Chapter 3 Alala at Bwisit

19 3 0
                                    

Rain POV's

Nang makaalis ako doon di ko na siya nilingon ulit baka mag-iba ang desisiyon ko.Oo masakit pa rin pero kailangan na mawala toh dahil ieengage na siya kay Maika ang kaaway kong babae.Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room nadatnan ko agad sina Josh,Mark,James at si Ivan na naghihintay sa pinto.Napatigil sila sa pag-uusap nang makita nila ako at saka ako niyakap ni Ivan ang kapartner at pinsan ko sa pagsasayaw tapos sina Josh at Rose,Mark at Ashley,James at Max.

"Okay ka lang ba masyado akong nag- alala sayo dahil nalaman ko na nag transfer dito si Eriko kaya pinuntahan ka namin dito at napag-alaman din namin na nag-usap daw kayo"kitang kita ko ang pag-aalala niya sa akin.Halos ituri ko na siyang kapatid.Siya na ang nag-aalaga sa akin simula nung umalis ang mga magulang ko at si kuya.

"Paano mo nalaman ang lahat?"tanong ko kay Ivan"Sinabi sa amin ng mga kaibigan mo.Papunta lang kami sa canteen pero tumawag sa akin si Max para i comfort ka namin"talagang totoong mga  kaibigan ko sila."Bakit?nasaan ba sila?"hindi sila makatingin sa akin, bakit kaya?magsasalita sana ako nang sumagot si Josh.

"May pinuntahan lang saglit.Tsaka nag-text na sa akin si Ash na wag mo na daw sila hanapin at wag ka na rin mag-alala dahil okay lang sila"habang nakasandal siya sa tabi ng pintuan.Nagpaalam na sila at pumasok na ako,pagkapasok ko napatingin sila sa akin at lumapit ang president sa akin.

"Uy,ayos ka lang ba kasi nalaman namin na nag usap kayo ni Eriko eh nag aalala kami sayo"hinawakan niya ang dalawang kamay ko.Alam kasi ang tungkol sa amin ni Eriko pero di sila nagalit nung naghiwalay kami.Kahit di na kami, pinipilit pa rin ng ibang tao na maging kami ulit.Lahat sila umaasa na mag kakabalikan kami ulit kaya todo ang pag-asa nila sa amin."Ayos lang ako, kaya wag na kayo mag alala"sabay yakap sa akin tapos naupo na lang ako at tinext ko si Ash

To:Ash-nasaan na ba kayo?nandito na ako sa room.

Sinend ko na ang message ko,wala pang isang minuto nagreply agad

From:Ash-Papunta na kami dyan nasa first floor na kami.

Ilang minuto na lang magsisimula na ang klase pero wala pa yung tatlo.Magtetext sana ako nang bigla na lang pumasok yung tatlo na may galit na expression.May limang minuto pa kaya nakipag-usap muna ako sa kanila at itatanong ko na rin kung bakit wala sila kanina.

"Guys,saan kayo nagpunta kanina at parang galit na galit kayong tatlo"napabuntong hinga muna sila at saka nagsalita si Rose.

"Hay nako kung nakausap mo lang yung malanding babae na yun,hay basta nakakainis at nakakabwisit siya"sabay gulo  ng buhok niya at sumabat naman si Max"Porket hiwalay na kayo ni Eriko pwede na siyang manghusga ng kahit ano".

"Hay nako basta makakabawi rin tayo dun sa babae na yun,konti na lang talaga pwede ko nang sabunutan at tanggalan ng tinik na landi.Bwisit!"sabi ni Ash,di ko pa rin alam kung sino ang tinutukoy nilang babae kaya nagsalita na ako para itanong kung sino yung babae.

"Sino ba ang tinutukoy niyo at ang laki ng galit niyo sa kanya?"hindi pa sila makasagot sa tanong ko.Huminga muna si Rose bago magsalita"Hay nako sino pa ba yung pinakamalandi na babae dito sa school e di si Maika yung fiance ni Eriko"pinalo siya ni Max sa braso.

"Aray!"habang hinihimas niya ang braso niyang pinalo ni Max"Ang kulit mo,sabi ko wag mo na sabihin eh ang daldal mo"taray ni Max kay Rose.Nagtataka pa rin ako kung bakit sila kinausap pero hindi dahil ako naman ang madalas niyang kaaway."Ano ba sinabi sa inyo?"tanong ko sa tatlo,bago sila makasagot napahinto kami sa pag-uusap na biglang pumasok si Eriko at doon nagtama ang mga mata namin.Iniwas ko kaagad ang mata ko sa kanya saka umupo na siya nang dumating na ang prof namin.


Ano ba nangyayari sa akin?bakit lagi na lang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya?di kaya mahal ko pa siya?

I Think I'm In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon