Shoot 39

70 2 0
                                    

Shoot 39

Continuation

Third Person's POV

"Papatayin kita"usal ni Miyuki at nagsimula na ang kanilang laban. Inipon ni Miyuki ang kapangyarihan sa kamay saka ito itinira sa demonyo. Ngunit hindi ito natinag at sinalo ang kapangyarihang ibinato sakanya ni Miyuki. Lumaki ang mata ng dalaga ng makita niyang wala itong kagalos galos. Bumuo ulit siya kapangyarihan sa kamay at itinira ng itinira sa demonyo ngunit para itong bakal na hindi tinatablan.

"Mga alagad"lumabas ang mga alagad na demonyo nito saka sinugod si Miyuki. Parang naging makapal na laser ang kapangyarihan sa kamay ni Miyuki at itinira sa mga sumugod sakanya, may natira ngunit kakaunti kumpara sa kanina.

"Magaling, napakagaling. Hanggang saan nalang ba ang tapang mo aking anak"usal nito kay Miyuki

"Hindi mo anak demonyo ka!"usal nito sa demonyo ngunit tinatawanan lang siya nito. Ang nagbabaga nitong mga mata ay tiningnan siya pamula paa hanggang ulo.

"Sa tingin mo ba ay hindi ka demonyo? Tingnan mo ang sarili mo anak ko. Isa ka rin demonyo"saad nito saka tumawa ulit na tila nang-uuyam

"Hindi ako ang anak mo"ani ng dalaga saka sumugod sa demonyo. Lahat ng tira nito ay tila tumalab na dito, umatras ang demonyo at hinawakan ang nasaktang parte ng katawan niya.

"Paanong-"hindi na nito naituloy ang sasabihin ang bigla siyang sinugod ng dalaga. Mabilis ang mga tira nito sa demonyo kaya walang nagawa ang demonyo kung hindi ang iharang ang dalawang kamay sa unahan niya bilang proteksyon. Hindi niya mawari kung bakit nagagawa siyang masaktan ng isang mortal na tao. Alam nito ang kaluluwa ng anak ay nasa katawan ng dalaga, ngunit hindi niya inaasahan na mas malakas ito kumpara sa anak. Nagulat ito ng makita ang pagmumukha ng anak sa katauhan ng dalaga.

"Ama itigil mo na ang mga kasamaan mo"usal ni Kyesha na nasa loob ng katawan ni Miyuki. Umatras ang dalaga bahagya itong napayuko at nang mag-angat ito ng tingin ang dating puting kaliskis ng dragon na nakabalot sa katawan ay naging halaman na itim, ang pang-ibaba nito ay tila pinintahan ng lang ng itim, ang kaliskis ng dragon sa mukha nito ay pinalibutan ng itim na halaman.

"Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot ang lakas ng loob mo Kyesha"saad ng demonyo kay Kyesha, ang mga sugat nito ay unti unting naghilom

"Sa hinaharap"naguguluhang tumingin sakanya ang demonyo

"Sa hinaharap ko kinuha ang lakas ng loob ko. Sa hinaharap na siyang magiging mapayapa kung mawawala ka sa mundong ito. Hindi ka nararapat kahit saan Ama, hindi ka kailanman nararapat maging Diyos, anghel, demonyo o tao. Dahil ang kasamaan mo ay hindi nababagay sa mundong ito. Hindi kailanman matatanggap ng mundo kung sino ikaw"usal nito sa Ama, ngunit ngumisi lang ito at tumawa.

"Ha Ha Ha sa tingin mo ba ay ganun lang kadali mo ako mauuto? Hindi ako mahinang nilalang, nararapat na ako ang mamuno sa mundong puno ng kasakiman. Walang mabuti sa mundong ito, ang lahat ng ito ay peke. Hindi kailanman naging totoo ang kabutihan dahil hindi naman ito nabubuhay sa loob ng lahat"saad nito saka sinugod si Kyesha. Inilagan lang niya ito at sinugod din ang Ama, tila hangin sila hindi makita ang kanilang pagkilos dahil sa sobrang bilis.

"Nabubuhay ito, totoo ito. Hindi ka nararapat mamuno sa mundong isinusuka ka"usal nito sa Ama saka sinuntok ang demonyo. Ang kamay nito ay nababalutan ng kapangyarihan kaya ganun nalang din ang naging pinsala nito sa demonyo.

"Ha Ha Ha hindi mo ba naalala na dati ka narin isinuka ng mundong kinabibilangan mo, isinuka ka narin ng mga taong pinoprotektahan mo"umiling lang si Kyesha at binigyan ng suntok at sipa ang demonyo. Ginawaran din niya ito ng isang malaking kapangyarihan na siyang tumama sa buong katawan nito

"Ngunit hindi iyon dahilan para kamuhian ko sila. Hindi iyon dahilan para pabayaan nalang sila sa mga kamay mo. Kahit isinuka nila ako, may iba parin na tinanggap ako at minahal"nangingilid ang luha nitong usal. Tinamaan siya ng tira ng Ama kaya mabilis siyang tumalsik

"Magandang pumili ng lugar ang mortal na iyan kung saan kita pwedeng patayin ulit. Maswerteng dito niya ako dinala, sa lugar kung saan kita pinatay Ha Ha Ha"saad nito saka sinipa si Kyesha na nakahiga sa lupa. Tumayo si Kyesha at mabilis na pumunta sa likod ng demonyo saka ito sinuntok.

"Hindi ko hahayaang mapatay mo ako dito. Hinding hindi ko na ulit iyon hahayaan"mabilis ang naging kilos ni Kyesha. Sinugod niya ang demonyo, kinuha nito ang punyal sa itim na bilog. Hinawakan niya ito ng mahigpit saka mabilis na isinaksak sa unang puso ng demonyo sa kaliwang dibdib nito.

"Kyesha ang ama natin ay may apat na puso. Kung mawawasak mo lahat ng iyon, hindi na siya ulit makikita sa mundong ito" saad ni Siegfrid sa batang si Kyesha

"Kung ganun ilan ang puso mo Kuya?"pagtatanong nito sa nakakatandang kapatid

"Apat din"sagot nito

"Eh bakit ako dalawa lang?"nakanguso nitong ani, natatawang ginulo nito ang buhok nito

"Dahil yung isa ay para magmahal, at yung isa para panlaban"

Ang pagkamatay niya noon ay naging dahilan para mas maging malakas siya. Natuto siya dati niyang pagkakamali. Ibinaon niya ang punyal sa kanang likod nito, sumigaw ito at inaabot siya pero umilag siya pumunta sa baba nito at sinaksak ang pangatlong puso nito. Nanghihina na ito ngunit nagawa parin nitong sugatan si Kyesha. Kahit hindi siya nakakaramdam ng sakit ay alam niya ang kapalit nito ay sugat at sakit sa katawan ng dalagang ginagamit niya. Tumalsik siya at nagpagulong gulong sa lupa, itinuon niya ang kamao sa lupa at tila hangin siyang nakarating sa unahan ng demonyo. Mabilis nitong itinarak ang punyal sa huling puso, ang natitirang puso. Habang ibinabaon ni Kyesha ang punyal ay hinawakan ng demonyo ang kamay niya para tanggalin ito ngunit mahina na ito kaya naman mas lalong ibinaon ni Kyesha ang punyal.

"Hindi na ako katulad ng dati na mahina, hindi na ako tanga katulad ng dati. Magpaalam ka na sa mundong ito dahil huling beses mo na itong masisilayan"usal ni Kyesha saka tuluyan ibinaon ang punyal sa puso. Unti unting naging abo ang demonyo ngunit bago ito tuluyan matangay ng hangin ay may sinabi ito.

"Hindi ka parin tatanggapin ng mundong minsan ay isinuka ka, tandaan mo iyan mahina kong anak"usal nito ang abo nito ay tinangay na ng hangin. Napaluhod si Kyesha dahil sa panghihina sa dami ng kapangyarihan niyang ginamit. Nawala ang demonyo niyang anyo habang hinihingal siyang gumamit ng kapangyarihan para madala ang katawan ng dalaga kung saan nandoon ang kakambal nito.

Lumabas ng kotse si Saimon, nagpapanic itong naglalakad papunta sa ospital. Nakatanggap siya ng tawag na ang pamangkin ay nag-aagaw buhay. Napatigil si Saimon ng makita ang kakambal na nakahiga sa parking lot. Mabilis siyang lumapit dito at iniangat ang kalahati ng katawan para alalayan

"Bal! Gising Bal!"usal nito sa kakambal ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata nito. Ang dami nitong sugat sa mukha, maging ang buong katawan nito ay mayroong sugat. Binuhat ito ni Saimon at ipinasok sa emergency room. Pinuntahan na din niya ang pamangkin na nasa loob ng ICU. Ipinagdasal niya na sana walang mangyaring masama sa pamilya niya habang lumuluhang pinagmamasdan ang pamangkin

The Gangster Demon (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon