Shoot 41

110 3 0
                                    

Shoot 41

Tracy/Tiffany's POV

Matapos ng paguusap namin sa labas pumasok kami sa loob para puntahan ang anak ko. Hindi pa siya nagigising at kinakabahan ako kapag nagising na siya, alam kong matatakot siya sakin at baka din layuan niya ako at paalisin dahil sa nagawa ng demonyong yun sakanya. Bumungad sakin ang isang pamilyar na mukha, tila kinabahan ako ng makita kung sino iyon. Iyon ang anak ni Anailda, ang batang si Klea. Napakalaki din ng naging kasalanan ko sa batang ito, tinanggalan ko siya ng kasiyahan, pagmamahal at aruga ng mga magulang niya sa murang edad.

"Bal hehehe gutom ka na ba?"pagtatanong ni Saimon kay Miyuki, palipat lipat ang tingin niya samin tatlo tila binabasa niya ang mood sa aming tatlo.

"Oo, Klea andito ka pala. Kumusta?"tanong ni Miyuki kay Klea. Napatingin ako sa ngiti ni Klea, buo ito hindi peke at hindi nahahaluan ng kahit anong lungkot. Parang wala siyang pinagdaanan dahil sa pinapakitang kislap ng mga mata niya.

"Ayos naman ako Ate hehehe, niyaya kasi ako ni Saimon dito wala daw siyang kasama. Atsaka gusto ko din dumalaw kay Yash"sagot niya, tumingin siya sakin dahilan para mailang ako at magpanic kung saan titingin

"Nasabi nila sakin kung sino ka talaga. Hindi kita mapapatawad, hindi parin mawawala basta basta yung galit at lungkot na nararamdaman ko. Pero pakiramdam ko naman ay hindi din matutuwa si Okaa-san kung ipagpapatuloy ko ang paghihiganti ko, wala din akong mapapala sa paghihiganti ko kung hindi isang kasalanan. Kung papatayin kita katulad ng pagpatay mo sa pamilya ko para na din akong katulad mo kung gagawin ko yun. Pero gusto ko sana ay pagbayaran mo parin ang mga kasalanan nagawa mo sa ganoong paraan mababawasan yung naging kasalanan mo sa mga taong pinaslang at inagrabyado mo"saad niya sakin. Hindi makitaan ng galit ang mga mata niya imbis ay ngumiti siya sakin. Lalo akong nagsisi sa mga ginawa ko, kahit ang laki laki ng kasalanan ko ay tila papalampasin lang nila kasi hindi matutuwa sakanila ang kanilang mga ina at hindi din magagawa ng konsensya nila ang maghiganti. Masyadong silang mabubuting tao, hindi ko alam kung paano ko mababayaran lahat ng mga kabutihan nila.

"Pero gusto ko parin humingi ng tawad sa iyo. Masyado ka pang bata nung kitilin ko ang buhay ng iyong ina. Alam kong masyadong masakit sayo ang nangyari, ipagpatawad mo sana ang kapangahasan na ginawa ko"saad ko saka yumuko sa harapan. Nagulat pa siya sa ginawa ko, nakangiti lang siyang tumango sakin.

"Daddy"sabay sabay kaming napalingon sa tinig ni Yash. Kita kong nahihirapan itong magsalita kaya naman lumapit agad sakanya si Zaniel para alalayan.

"Yes baby? Do you want something?"saad ni Zaniel kay Yash, umiling lang ito at ngumiti sakanyang ama. Yinakap naman ni Zaniel ang anak at lumuluhang hinaplos ang buhok nito. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi ko. Hindi ko kayang harapin ang anak ko, lalo na sa mga nagawa ko at nagawa ng demonyo sakanya.

"Daddy okay ka na po ba? Hindi na naghuhurt ang head mo?"pagtatanong nito sa ama. Umiling lang si Zaniel at hinaplos ang buhok nito.

"Hindi na, strong si daddy eh"saad niya sa anak, natutuwa naman itong pumalakpak. Ganyan na ganyan siya kapag natutuwa sa isang bagay, napakainosente. Naluluha akong inilayo ang tingin sakanila habang pinipigilan ang hikbi.

"Daddy nasaan si mommy? Wala na ba ang sapi ng ghost sakanya Daddy?"lalo akong napaiyak sa sinabi ng anak ko. Napalingon ako ng biglang may tumapik sakin, nakita kong nakangiti si Miyuki at nilingon niya ang mag-ama ko

"Hinahanap ka na niya, hindi siya magagalit sayo. Masyado kang mahal na mahal ka ng anak mo kaya hindi siya magiisip na magtanim ng galit at takot sayo"sabi niya at bahagya akong itinulak para lumapit sa mag-ama ko, sumulyap pa ako sakanya tumango lang siya sakin saka ako lumuluhang lumapit sa mag-ama ko

"Mommy okay ka na po? Ay bakit putol po ang kamay ninyo? Hindi po ba masakit?"pagtatanong niya sakin, umiling iling ako habang nakangiti hinaplos ko ang kanyang buhok habang nakatingin sa mga mata niya saka ko siya hinalikan sa noo at niyakap.

"Daddy bakit naiyak si Mommy? Inaway mo pa ba siya? Bad ka talaga daddy"natawa kami sa sinabi niya sakanyang ama.

"Mahal ko kaya ang mommy mo, hindi ko kaya awayin si Mommy mo hehehe ganyan kasi pag gwapo hindi nanakit ng magagandang babae"saad ni Zaniel napatawa naman ako sa sinabi niya, humiwalay ako sa yakap ko kay Yash. Gusto kong hawakan ang kamay niya ng dalawang kamay kaso putol na ang isa kaya malungkot kong hinaplos nalang ang buhok nito

"Aah kaya pala hindi gwapo itong katabi ko"saad ni Klea habang nakatingin kay Saimon

"Hoy hindi ako nanakit ng magagandang babae"dinurk duro pa nito ang noo ni Klea

"Eh bakit mo ako sinasaktan?"sagot nito sakanya

"Bakit maganda ka ba?"sabi ni Saimon kaya naman napapailing na sumandal si Miyuki sa pader at pinanuod ang dalawa

"Aba't tukmol ka" Klea

"Maliit" Saimon

"Pangit" Klea

"Bansot" Saimon

"Supot" Klea

"Mahal kita!"nanlalaki ang mata ni Klea habang namumula kaya walang ano ano ay sinapak niya ang nobyo.

"Huhuhu Bal nanakit ang bansot na ito"saad nito sa kambal pero tinawanan lang siya nito

"Kaya mo iyan, gwapo ka diba?"kaya naman natawa kami sa sinabi niyang iyon. Ang tagal kong hindi naramdaman ito, napakainit sa pakiramdam may tahanan na akong uuwian

After 5 months...

Nakalipas ang limang buwan nang makalabas kami sa ospital ni Yash, binigyan nila ako ng palugit bago ako pumunta sa isang rehab center sa Los Angeles. Kaya ngayon ay nasa airport kami para maihatid ako ni Miyuki sa rehab center.

"Babalik ka Tiffany, balikan mo kami ng anak mo ha"saad ni Zaniel tumango ako sakanya. Napatingin ako kay Yash na may namumuo nang luha sa mga mata.

"Ow ang big girl namin wala bang sasabihin sa mommy niya?"ani ko saka lumuhod para magkapantay kami, wala siyang sinabi sakin pero niyakap niya ng mahigpit. Humikbi siyang nakayakap sakin

"Mommy babalik ka po ha. Padalhan niyo po ako ng messages para po hindi po kita masyado mamiss"saad niya habang umiiyak kaya naman lumambot ang puso ko at tumango tango sakanya

"Oo naman"saad ko sakanya at tumayo. Niyakap ko ang asawa ko saka tumungo kay Saimon.

"Patawadin mo ako Saimon"usal ko sakanya. Tinapik niya lang ang balikat ko kaya humiwalay ako sakanya, nakangiti naman siyang tumango at nag-thumbs up

"Wala iyon. Ingat ka doon ha, balikan mo itong iyakin mong mag-ama"natatawa akong tumango sa sinabi niya. Nagsimula na kaming maglakad ni Miyuki papunta sa loob paalis na ang eroplano na sasakyan namin kaya nagmadali kaming nagpunta sa front desk para macheck ang tickets namin saka kami sumakay sa eroplano. Eto na iyon pagbabayaran ko na lahat ng kasalanan ko at sana sa pagbalik ko ay maging ayos parin ang pamilya namin.

The Gangster Demon (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon