"Go to your room, I'll be there. Patutulugin ko lang si Kirby," sabi ni Daddy sa akin.
Kaya pumunta na ako sa kwarto ko at nag-ayos na ng sarili. Hinintay ko na dumating si Daddy sa loob ng kwarto ko.
"Hey sweetie," sabi ni Daddy pagkabukas niya ng pintuan. "Kamusta na ang dalaga ko? Wasak pa rin ba ang puso?"
"Hala siya. Parang siya hindi wasak ang puso," sagot ko kay Daddy.
"Wag mo baliktarin ang sitwasyon, ikaw ang pag-uusapan ngayon. So, let your story begin."
I took a deep breath, "I was unluckily not included in the first section nung Grade 9 but luckily I found a friend. I gave my full trust sa kanya. He's such a wonderful person. He's there to make me smile and laugh. He's my knight in a dirty uniform. He was my best friend. He was Marco Gallo," napatigil ako sa pagsasalita dahil bumabalik na naman ang pighati. "Siya yung may mataas na logic pagdating sa Computer Programming, ako yung laging umaasa sa mga sagot niya. Kumbaga ako yung tagasulat, siya ang tagadikta ng sagot. His intelligence is different from mine. Masasabi kong opposite kami because we attracted. Yes, attracted to each other. But di nagtagal, I was so attached to him. Pero di ko namalayan hindi na pala ako attached sa kanya. Nahulog na pala ako sa kanya. I kept denying na wala akong nararamdaman na feelings for him pero as days went by my feelings are deepened. Mas nahuhulog ako, lalo na sa mga ngiti niyang nakakaloko. He's the type of guy na maraming alam na kalokohan pero marunong magpakita ng galang sa mga tao sa paligid niya."
"Tinamaan ka nga talaga." Yun lang nasabi sa akin ni Daddy.
"Pero di nagtagal, nalaman niya ang nararamdaman ko for him. It was clearly stated by Heaven. That bitch. Lagi na lang siyang nangingialam sa amin ni Marco. Lagi na lang siyang e-epal, pero kaya pala niya ginagawa yun dahil dati pa rin pala siya may gusto kay Marco. Hindi ko alam kung paano niya sinabi pero don nagsimula lumabo ang lahat. Nagbago ang Marco Gallo na nakilala ko, naging bastos at babaero. Babae dito, babae doon. I love you dito, I love you doon. Hindi ko na siya naintindihan, sinabi ko sa kanya na 'BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN MARCO?' Pero sinagot niya lang ako ng 'PAKE MO BA? SINO KA BA SA BUHAY KO?' Sinong hindi masasaktan kapag narinig mo yan sa kaibigan mong napaka-espesyal sa'yo? Ang sakit makarinig na parang balewala ka lang sa kanya. Ang sakit lalo na't ang ginagawa mo lang naman ay ang mag-alala. Pero alam mo kung anong mas masakit? Ang sinabi niyang 'LAYUAN MO NA AKO, NAGSASAWA NA AKONG KASAMA KA. PINAGLALARUAN LANG KITA. LAYUAN MO NA AKO, NASUSUKA AKO KAPAG NAKIKITA KITA!' Ang sakit sakit sa part ko kasi feelings ko yung pinaglaruan niya! FEELINGS KO!" And..... I cried a lot.
"Shhhh, shhhh. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin ang tungkol dito?"
"Because I thought I can do it by myself. And akala ko, kakayanin ko. Kinaya ko naman pero may kumikirot pa rin."
"Can you think of a reason bakit niya sinabi sa'yo yun?"
"I don't know, Dad. All I did is trust him," habang sinasabi ay humihikbi na ako.
"Pero bakit parang nagkabati naman kayo?"
"Second chance. The second chance he wasted. Ako yung nagpakatanga. Ako yung nanatiling umasa. Ako yung nagpakagago. Totoo ngang nakakabaliw ang pag-ibig. Dahil sa affection ko sa kanya, I gave him a second chance. Nagkaayos kami at yung nararamdaman ko sa kanya, hindi tumigil. Ang tanga noh? Niloko, sinaktan, at tinaboy pero binigyan ng second chance? Sinong tanga ang gagawa non? Syempre ako! He had a sincere apology. Hindi naman ako madamot kaya binigay ko rin ang forgiveness sa kanya. Natuwa ako dahil magkaibigan na ulit kami. Nagpatuloy yung pagkakaibigan namin hanggang sa bumalik na naman kami sa dati. Ayan, nambababae na naman. Di ko alam, kung paano niya nakuhang matuto na mambabae nung Grade 9? Hindi ko alam if he's in a gang or something. Pero one thing's for sure, he's a playboy. Ganon ba talaga kasaya maglaro ng feelings ng tao? Ganon ba? Masarap ba sa feeling? Pero madaming tanong ang gusto kong masagot, bakit? Bakit ako pa ang napili mong lokohin at saktan? Bakit ako pa na kaibigan mo? Bakit ako pa na nandito sumusuporta sa'yo? May mali ba akong nagawa? Hindi ba ako karapat dapat na i-treasure at ingatan? Ako ba yung klase na tao na mukhang pwedeng paglaruan? Ako ba yung klase ng tao na dapat pinapaasa na lang? Bakit ako? O sa tingin mo ako ang may problema? Masyado ba akong assumming? Masyado ko bang binibigyan ng meaning ang lahat? O dahil ako lang yung nagmahal? Bakit?"
"Anak, darating ang oras na maiintindihan mo ang lahat. Let God do the rest, just wait and see. Magkakaroon rin kayo ng magandang closure. Pero sigurado ka ba na wala kang mali na ginawa? Hindi mo ba siya pinagseselos pr what?"
"Minsan iniinggit ko siya."
"Saan?"
"Na marami akong kaibigan na lalaki na nakakausap."
"Maybe, he wants loyalty from you as much as you want loyalty from him."
"Ako pa ba ang maga-adjust?"
"Hindi porket babae ka, yung lalaki na ang dapat maga-adjust. Be fair. Kaya minsan nakakainis ang mga babae eh, gusto nila ng Gender Equality pero pagdating sa pag-ibig, gusto sila ang nasusunod. Anak, love comes in different ways. Yung iba, pagtetext lang sila, masaya na sila. Yung iba, gusto nagdedate sila. Pero para kay Marco, he wants you to be loyal to him. Gusto niya sa'yo lang siya. Walang kaagaw."
"So, ako ang dahilan kung bakit siya nagbago?"
"Maybe yes, maybe no. Hindi ko alam ang sagot. Isang tao lang naman makakasagot niyan eh."
"Pero hindi ko pa rin magets eh, bakit kasi ako pa?"
"Anak, 'yang mga tanong ming yan hindi ko masasagot yan dahil hindi ako si Marco."
"Thanks, dad."
"Welcome, good night."

BINABASA MO ANG
#UMAASA
FanfictionSinabihan ka lang ng matatamis na salita, umasa ka na kayo na ang para sa isa't isa. Umasa ka tuloy tapos nahulog pero di ka nya sinalo. Sad nu? Next time, dahan-dahan lang baka masaktan ka na naman eh. © justpbbfictions | September 2016.