Shoot 40

74 1 0
                                    

Shoot 40

Third Person's POV

"Yuki"tawag ng isang tinig kay Miyuki, tumingin siya sa likod at dun niya nasilayan ang babaeng nagbigay sakanya ng kapangyarihan

"Maraming salamat Yuki, dahil sayo nailigtas na ang mundo. Maaari na kayong mamuhay ng matiwasay na walang takot, walang kaba"nakangiting usal nito

"Anong mangyayari sa iyo Ate Kyesha? Mabubuhay ka na ba ulit?"usal ng dalaga kay Kyesha, malungkot na umiling si Kyesha

"Hindi na ako nararapat manirahan sa mundong ito. Tapos na ang misyon ko sa mundong ito, ang bigyan ito ng kapayapaan"saad nito saka malungkot na hinawakan ang kamay ng dalaga

"Miyuki pagkatapos nito aalis na ako sa katawan mo, mabuhay ka nang ikaw. Lilisanin ko na ang mundo ngunit mag-iiwan ako ng mga alaala."saad nito kay Miyuki, niyakap niya ang dalaga ng ilang segundo bago ito nagpaalam ang itim na manika nito ay nasa kanang kamay niya. Kuminang at kumurap ang manika na nagpapahiwatig na aalis na sila.

"Paalam sa inyo Miyuki, masaya ako na nakilala ko kayo"bago ito tuluyang maglaho nakita pa ni Miyuki ang butil ng luha nito sa mata.

"Bal gising ka na please"narinig ni Miyuki na pagtawag sakanya. Iminulat niya ang kanyang mata at tumingin sa lalaking nasa tabi ng kama niya. Nakangiti ang kanyang kapatid sakanya ng makitang nakamulat na siya.

"Bal! Buti naman at nagising ka na. Alam mo bang sobra akong nag-alala? Ha? Huwag mo na ulit gagawin iyon ha"lumuluhang saad ni Saimon sa kakambal. Hinawakan ni Miyuki ang pisngi nito saka pinunasan ang luha nito

"Tapos na ang lahat Saimon, hindi ko na ulit gagawin iyon"nakangiting usal nito sa kapatid, inilagay ni Saimon ang kamay ni Miyuki sakanyang pisngi.

"Kamusta na si Yash?"pagtatanong ni Miyuki sakanya

"Okay na siya nabigyan na siya ng hangin na kinakailangan niya, pero mukhang natrauma ang bata dahil sa nangyari sabi ng doktor dahil sa shock sa utak niya"saad ni Saimon

"Tara sa kwarto niya"tumango si Saimon at inalalayan ang kakambal papunta sa kwarto ng pamangkin. Pagpasok nila bumungad sakanila si Zaniel at Tracy na nasa isang sofa. Magkalayo at tila may iniisip, kumunot ang noo ni Miyuki saka nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto. Sinulyapan niya si Yash na mahimbing na natutulog saka pumunta sa harap ng dalawa.

"Sumama kayo sakin. Saimon ikaw muna ang magbantay kay Yash"saad ni Miyuki, tumango lang si Saimon. Tumayo ang dalawa saka sumunod sakanya sa labas ng hospital

"Hindi ba masakit ang kamay mo?"tanong ni Miyuki kay Tracy nang makarating sila sa garden ng hospital.

"Uhm hindi na meron silang nilagay na pampangimay sa kamay ko"naiilang na usal nito. Ilang minutong katahimikan ng magsalita si Tracy

"Im sorry"

Tracy's POV

"Im sorry"usal ko habang nakayuko pinipigilan ang luha na tumulo.

"Tracy asawa ka ng kapatid ko, kayang kaya kitang patawarin sa mga nagawa mong kasalanan sa amin. Pero yung pagpatay mo sa aming ina, hindi"sabi sakin ni Miyuki, naikuyom ko ang kanan kong kamay.

"Magpaliwanag ka Tracy kung bakit mo nagawa ito, makikinig kami"saad ni Zaniel sakin tumango ako

"Pinatay ng inyong ina ang aking ina"gulat ang bumalatay sakanilang mga mukha

"Yun ang pag-aakala ko, matagal kong pinaniwalaan iyon ngunit nito ko lang nalaman na mali pala ang pinaniwalaan ko. Dahil sa galit ko lahat ng pamilya nila ay gusto kong patayin. Nagdisguise ako bilang white mask para mapatay ang inyong ina. Yun din ang ginamit kong identity para lang mawasak kayo. Pero nalaman ko na namatay talaga si Mommy sa sakit, hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong humingi ng humingi ng tawad sa inyong Ina pero kahit anong paghingi ko ng tawad alam kong hindi nito matutumbasan ang buhay na kinuha ko"usal ko, hindi na ako nakakaramdam ng galit kundi guilt. Sa loob ng maraming taon na nabulag ako sa galit at lungkot hindi ko namamalayan na maling daan na pala ang natatahak ko.

"Zaniel, hindi talaga ako si Tracy"usal ko sakanya, blanko ang tingin na iginawad niya sakin. Ang sakit makita na nagkakaganyan siya sakin. Lumuluha akong yumuko, pinunasan ko ang mga luha ko pero hindi ito tumigil sa pagluha

"Pasensya ka na, mahal na mahal lang talaga kita. Nung magkita kayo ni Tracy ng isang beses naiinggit ako kasi parang masaya ka sakanya. Kaya nagpanggap ako bilang siya para maramdaman ang saya na naramdaman mo at niya. Pero mali pala ang ginawa ko, pasensya ka na Zaniel alam kong hindi mo na ako mapapatawad"saad ko saka tumayo. Kita ko ang mga tingin sakin nina Miyuki pero binaliwala ko iyon

"Pakisabi nalang sa anak natin na mahal na mahal ko siya, sabihin niyo sakanya na sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Na sana kahit hindi tunay ay mapatawad niya ako"usal ko saka ako naglakad palayo sakanila pero nahigit ako ng isang kamay saka ako hinila papunta sa bisig niya. Umiiyak ako sa dibdib ni Zaniel habang ramdam ko ang paghagod niya sa buhok ko.

"Kahit pa nagsinungaling ka sakin, naramdaman ko parin ang pagmamahal mo sakin. Wala na akong pakealam kung si Tracy ka man o Tiffany ang mahalaga sakin ay mahal kita at ikaw ang ina ng aking anak"lalo akong napaluha sa sinabi niya. Tumayo si Miyuki at tinapik ang balikat ko.

"Sabi ko sayo mapapatawad ka namin ng ganun kadali. Pero mayroon ka paring kasalanan na kailangan mong pagbayaran. Sapat na siguro ang tatlong taon na nasa rehab ka pagkatapos nun pwede ka na ulit bumalik sa pamilya namin"nakangiti nitong usal sakin, lumuluha akong tumango sakanya

"Maraming salamat, sobra akong nagpapasalamat sa inyo"sinsero kong saad sakanila. Yung galit sa puso ko noon ay naglaho at napalitan ng saya at kapayapaan. Mali pala talaga ang magtanim ka ng galit sa mga taong wala namang naging kasalanan sayo. Nalaman ko nito lang na namatay si Mommy sa sakit na cancer, ang huling kasama niya bago siya namatay ang nasa isip ko noon ay ang Ina ni Zaniel. Sa sobrang lungkot ko noon hindi ko na nagawang mag-isip, nagplano ako ng nagplano hanggang sa napatay ko ang kanilang Ina. Napangasawa ko si Zaniel na dati ko pang pinapangarap at nang magkaroon kami ng supling tila nabawasan yung galit na nasa puso ko. Pero nang maalala ko ang sinapit ni Mommy nabuo ulit ang galit at nagplano pa akong patayin sila. Sa lahat ng ginawa ko sakanila heto sila nakangiti sa akin at pinapatawad ako. Sobrang mali talaga ng aking ginawa. Pasensya na at salamat sa inyo. Niyakap ko pabalik ang asawa ko, ang yakap niya ang nagpakalma sa puso't isipan ko.

The Gangster Demon (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon