"Are you alright?" Tanong sa akin ni Edward.
"Ah, oo. Wala sa akin yun, don't worry about me."
"No, I should be worried. Those Senior High Schoool didn't show respect to you," tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. "If someone treats you like that, just give me a call. I'll be there," sabi pa niya sa akin. "You're blushing again." At naglakad na muli kami papunta sa room.
Sinong hindi magba-blush dun? Alam mo yung feeling ko? Parang ako si Kim Bok Joo eh, at siya ang Jung Joon Hyung ko. Akala ko sa mga Korean Drama lang mararanasan yun. Kay Edward din pala.
Bago pumasok sa room, pumunta ako sa locker ko sa tapat ng room. Binalik ko ang DSLR ko at may nakita akong letter. When I opened it, taray! Ganda ng sulat pang-calligraphy.
It says:
Take care of yourself, I don't want to be worried. ❤️AWho's A? Angelo? Arvin? A...?
But I'm flattered. Really. Meron palang ibang tao na nagke-care for me.
Pero paano kung.. nagkamali lang ng lagay?
Paano kung hindi para sa akin 'to?
Ayoko naman maging A... assumming.
Me:
May kilala ka bang A na may gusto sa akin?
Maymay:
Ha? Bakit? Anong nangyari?
Me:
May naglagay kasi ng letter sa locker ko. Nakalagay ❤️A.Maymay:
Haba ng hair ah! Maya tayo mag-usap andito na professor namin.Pumasok na ako ng room namin at hawak ang letter na nakuha ko sa locker ko.
"Get a whole sheet of graphing paper, we'll be doing some exercises today about circles," at kumuha na kami ng graphing paper.
Nagsimula na magsulat sa board ng given ang aming guro.
"Psst. Kisses, why are you not doing anything?" Tanong ni Edward sa akin.
Pang number 7 na ang isinusulat ng teacher namin pero ni pangalan hindi ko pa naisusulat. "Ah, I was thinking about the solutions," palusot kong sabi.
"Ow, okay."
Nagsimula na ako sa pagsusulat. Pero hindi pa rin nawawala sa isip ko kung sino si A?
Bago umalis ng school, tiningnan ko ulit ang locker ko. Walang letter.
"Huy Kisses, ano tinitingnan mo kung may letter ulit?" At tumawa siya.
"Shhhh! Wag ka ngang maingay baka may makarinig!"
"Bakit? Bakit mo naman tinatago si Mr. A?"
"Baka kasi mamaya, namali lang ng lagay sa locker ko."
"Duh? Paano magkakamali eh kitang kita na sa'yo yang locker na yan oh! It's clearly written, KISSES DELAVIN." Oo nga? Pero para sa akin talaga? Baka naman... galing dun sa Senior High School yung letter? Galing kay Kuyang Mabait? "Huy Kisses! Gusto mo ba mag-investigate tayo?"
"Ah, wag na. Kapag may letter ulit akong natanggap ibig sabihin para sa akin nga 'to. Pero kung hindi, ayoko ng umasa pa."
Kinabukasan. Wala akong natanggap na mensahe galing kay A. "Oh parang malungkot ka? Dismayado? Akala mo forever na?" Tumingin sa relo si Maymay, "Nako girl. Twenty three ngayon, walang forever." Sinarado ko na ang aking locker.

BINABASA MO ANG
#UMAASA
FanfictionSinabihan ka lang ng matatamis na salita, umasa ka na kayo na ang para sa isa't isa. Umasa ka tuloy tapos nahulog pero di ka nya sinalo. Sad nu? Next time, dahan-dahan lang baka masaktan ka na naman eh. © justpbbfictions | September 2016.