Shoot 35

79 2 0
                                    

Shoot 35:

Third Person's POV

Pinagmamasdan ng dalagang si Miyuki ang kanyang sarili sa salamin. Ang dating pambabaeng pangangatawan ay mayroon nang mga muscles. Hindi man niya kita ang mga pinagsugatan niya andoon parin ang pakiramdam na sakit. Ang daming nagbago sakanya magmula nang masanay siya sa mansyon na kinatitigilan niya. Pumikit siya at pinakiramdaman ang sarili, lumabas ang isang bilog na kapangyarihan sa ulunan niya at sa pagmulat niya isang anyo ang nakita niya. Ang anyo ng isang demonyo, ang anyo na siyang gamit ng babaeng nagbigay sakanya ng kapangyarihan. Ang kasing tigas ng bakal at matitilos na kuko, ang katawan niyang napapalibutan ng puting halaman na may kaliskis ng dragon. Mayroon din itong sungay, ang buntot nito ay sobrang laki at haba na umabot hanggang lupa. Ang dati nitong malamlam na kayumangging mata ay napalitan ng asul ngunit walang buhay na mga mata. Hindi din mawari ang malaking guhit pamula noo hanggang sa pisngi nito na tila para bang sugat.

"Alam mo bang magkaiba kayo ng anyo ng kapatid ko"saad ni Siegfrid kay Miyuki. Bumuntong hininga si Miyuki at ibinalik ang dating anyo

"Marahil ay tao ako at magkaiba kami ng katauhan"usal ni Miyuki sakanya

"Pero alam mo kung hindi ka nagbago. Magkaugali kayo ni Kyesha"tumingin si Miyuki kay Siegfrid dahil sa sinabi nito

"Paano mo nasabing magkaugali kami?"taka nitong tanong

"Kilala ko na kayo pasimula pagkabata. Si Kyesha ang nagsabi sakin na bantayan kayo"ngumiti ng payak ang dalaga saka tumingin sa madilim na kalangitan

"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo, gagawin mo ang lahat para sa kasiyahan niya"usal niya kay Siegfrid. Ngumiti ito sakanya

"Oo higit pa sa buhay ko, siya ang nagturo sakin kung paano mahalin ang mga tao. Mga tao na kinatatakutan kami, pero dahil sakanya naging kagustuhan ko na din ang iligtas ang mundo"saad nito.

"Anong balita sa iyong ama?"pagtatanong nito sa lalaking kaharap

"Wala pa akong nababalitaan, hindi ko din malaman kung sinong tao ang kanyang nasaniban"kinakabahang usal nito. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya kahit ako ay kinakabahan dahil hindi namin alam kung kelan susugod ang kanyang Ama.

"Mas magiging malakas pa ako para kahit anong oras ay malabanan ko siya"usal ko

"At ano sa tingin mo ang mararamdaman namin kapag nawala ka"usal ng isang boses lumingon ako sa likod ko at nakita si Kuya Zaniel na may luha ang mga mata

"Kuya anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang lokasyon ng bahay na ito?"tanong ko sakanya nagulat ako sa pagsulpot niya

"Sinusundo ka. Dati kong nobya ang kapatid ng kasama mo"malamig niyang usal sakin saka tumingin kay Kuya Siegfrid

"Eto ba yung sinasabi ni Saimon na pinagkakaabalahan mo? Ha? Miyuki"napayuko ako dahil sa sinabi niya, alam kong magagalit siya sa pagsama ko kay Kuya Siegfrid.

"Pasensya na kuya pero kailangan ko itong gawin"sagot ko sakanya nanatili akong nakayuko. Natatakot akong tingnan ang mukha niya, natatakot ako na baka mapaatras ako sa laban na pinaghahandaan ko kung titingnan ko ang mukha ni Kuya

"Paano kami Miyuki? Alalahanin mong may pamilyang nagaalala sayo! Ipinapahamak mo ang sarili mong buhay Miyuki!"garagal ang boses niya habang nagsasabi sakin ng mga hinaing.

"Hindi mapapahamak ang buhay ko Kuya, kaya nga ako naririto ay para lumakas. Para pagkatapos ng laban na susuungin ko ay makakabalik ako sa inyo ang ligtas at buhay"usal ko sakanya pero tila nanaig ang lungkot at pagaalala niya sakin

"Siegfrid bakit kailangan may ganito? Akala ko ba tapos na ito? Ano pagkatapos kunin si Kyesha sakin kukunin niyo naman ang kapatid ko? Maawa naman kayo sakin hindi ko na kakayanin kung may isa pang mawawala sa minamahal ko"umiiyak na sabi ni Kuya kay Kuya Siegfrid. Awa ang mababasa sa mata ni Kuya Siegfrid habang nakatingin sa kapatid ko na lumuluha

"Pasensya ka na Zaniel pero kailangan namin gawin ito. Kaligtasan ng mundo ang nakasalalay dito"usal ni Kuya Siegfrid

"At buhay ng kapatid ko ang kapalit. Tama ba ako?"saad niya

"Nagkakamali ka kuya hindi yun ganun"pagdedepensa ko

"Naiintindihan ko naman kung bakit e, pero bakit hindi maintindihan nitong puso ko. Na yung mga mahal ko sa buhay ay parang kasangkapan lang para iligtas ako"lumuluha niyang saad habang nakatingin sakin, kumirot naman ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kong yakapin si Kuya pero hindi ko magawa takot at guilt ang nararamdaman ko, hindi ko maihakbang ang mga paa ko palapit sakanya, hindi ko maitaas ang mga kamay ko para abutin at yakapin siya. Ganito kahirap ang desisyon na kailangan kong gawin. Ang piliin ang kaligtasan ng mundo para sa magiging kaligtasan rin nila. Paano ako babalik kung lahat sila ay wala na at hindi na mahagilap ng mga mata ko.

"Gusto kong tumulong sayo Miyuki, gusto ko din tulungan noon si Kyesha pero bakit parang nagiging sagabal lang ako para sa inyo"saad niya

"Kuya"lumapit ako sakanya saka ko siya niyakap. Buong lakas akong lumapit para lang mayakap siya. Ang Kuya ko na isinasakripisyo ang sariling kasiyahan matustusan lang mga kailangan namin, mabigyan lang kami ng sapat na pagmamahal, mabigyan lang kami ng kasiyahan. Sobrang hirap ng pinagdaanan niya at gusto kong tulungan siya na umahon sa lungkot at pangungulila na nararamdaman niya.

"May paraan pa para tumulong ka sakanya Zaniel"biglang usal ni Kuya Siegfrid, napatingin kami sakanya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa aming dalawa

"Naalala mo pa ba ang kapangyarihan na binigay sayo?"tanong nito kay Kuya

"Oo, pero wala na iyon sa akin"saad ni Kuya Zaniel

"Hindi mawawala ang kapangyarihan sa katawan mo dahil yan ang isa sa dahilan kung bakit buhay ka parin ngayon"gulat ang rumehistro sa mukha namin ni Kuya

"Ang ibig mong sabihin ay hindi na mawawala sakin ang kapangyarihan na iyon"usal ni Kuya Zaniel tumango naman sakanya si Kuya Siegfrid.

"Dahil sa pagkawala ni Kyesha inakala mo na nawala na ang kapangyarihan mo. Ngunit lingid sa kaalaman mo ay kusa mo itong pinatay na parang ilaw dahil sa lungkot at pangungulila mo kay Kyesha at sa iyong ina"nagliwanag ang mukha ni Kuya Zaniel na parang nagkaroon siya ng panibagong lakas para bumangon sa kinabukasan

"Matutulungan na kita Miyuki, poprotektahan ka ni Kuya pangako"saad niya na nagpangiti sakin. Giving us this person is totally a blessing.

The Gangster Demon (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon