#Kabanata5

349 18 0
                                    

-- italicized scenes are flashbacks.

Panibagong araw na naman. Tahimik ang bahay namin. Walang kumakatok sa pintuan ko para gisingin ako. I don't wanna have a broken family. Sana hindi dumating sa punto na, pati kasal nila ay ipawawalang bisa na nila.

Pumasok ako sa loob ng classroom, kitang kita ko na dumadaldal si Marco at Edward with our other classmates.

Pero nang makita niya ako, he sat properly. Parang nagtransform siya into a quiet person. Lumapit ako, "Bakit ka tumahimik?"

"Ha?" Sagot niya.

"Bakit ka tumahimik?"

"Ha?"

"Bakit ka tumahimik?"

"Ha? Ha--hotdog!"

Umagang-umaga, sira na naman ang umaga. Umupo na lamang ako at nag-ayos ng gamit.

Nung hindi na ako nakatingin, dumaldal na naman siya. Problema neto?

May kumuhit sa akin, si Marco. Pinapakita niya ang nakasulat sa notebook niya. Kinuha ko ang notebook, Ayoko mag-ingay masyado kapag malapit ka, ayoko kasing masira ang araw mo. Lungkot mo nung pagkapasok mo.  Nang nabasa ko yun sa notebook niya, na-touch ako ng slight. "Turn it to the next page," he said.

Tsaka ayokong magmukha kang tigre sa umaga. :)

Binato ko ang notebook sa kanya, "BWISET!" He was shocked with my reaction while he was picking up his notebook. Kaya mas nanahimik na siya.

I sense something different. Yes, nag-aaway kami. Nagkakainisan pero hindi naman araw-araw?

It's a bit awkward. Pero hindi ko na gaanong pinansin ang pagbabago kay Marco.

Computer Programming subject. The subject I somehow hate but.. basta ang gulo gulo ng subject na 'to. Sobrang complicated. Parang kami.

"Sino dito ang nakakaalalang gumawa ng pseudocode at flowchart?" Tanong ni Mr. Evangelista.

Last year, Grade 9. Tinuro na sa amin ang tungkol sa flowchart, pseudocode,  Python and basta basics about programming. Python is the programming language that we use. By the way, hindi ibig sabihin na basic ang tinuro ay madali na.. a big NO! Kaya ayoko na rin maging IT because of this. Akala ko madali lang IT but hindi pala.

But this subject made Marco and I, friends.

Nung Grade 7 at Grade 8, Marco was always in Section B, I was at Section A.

But things changed, nung Grade 9, naging Section B ako.

"Good morning, class," Mrs. Elbo greeted. "I am your adviser, and your computer prgramming teacher." Nagkagulo ang klase dahil sa pagkakaalam namin, this subject is hard.

"Sus, chicken!" Sigaw ng isang binatilyo na kakadating lamang.

"And you are?"  Tanong ni Ms. Elbo.

"Marco Gallo, and I've been waiting for this subject," sabi niya habang paupo sa upuan sa likod ko.

"If that's the case, give me five programming languages."

"Wala na bang mas hihirap sa tanong mo, Ma'am?" Yabang neto ah! "C, Java, Perl, C++ and ang programming language na gagamitin natin na Python."

"Excellent, Mr. Gallo, you may take your seat. I hope your logic works well," sarcastic na sabi ni Mrs. Elbo.

Ako naman 'tong si, 'ha? sila lang ata nagkakaintindihan'.

"Who is Ms.  Delavin?" As I hward my name, I raised my hand, "From Section A, huh? Next year, gusto kong makita kang bumalik sa Section A," she said. "At yung iba na hanggang ngayon ay Section B pa rin, ayusin niyo naman utak niyo, at isa ka na don Mr. Gallo."

Napatingin ako sa likod ko, and I saw his smile, "Yes, Ma'am. Pinapangako ko pa na magkasama kami ni Ms. Delavin next year sa Section A," nabigla ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"Talaga lang ha? Baka magkasama as in, magkarelasyon?" and the class says, "YIEEEE!"

"Nothing's impossible," then he winked.

"Masyado mo akong nililibang, Mr. Gallo. Baka akala mo, hindi ko napansin na late ka?" Napangiti na lang si Marco, "Let's stop this conversations and start with the discussions."

"Si Kisses daw po! Tanda niya pa po gumawa ng pseudocode!" Sigaw ni Marco.

"Si Marco daw po sa flowchart," ganti ko.

"Your task today is make an algorithm using pseudocode and flowchart that will ask for user's scores in Quiz 1, Quiz 2 and Quiz 3, it will also display the average of the scores," sabi ni Mr. Evangelista, "You will work with your seatmate on your left side," napatingin ako sa left ko. Si Marco ang nasa left side ko.

"Get a one whole and start your activity," oh how I wish, Edward was my partner.

"May one-whole ka ba?" Tanong ni Marco, "Yup. Ikaw magdikta, ako magsusulat ng ididikta mo," sabi ko.

Dinikta niya ang mga sagot namin for the activity. "Alam kong alam mo kung paano ang gagawin sa flowchart, yan ang master mo diba?" Then, he laughed. That was sarcatic. "Naalala ko tuloy nung ako nagcheck ng Prelims natin last year, nagmamakaawa ka na itama ko na yung flowchart mo kahit ang gulo ng shapes sa drawing mo!"

"Baka mabigla ka pag nakita mo yung way ko ngayon ng paggawa, I trained myself nung summer," then I drew the flowchart.

Our work looked like this:

"Wow! Linis ah! Lumelevel-up ka na," finaflatter na naman niya ako, "Keep up the good work," sabi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Wow! Linis ah! Lumelevel-up ka na," finaflatter na naman niya ako, "Keep up the good work," sabi niya. Hindi niya binawi yung sinabi niya???

"Kisses, I'll tell you something," he whispered, "I'm so in----" Then, Mr. Evangelista interrupted us.

"Bakit kayo nagbubulungan? Tapos na kayo? Kaya naglalandian na kayo?"

"Fyi sir, may ibubulong lang ako kay Kisses and yes tapos na po kami. Wala pong erasure yan," sabi ni Marco kay Sir na may halong inis.

"Ano yung sasabihin mo? 'I'm so in--?????" Di ko magets kung anong yun.

"I'm so inis kay Sir!" Bumalik na siya sa kinauupuan niya at nanahimik na lamang. Problema neto? Nainis kasi naudlot sasabihin niya? O baka naman nakalimutan yung sasabihin? Ulyanin na pala 'to eh!

"Okay, sina Marco at Kisses ang unang nakagawa ng activity. Their answer is also correct," sabi ni Sir.

"Kapag yang dalawa talaga magkasama kapag Programming, ang bilis gumawa pero kapag di sila magkapartner ang bagal," rinig ko na sabi ng isa naming kakalse.

"Baka sadyang magaling lang talaga si Marco? Tagasulat lang naman ata si Kisses eh," sabi ni Heaven. God and Marco know that I knew what I was doing. I hate dictators. I totally do.

"Okay, pass your papers," at pinasa ng klase ang kanilang mga papel. "Sa 3rd and 4th grading, gagawa na tayo ng program. Sa second grading niyo malalaman ang groups niyo. Goodbye, class."

Program? Gagawa ng program? RIP to my logic. I'm hoping that we'll be in the same group.

#UMAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon