-- italicized scenes are flashbacks
"Ngiting ngiti ka ata ngayon? Parang walang nangyari na masama sa pamilya mo ah? Okay na kayo?" Tanong sa akin ni Maymay, hinahatid niya ako papunta ng room namin.
"Ha? Shhhhh ka lang, secret lang yung sa family ko. Hindi pa okay, may hapdi pa rin sa puso ko," sagot ko sa kanya.
"Eh bakit ngiting ngiti ka jan ha? Don't tell me... si...." At tinikom ko ang bibig ni Maymay.
"Oo, siya ang may dahilan. Naalala ko lang yung joke niya sa akin kagabi," sabi ko sa kanya.
"Baka sparks na yan ha! Uy, wait! Tara punta tayo sa locker mo, baka may letter ulit siya para sa'yo! Dali tara na!!!!!" At hinila niya na ako sa tapat ng locker ko. Pero may lalaking tumigil sa harapan ko, "Hi Kisses, Good morning!" Bungad sa akin ng isang magandang lalaki.
"Haba talaga ng hair eh! May A na may Edward pa! Hay nako! Kainggit ha!" Sabi ni Maymay saken sabay haplos sa buhok ko.
"Ilang ulit ko na naririnig yan ah? Tsaka mas feel ko yung sparks sa amin ni Edward," Ang kire ko pakinggan.
"Wow! Sino ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya na kumakatok sa puso ko?" At nagsimula na nga ang pagkanta ni Maymay. "Oh. Anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Buksan mo na yang locker mo!" Sinabi ni Maymay pagkatapos niya kumanta.
At binuksan ko na nga ang locker ko, "Walang laman bes," matamlay kong sabi kay Maymay.
"Ay, baka delayed lang. Baka mamaya pa maglalagay! Or... hindi na siya maglalagay ng letter kasi diba nagd-DM na naman kayo?"
"Baka nga," but still mas ma-appreciate ko kung ipagpapatuloy niya yung pagsend ng letters than sa pag-asa niya sa Twitter DMs.
"O sha, sha. Pupunta na ako sa room ko, basta ha yung problema sa bahay, sa bahay lang. Wag mo dadalhin dito sa school, okay?"
"Opo, nanay."
"Nanay ka jan! Sige na! Pumasok ka na sa room mo," at kumaway na siya bago pa ako pumasok sa loob ng room namin.
Nagsimula na ang klase pero napansin ko na wala akong katabi sa kaliwa, uso na naman ata sa kanya ang pagiging late.
"Oh, Mr. Gallo, you're late," at nakita kong kapapasok lang ni Marco sa room. Halatang bagong gising at bagong ligo.
"Sorry, Ma'am. Naka-silent po pala phone ko kaya hindi ko pa narinig ang alarm," pagpapaliwanag niya.
"May sinabi ba akong mag-explain ka? Go and take your seat," at pumunta na nga si Marco sa upuan.
"Bro, you've never been late ah?" Tanong ni Edward.
"Napuyat rin kasi ako kagabi, di ako mapakali. Di ko alam kung bakit," narinig kong sagot ni Marco.
"Mr. Gallo napapadalas ata ang pagiging late mo, hindi mo ba alam na pwede ito ikababa ng grades mo sa subject ko? Bawas participation sa class yan. Kaya siguro hindi ka makaalis sa Section B eh," suway ni Mrs. Elbo. "Class, being late is also a disrespect for us teachers, kasi kapag na-late ka minsan ang dating sa amin ay wala kang masyadong pakialam sa subject na itinuturo namin," at nagland ang tingin ni Ma'am kay Marco.
"Ma'am, sa tingin niyo ba hindi ko mahal ang Computer Programming?"
"Oo, kaya naiinis ako sa'yo. Sa susunod, ayoko na makita ka ng late ha! Umupo ka na!"
"Bakit ka ba late ha?" Tanong ko sa kanya. "Bakit ako nakakaya kong magising ng maaga kahit napupuyat? Bakit ikaw, hinde?" Dagdag na tanong ko sa kanya.
"Magkaiba tayo ng katawan noh, kung gusto mo. Tulungan mo ako na magising ng maaga!"
"Oh sige, paano?"
"Huwag mo na ako ichachat! Ang daldal-daldal mo kasi sa chat! Di naman ako makatigil sa pagchat kasi baka magtampo ka," sagot niya sa akin.
"Wow! Ako pala ang may kasalanan. Sorry na Gallo ha! Sige, hindi na talaga kita ichachat," sabi ko sa kanya.
"Huy, hindi yun yung ibig kong sabihin. Ganito, pwede naman tayo magchat eh, basta ako hanggang 9PM lang. Okay ba yun?" At kinuwit pa niya ako. "Para hindi na ako nale-late, oh diba tutulungan mo ba ako?" at kinulit pa niya ako lalo. "Wag kang mag-alala kapag nabitin ka sa pag-uusap natin, pwede mo ako kwentuhan pagkapasok na pagkapasok mo." Hindi ko pa rin siya pinapansin. "Ano Kisses? Sagot! Huy! Wag ka ng magtampo!"
"Oo na! Oo na! Wag kang iiyak! Ang bakla mo talaga aba!"
"Yun! Thank you," at ipinakita niya ang ngisi niyang nakaka-in love.
Ang galing niya sa paggawa ng palusot pero parang nakakapanibago yung ngayon. Pero ano bang pake ko sa kanya. Wala naman siyang pake sa akin eh.
Nung nag break time na, humarap na ako sa locker ko.
Binuksan ko.
Tiningnan ko kung merong letter.
Napangiti ako.
Nakita ko ang letter na mula kay A.
Thank you for last night. Nagpapasalamat talaga ako dahil hindi ka snobber. To be honest, ngayon lang ulit ako kinilig. Salamat dahil naramdaman ako ulit 'to. Akala ko kasi hindi ko na mararamdaman 'to. Have a good day, ingat ka lagi! ❤️A
Nagmadali akong pumunta sa may room nina Maymay.
Nang makarating ako sa tapat ng room nila, hinanap ko agad si Maymay.
"Kuya, excuse me po," tanong ko sa isang kaklase ni May.
"Tatawagin ko lang. Wait ka lang." At bumalik siya sa loob ng room nila, "Maymay!!! May naghahanap sa'yo!!"
Nakita ko naman na papalapit na si Maymay.
"May! Totoo yung sinabi mo! Delayed lang, tingnan mo yung nakalagay," at inabot ko sa kanya ang letter na nanggaling kay A.
"Oh my gosh!!!" At nagtatalon na kami sa tuwa. "Wait, akala ko ba? Mas nakikita mo yung sparks niyo ni Edward? Eh bakit parang kinikilig ka sa pinagsasabi neto? Ano? Bilis magpalit ng feelings?"
"To be honest, confused na ako."
Binatukan ako ni Maymay, "Confused ka jan! Bakit kilala mo na ba talaga? Hay nako! Baka mas masaktan ka pa pag nalaman mo kung sino yan!"
"Ha? Bakit kilala mo ba kung sino yung naglalagay?"
"Hindi, you know I'm just concern. Lagi naman ako concern for you diba?"
"Echosera ka! Akala ko naman kilala mo na kaya sinasabi mo yan," kaya nahampas ko rin ng slight si May.
"Eh ano? Makikipagkita ka na ba sa kanya?"
"Mas mae-enjoy ko pag-uusap namin habang hindi ko pa alam ang itsura niya. Kaso baka kapag nalaman ko itsura niya at pagkatao niya baka ma-bother ako," sagot ko sa tanong ni Maymay.
"Tama yan, basta. Please. Wag mong hayaan na mahulog ka sa kanya. Puro salita pa lang ang ginagawa niya, wala pang gawa."
"I'll be remembering that."
![](https://img.wattpad.com/cover/84276980-288-k575279.jpg)
BINABASA MO ANG
#UMAASA
Fiksi PenggemarSinabihan ka lang ng matatamis na salita, umasa ka na kayo na ang para sa isa't isa. Umasa ka tuloy tapos nahulog pero di ka nya sinalo. Sad nu? Next time, dahan-dahan lang baka masaktan ka na naman eh. © justpbbfictions | September 2016.