Rain POV's
Nandito ako ngayon sa simbahan.Hanggang ngayon chinecheck pa rin sila Ayanna at Matthew kaya hindi ko pa alam ang kalagayan nila.
Umupo ako at nagdasal.
Lord wag niyo silang pabayaan okay lang sa akin kung ako ang mamamatay pero sana bigyan niyo po sila ng pagkakataon.Wala po silang kasalanan kaya sana buhayin niyo sila.
Pagkatapos kong magdasal umalis na ako sa simbahan.Naisip kong umupo muna.Pagkaupo ko may lumapit sa aking batang babae.Ang cute niya.
"Hi po ate ganda"masiglang niyang sabi.
"Hello ano pangalan mo?"ako
"Rin po"
"Sino kasama mo?"ako
"Yung yaya ko lang po namamasyal lang kami"ang sarap pisilin yung pisngi niya.
Nagkwentuhan lang kami ni Rin.Sinabi din niya nacomatose ang nanay niya kaya nalungkot ako para sa kanya.
"Sa tingin mo Rin may pag-asa pa bang mabuhay ang tao?"tanong ko sa kanya.
"Opo kasi may tiwala po ako sa taong lalaban pa para lang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.Katulad po ng nanay ko unti-unti na po siya gumagaling dahil may tiwala po ako sa kanya"napaluha na lang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit.Siguro tama siya dapat magtiwala lang ako.Alam kong malakas sila,alam kong mabubuhay pa sila.
Nagpaalam na ako kay Rin dahil kakamustahin ko pa sila Ayanna.Pumunta na ako sa hospital para macheck silang dalawa.Pagkapunta ko doon nakita ko ang mga magulang nila Ayanna at Matthew.Pareho silang umiiyak.Kaya pumunta ako sa kanila.
"Tita......Tito...."tawag ko sa kanila.
"Ikaw!ikaw ang may kasalanan!"sigaw ni tita Yan mommy ni Ayanna.
"Po?"
"Nang dahil sayo kung bakit nagkaganito ang anak ko!"ano nangyari sa kanila?
"Ano po bang nangyari sa kanila?"ako
"Parehong comatose ang anak namin hindi ito mangyayari sa kanila kung hindi mo sila pinabaya!"comatose?na naman?
Hindi pwede to.Nacomatose na nga sila kuya pati ba naman sila Ayanna.Bakit ba nangyayari sa kanila to?.Napaiyak na lang ako at lumabas ng hospital.Di ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko makalayo.
Napunta lang ako sa madilim na lugar di ko alam kung saan to.Habang naglalakad ako may lumapit sa aking tatlong lalaki.
"Uyy pare oh sexy"psh mangyayari na naman ba?
Di ko lang sila pinansin at naglakad ulit.Pero hinawakan ako nung lalaking baog ang mukha.Pilit ko makawala pero ang higpit niya humawak.Napapikit na lang ako.Pero bugbugan lang ang naririnig ko hanggang sa nawala na ang ingay.
Dinilat ko ang mata laking gulat ko naman na nandito siya.Napaiyak ulit ako dahil ngayon ko na lang ulit siya nakita ng malapitan.Bigla niya akong niyakap kaya mas lalo akong umiyak.
"Tss ang iyakin mo"di ko na lang pinansin ang sinabi niya.
"Tara na ihahatid muna kita sa condo ko baka sakitin ka pa dito"
Bakit parang iba siya?diba dapat iniiwasan niya ako?kahit ako din naman dapat umiwas ako sa kanya pero parang may kung anong pumipigil sa akin.Nakarating kami sa condo niya.Pagbukas niya ng pinto dumiretso agad siya sa kusina.
Umupo muna ako sa couch.Nakaramdam naman ako ng lamig dahil nakaaircon ito.Biglang may naglagay ng kumot sa akin.
"Yan na,ito na pala yung soup mo"
"Salamat"saka ko kinain ang soup.
Pagkatapos kong kumain nagpahinga lang muna ako sandali hanggang sa nakaramdam ako ng antok.Pero narinig kong nagsalita muna siya.
"Sorry"
"Eriko......."
Eriko POV's
Pagkatulog niya saka ko siya tinabihan.Di ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagiwan sa kanya.Nung iniwan ko siya sa rooftop nasaktan ako.Alam kong masakit para sa akin ang pagiwas sa kanya pero mukhang wala na ata akong pag-asa sa kanya.
Iniwan ko muna siya.Nilock ko naman ung pinto para walang makapasok kaya safe siya doon.Nagmuni-muni lang ako sa labas at gabi na rin.Umupo muna ako sa isang bench.
"Kuya pogi"di ko alam kung ako ang tinatawag ng batang babae.
"Ako ba?"turo ko pa sa sarili ko.
"Opo nahulog niyo po kasi itong wallet niyo"inabot niya sa akin ang wallet ko.
"Salamat ano pala pangalan mo?"tanong ko doon sa batang babae.
"Rin po"sagot niya sa akin.
Nagkwentuhan lang kami ni Rin at nasabi niya sa akin na nacomatose ang nanay niya pero gumagaling naman daw.Nagpaalam na si Rin dahil tinatawag na siya ng yaya niya.
Bumalik na din ako sa condo ko.Nandito pa lang ako sa tapat ng kwarto ko ng may narinig akong iyak.Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang umiiyak na natutulog.
Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya.Sana habang buhay kami ganito yung walang gulo,walang problema at walang nasasaktan.Naalala ko ang sinabi sa akin ni Rin kanina.
"Tiwala lang po kuya pogi"
Tama magtiwala lang dapat ako.Alam kong may panahon para sa amin at alam kong magiging okay din ang lahat.
At gusto ko ding magtiwala sa sarili ko dahila alam kong may pag-asa pa.Sana mapatawad mo pa ako Rain sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan.Di pa ito ang tamang panahon para sabibin sayo ang totoo.
Dahil alam kong mas lalo kang magagalit sa akin kapag nalaman mo na ang totoo.
BINABASA MO ANG
I Think I'm In Love Again
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa forever?eh kung paano magkita ulit ang mag ex magkakabalikan kaya ulit sila? Pero mahal pa rin ni exboyfriend si exgirlfriend babalik pa kaya sila sa dating sila?.........paano kaya nila maiiwasan ang pagsubok na darating sa ka...