Shoot 34

55 3 0
                                    

Shoot 34: News

Miyuki's POV

Sa loob ng dalawang buwan lagi akong puyat, nagtataka na sina Kuya kung bakit ang laki ng eyebags ko. Kaya makatapos ng dalawang buwan ay binigyan ako ni Kuya Seigfrid ng ilang linggo na pahinga.

"Bal kain na"saad ni Saimon habang pinaghahanda ako ng pagkain. Tumango ako sakanya at dumiretso sa hapag-kainan

"Where's Yash and Kuya?"pagtatanong ko sakanya ng hindi makita ang dalawa sa hapagkainan

"Kuya said he wants to have bonding time with Yash"saad niya kaya tumango nalang ako. Ingat parin ako sa kilos ko dahil kahit gumaling ang mga sugat at pasa ko andun parin yung sakit.

"Sir may tao po sa labas hinahanap po si Lady Miyuki"biglang pasok ng butler ni Saimon. Tumingin siya sakin kaya naman napataas lang ako ng balikat dahil hindi ko alam kung sino iyon.

"Papasukin mo"nagbow ang butler ni Saimon sakanya at lumabas. Ilang saglit lang ay namukhaan ko agad kung sino iyon

"Bakit ka nandito Kuya Siegfrid?"tanong ko agad bago siya tuluyang makalapit sa amin

"Well little lady i have a news for you"saad niya sakin dahilan para kumunot ang noo ko

"What is it?"tanong ko sakanya pero umiling lang siya at inginuso si Saimon na nakatulala kay Kuya Siegfrid

"Hey little lad 'you okay?"tanong nito kay Saimon

"Sino siya Bal? At bakit natalo niya ang kagwapuhan ko?!"umirap ako sa kawalan dahil sa kahinginan na nasa ulo niya

"Kapatid siya ni Ate Kyesha, Siegfrid Vanswalker"saad ko sakanya. Mabilis na lumiwanag ang mata niya at hinawakan ang kamay ni Kuya Siegfrid

"Kapatid ka pala ni Ate Pretty kaya naman pala ang handsome mo din katulad ko"naglalaway na saad niya. Hinigit ko si Kuya Siegfrid at inilayo kay Saimon

"Mamaya na kayo mag-usap, may importante lang kaming pag-uusapan"saad ko sakanya at tuluyang dinala si Kuya Siegfrid sa garden

"Spill it"ani ko sakanya at tumingin sa mga bulaklak

"The demon king has revived"napatingin ako sakanya at kumunot ang noo

"The demon what?"tanong ko dito

"The demon king, the King that killed your Ate Kyesha. The King that is our father"hindi naman ako nagugulat sa mga naririnig ko. Masyadong lang napaaga ang pagkabuhay ng demonyong iyon

"Anong gagawin natin? Hindi pa ako ganun kahasa gumamit ng kapangyarihan"saad ko sakanya. Kaya tumingin siya sakin ng tiim

"Sasama ka sakin sa loob ng isang buwan. At sa isang buwan na iyon sisiguraduhin kong mahahasa ang kakayahan mo sa paggamit ng kapangyarihang ibinigay sayo"aniya sakin kaya naman tumango nalang ako bilang pagsang-ayon

"May isa pa akong nakuha pero hindi malinaw sakin. Sa isang tao siya narevive at kailangan ko pang hanapin kung sino ang sinaniban ng Ama ko"saad niya, pinapasok ko siya ng bahay at nakipagkwentuhan kay Saimon. Tumaas ako sa silid ko para kumuha ng mga damit.

Nang matapos kong ayusin at ilagay sa bag ang mga damit ko, kinuha ko ang laptop at saka ito binuksan. May file na galing kay Mike, napakunot ako ng noo at binuksan ito. Minsan lang ako bigyan ng file ni Mike kung may misyon siyang ipapagawa, pero wala naman akong natatanggap na text o tawag galing sakanya. Nang mabuksan ko ito laking gulat ko sa mga nakalagay dito. Mga larawan ito ni Tracy, may larawan na kasama niya ang tres demonios, may larawan na nasa underground siya, may larawan na nasa isang silid siya na puno ng litrato ko? Ang ikinagulat ko pa lalo, ay ang litrato niya na nakamaskarang puti habang nakangisi. Ang galit ko ay mas lalong umusbong. Sa loob ng ilang taon nasa loob ng pamamahay namin ang pumatay sa aking ina. Kailangan ko gumawa ng plano, ngayon alam ko na kung sino ka Tracy. Humanda ka sa magiging ganti ko sayo.

Siegfrid's POV

Bakit ba ako iniwan ng batang iyon dito sa madaldal nyang kapatid. Kanina pa ako nakikinig sa mga sinasabi niya pero ni-isa sa mga iyon ay wala akong naunawaan.

"Tas alam mo ba na binigyan ni Ate Kyesha si Bal ng kapangyarihan ang astig diba?"usal niya sakin. Hindi na ako magtataka kung alam niya ang tungkol doon. Dahil may pagkakataon na hindi nakokontrol ni Miyuki ang kapangyarihan basta nalang lumalabas ang patay na mata ni Kyesha sakanya

"Yup, and don't you know lad that i am a demon too"saad ko sakanya pero imbis na matakot ay kuminang lalo ang mata niya. Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa frustrate

"Pero may alam ka ba kung bakit sa loob ng dalawang buwan ay wala siya tuwing gabi sa kwarto niya"saad niya sakin. Hindi ko maaaring sabihin sakanya ang dahilan dahil alam kong mag-aalala ito sa kapatid niya

"I don't know, maybe she's doing something important"yun nalang ang naisaad ko sakanya. Hindi ko na pwedeng ibigay ang ibang impormasyon na gusto niyang malaman. Kapatid siya ni Zaniel kaya alam kong kapag sinabi ko sakanya ang dahilan ay baka sumama ito sa laban ng kapatid niya gaya ng ginawa ni Zaniel nung kinalaban ni Kyesha si Ama.

"Aah ganun ba, hmm ay teka may natawag. Maiwan muna kita dito Kuya Siegfrid"saad niya sakin saka ako tumango. Yung daldal niya ay nakakawala ng enerhiya sa katawan. Nakita kong bumaba si Miyuki sa hagdan, hawak hawak ang bag niya.

"Let's go Kuya"maikli niyang saad sakin

"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa mga kapatid mo. Mag-aalala sila kapag umalis ka nalang ng basta"saad ko sakanya. Malalim siyang huminga at saka ito ibinuga sa hangin. Dumiretso siya sa garden para kausapin ang kapatid. Matapos ng ilang minuto ay lumapit na ito sakin at inaya na akong umalis. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa batang kasama ko. Hindi ko talaga mawari kung bakit sakanya ibinigay ni Miyuki ang kalahati ng kaluluwa niya. At mas lalo kong hindi maintindihan ay kung bakit niya ipinagkatiwala sa batang ito ang pagligtas sa mundo. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa utak ng kapatid ko, masyadong kumplikado kung iisipin ko pa iyon ng lubusan. Sa ngayon pagkakatiwalaan ko ang plano mo Kyesha.

The Gangster Demon (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon