Shoot 32

67 2 0
                                    

Shoot 32: Siegfrid Vanswalker

Miyuki's POV

Habang pinagmamasdan ko ang kakambal ko na nakikipaglambingan kay Klea, napapangiti ako. Kasi kahit paano ay napapasaya ni Klea si Saimon. Nasa garden kami nasa may swing sila habang ako ay nasa nakaupo sa isang table set habang umiinom ng tsaa. Habang humihigop ako ng tsaa nakaramdam ako ng presensya sa paligid. Parang may nagmamasid samin, tumingin ako sa paligid at pagtingin ko sa taas isang bulto ng tao ang nakita ko sa balcony ng kwarto ko.

"Sisipain kita sa mukha pag hindi mo ako tinigilan saimon"saad ni Klea. Napalingon naman ako sakanila

"Baby naman eh"pagsusumamo ni Saimon kay Klea pero inirapan lang siya nito

"Baby mo mukha mo!"mataray nitong usal kay Saimon ngumuso naman ito na parang pato at nilambing ang kasintahan

"Sorry na nga eh"saad nito. Muli akong napadako ang tingin sa balcony ng kwarto ko lumipat ito ng pwesto. Nasa pinto na ito ng balcony ko.

"Bal ano yung tinitingnan mo?"tanong ni Saimon sakin. Tumingin ako sakanya sabay ngiti mukhang napansin niya ang paglingon lingon ko sa balcony.

"Wala, taas muna ako. May kukunin lang ako"saad ko sakanya tumango naman siya bilang pag-sang ayon. Mabilis akong naglakad paakyat ng kwarto ko. Nang marating ko ang pangalawang palapag ng bahay nakatapat na ako sa pintuan ng kwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto isang lalaki ang nadatnan ko na nakaupo sa sofa sa loob ng kwarto ko.

"Who are you?"pagtatanong ko sakanya, sinarhan ko ang pintuan para walang makapasok. Tumingin siya sakin at ang nagbabaga niyang mga mata ang sumalubong sakin.

"Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?"pagtatanong ko ulit sakanya. Tumayo siya at sa isang iglap nasa harapan ko na siya. Nanlamig ako dahil sa pagsulpot niya sa harapan ko. Tinitigan niya ako gamit ang nagbabaga na pulang mga mata. Tila natuod ako, ngunit hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ako makakilos. Para akong nagyelo sa pwesto ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla itong ngumiti sakin at ginulo ang buhok ko. Bahagya itong lumayo sakin saka nagsalita

"Sa iyo pala binigay ng kapatid ko ang kaluluwa niya"saad nito na siyang ikinawindang ko. Kapa...tid? Niya? Sino?

"You're ate Kyesha's sibling?"tanong ko sakanya tumango siya bilang pag-sang ayon. Nag-inat siya saka nagsalitang muli

"Para sa tanong mo kanina kung ano ang kailangan ko dito ay dahil kailangan kitang balaan at palakasin. At kung bakit ako naririto ay dahil sa bilin sakin ni Kyesha"saad niya sakin.

"Balaan at palakasin para saan? At ano ang bilin niya sayo"tanong ko sakanya

Third Person's POV

Sa isang silid naguusap ang magkapatid na Vanswalker. Nakaupo lang ang nakakatandang kapatid sa sofa habang ang nakakabata naman ay nakatayo. Ang astral nitong katawan ay tagusan ang tingin kung kaya't tanging sila lang magkapatid ang nakakakita sakanya

"Kuya kung mawawala ng tuluyan sa mundong ito ang kaluluwa ko. Gusto ko na protektahan mo ang mga tao. Hindi natin alam kung kelan babangon si ama pabalik"saad ni Kyesha sa nakakatandang kapatid niya. Seryoso siyang tiningnan nito

"Hindi porket kaluluwa ka lang ngayon ay hindi ka na makakabalik sa dati mong anyo. May dugo ka ng demonyo kaya hindi maaring mawala ang kaluluwa mo"bumuntong hininga si Kyesha at malungkot na ngumiti

"Ang totoo niyan, ang kalahati ng kaluluwa ko ay ibinigay ko sa nakakabatang kapatid ni Zaniel. Kaya alam kong anumang oras ay maglalaho na ang kaluluwa ko"saad nito sa kapatid

"Sa kapatid ni Zaniel? Bakit mo ginawa iyon? Nasisiraan ka na ba ng bait Kyesha."inis na usal nito sa nakakabatang kapatid

"Hindi ako nasisiraan ng bait kuya. Kahit pa makabalik ako sa dati kong anyo hindi ko na kakayanin kalabanin ulit si Ama, hindi na din ako ang nakasulat sa libro ng buhay at kamatayan, hindi na ako ang magliligtas sa mundo. Alam ko makakaya ng batang iyon na iligtas ng mundo sa kamay ni Ama"saad nito sa kapatid na ngayon ay malungkot ang mukha

"Pasensya ka na Kuya, may hiling lang ako saiyo. Pagdating ng panahon gusto ko turuan mo ang batang mandirigma kung paano lumaban gamit ang kapangyarihan na inilaan ko sakanya. Ipaliwanag mo sakanya kung bakit mo kailangan itong gawin"saad nito

"Bakit mo napiling ibigay sa batang iyon ang kalahati ng kaluluwa mo Kyesha?"tanong nito sakanya

"Ibinigay ko ito sakanya dahil binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon para mabuhay"saad nito sa kapatid. Naguguluhan siya nitong tiningnan

"Anong ibig mong sabihin na isang pagkakataon?"tanong nito

"Namatay na ang nakakabatang kapatid ni Zaniel Kuya. Binuhay ko siyang muli gamit ang kalahati ng kaluluwa ko. Binuhay ko siyang muli dahil alam kong mas lalong masasaktan si Zaniel kung pati ang kapatid niya ay mawawala sakanya"

Miyuki's POV

Malakas ang naging kabog ng dibdib ko nang marinig ang mga sinabi ng lalaking nasa harapan ko. Ang alam ko kaluluwa lang ni Ate Kyesha ang nasa akin. Ang alam ko reincarnation niya ako.

"Pasensya ka na kung nagulat ka sa mga nasabi ko. Iyon kasi ang kagustuhan ni Kyesha, na balang araw ay kailangan mong malaman ang lahat lahat"usal ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ako makaibo, my mind stopped thinking for a while.

"Totoo bang binuhay ako ni Ate Kyesha?"tanong ko sakanya tumango lang siya sakin at lumayo sakin.

"Ibig sabihin namatay talaga ako at ang tanging bumubuhay sakin ay ang kaluluwa ni Ate Kyesha"saad ko sa sarili ko. Napaupo ako at napahawak sa ulo ko. Nasabunutan ko na ang sarili ko pero hindi ako nakaramdam ng sakit. Ibig sabihin yung araw na namatay si mommy ay ang araw na dapat pagkamatay ko.

"Tama na iyan Miyuki. Kailangan mong lumakas may mas malaking problema ang dadating kaya kailangan mong maging handa"saad niya sakin, iniangat ko ang ulo ko at tumingin sakanya. Bumuntong hininga ako at tumayo.

"Ano ang pangalan mo?"tanong ko sakanya

"My name is Siegfrid Vanswalker, eldest sibling of Kyesha Vanswalker"saad niya habang nakangiti. This time i'll protect what's important to me. Hindi ko hahayaang masayang sa wala ang pagsasakripisyo ni Ate Kyesha.

The Gangster Demon (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon