise ko sayo"kinuha ko ang paperbag saka binuksan.Headphone na kulay light pink at light blue may nakalagay pang pangalan ko .
Agad kong niyakap si kuya"Thank you kuya dabest ka talaga.I love you"
"I love you rin"napagpasyahan namin na umuwi dahil pagod si kuya sa byahe.Pagkauwi namin sumalubong agad yung mga kaibigan ko.Niyakap ako ng tatlong girls at yung mga boys kay kuya sabay halik sa pisngi natawa tuloy ako.
Tinulak ni kuya yung apat"Mga g*go.Wag niyo nga akong halikan sa pisngi baka mapag-dudahan ko kayo na bakla".
"Ito naman si kuya namiss ka lang namin.Tsaka kami bakla?sus,dami-daming nagkandarapa sa amin,lalo na ako ang pinakagwapo"sabi ni James sabay batok sa kanya nung tatlo.Nagtawanan na lang kami dito sa labas kahit papaano nawala na yung sakit sa akin.I'm so happy that I have them in my life.
"Sige na,magpapahinga na ako sa loob pagod eh"
"Sige kuya ako na bahala dito tulog ka na goodnight kuya"sabay kaway ko kay kuya"Goodnight little sis"pagkapasok niya tumingin ako sa pito halata sa kanila ang pag aalala.
Niyakap ako ni Ashley"Ok ka lang best?nag alala kami sayo"
"Ok lang ako wag na kayong mag alala ok".
"Ok basta lagi kaming nandito para sayo"gumagaan ang loob ko dahil sa kanila
"Group hug!"sigaw ni Josh.Naggroup hug kami.Di ako nagkamali sa pagpili sa kanila I love them as my friends.
Sana lagi akong ganito kasaya......sana.
Ipagpatuloy niyo po ang pagbabasa at vote,comment at share din po.Thank u:-D.
BINABASA MO ANG
I Think I'm In Love Again
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa forever?eh kung paano magkita ulit ang mag ex magkakabalikan kaya ulit sila? Pero mahal pa rin ni exboyfriend si exgirlfriend babalik pa kaya sila sa dating sila?.........paano kaya nila maiiwasan ang pagsubok na darating sa ka...