"Good morning po, pwede po daw pong ma-excuse sina Kuya Marco at Ate Kisses, pinapatawag po sila ni Mrs. Elbo," sabi ng isang Grade 9 student.
"Bakit daw?" Tanong ng aming guro.
"Hindi ko po alam e, pinatawag lang po silang dalawa," sagot ng estudyante.
"Okay, Ms. Delavin and Mr. Gallo, make your way to the Computer Lab," at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Bakit kaming dalawa? Bakit hindi na lang siya? O kaya ako na lang? Bakit sabay pa kami? This is absolutely awkward.
"Hmmm, di mo ba talaga alam kung bakit kami pinatawag?" Tanong ko sa Grade 9 student.
"Hindi po eh."
"Hindi ba obvious? Tayong dalawa favorite ni Ma'am last year kahit Section B tayo. Ipapakilala nya tayo sa bagong batch ng estudyante nya," biglang sinabi ni Marco. Natatandaan ko na! Last year meron din pinakilala si Ma'am na magaling na programmer.
"Ah, oo. Natatandaan ko na sina Kuya Gio at Gabriel diba? Yung kambal?"
"Oo," kung anong ikinahaba ng sinabi nya, ngayon eh ang ikli.
Nakarating naman kami ng Computer Lab, I have survived the awkwardness.
"Uy, Kisses at Marco!" Bati ni Mrs. Elbo.
"Hi, Ma'am! Na-miss ko dito sa Computer Lab niyo!"
"Talaga ba? Uy, baka naman may ginagawa kayo ha? Sinabi ko sa estudyante ko na tawagin kayo kung wala naman kayong ginagawa."
"Wala po kaming ginagawa, nagdi-discuss lang po tungkol sa circles," sagot ko kay Ma'am.
"Marco, bakit ang tahimik mo? Di ka naman tahimik pag tayo tayo magkakasama ah?"
"Naninibago lang, Ma'am. Syempre, last year kami yung nandito," sagot nito.
"Okay, class. Eto ang Ate Kisses at Kuya Marco niyo, bagay sila diba?" At nag 'Yiee' ang klase. Shet. Ganito rin yung nangyare last year ah. "Este sila ay dalawa sa mga magagaling na programmers sa batch nila," pagbibigay puri ni Ma'am sa amin. "Hindi pa naman sila talaga nakakagawa ng malaking program pero last year sila yung masasabi nating may mataas na logic, they will share their experiences last year."
Hindi naman ako prepared dito, "Grabe, Ma'am, magshe-share talaga?"
"Oo, nga aba. Go na, mauna ka na Marco."
At nagsalita nga si Marco, "Late ako nung first day kay Ma'am. Adviser namin siya last year. Pero Computer programming saved me. Pinakahihintay ko na subject 'to. Kaya nung nalaman kong Computer Programming ang subject ginamit ko 'to para makatakas sa pagsermon dahil late ako pero di pala ako makakawala kay Ma'am, pero dahil dun naging close kami ni Ma'am. Tsaka eto ang pinaka natandaan ko sa sinabi sa amin ni Ma'am, 'Yes, it is given na mahirap ang computer programming.' Totoo naman kasi na mahirap talaga ang subject na 'to, lalo na kapag wala ka sa wisyo or your logic is equal to zero. Pero alam kong kaya niyo yan, I can see na matataas ang logic nyo," and he ended his sharing of experience.
"Kuya, ang gwapo mo!" At napangisi na lang si Marco.
"Kuya, pwede din ba kami magpaturo sa'yo?" Bigla na lamang niyang sinabi, "Oo, pwede sa akin. Pwede rin kay Ate Kisses niyo. Lalo na sa flowchart, magaling si Ate Kisses niyo."
"Ate! Ikaw! Share mo naman experience mo!" Sigaw ng isang estudyante.
"Uhmm, takot ako sa subject na 'to. Akala ko eto yung subject na ipapalpak ko. Pero nung nagtagal, nag-enjoy ako, lalo na nung times na nagegets ko yung paggawa ng pseudocode at flowcharts. Naalala ko na naman yung paano tawanan ni Ma'am yung mga drawings ko sa flowchart. Kaya binabalaan ko kayo, pag-aralan niyo na ang pagdrawing ng geometric shapes lalo na ang rectangle, parallelogram at ang diamond!" Napatawa naman si Mrs. Elbo, siguro'y natatandaan niya na naman ang mga iyon.
"Alam niyo ba? Dahil din sa computer programming naging close sila?" Bigla na lang sinabi ni Ma'am. Oo naging close kami dahil dito pero di ibig sabihin forever kaming magiging close, "Diba diba?" At tinataas pa ni Mrs. Elbo ang kanyang kilay. "Wala ka bang mase-say, Marco?"
"Ha? Ano po.. Maganda siya." What?!?! "Maganda siya.. maganda siya gumawa ng flowchart," dugtong niya.
"Ikaw anong masasabi mo kay Marco nung times na nagkakainisan na kayo sa paggawa ng codes?"
"Nakakairita siya, he often gets the correct answer."
"Sorry, gwapo't matalino lang."
"Lol, matalino lang! Wag mo na isama yung gwapo!"
"Computer programming din ang dahilan kung bakit may namamagitan na sa kanila."
"WHAT?!" Sabay namin nasabi ni Marco.
"We are so not in a relationship," sabi ko.
"I would never fall in love with Kisses!" Sabi ni Marco.
"Joke lang. Easy," that was not a good joke. "So, ayan. Sana nakakuha kayo ng inspirasyon at lakas na harapan ang katotohanan na pag-aaralan niyo ang Computer Programming. Pwede rin naman kayo lumapit sa iba ko pang naging mga estudyante," sinabi ni Mrs. Elbo sa kanyang klase. "Thank you sa inyong dalawa, balik na kayo sa room niyo. Miss ko na kayong dalawang makulit! Let's hang soon!"
"Sige po, Ma'am," at kumaway na ako bago lumabas ng Computer Lab.
"Daming memories tuwing Comprog noh?" Narinig kong tinanong niya.
"Ha? Ano yun?" Sagot ko.
"Wala, sige baka nakalimutan mo na talaga ako. Pero wag kang mag-alala, pinipilit ko rin naman na makalimutan na 'yon," at binilisan niya ang paglalakad niya. Hindi ko napilitang tingnan lamang siya sa paglalakad. Ti-nry ko siya habulin pero huli na ang lahat. Nakapasok na siya sa loob ng room namin, "Kawawa naman ang isa jan, naiwan mag-isang naglalakad." Heaven says.
"Sure ka bang ako lang naglalakad sa hallway?" Pabulong kong sinabi.
"Kisses," tawag ni Edward. "Where did the both of you went?"
"Ah. We've went to the Computer Lab, we introduced ourselves to the new batch of Mrs. Elbo."
"I see, do you have plans this afternoon?"
"Uhm, yes. I do. I have to go home early."
"If that's the case, just go home safely."
I've lied. Hindi ko feel na makipagkirihan ngayon. Nawalan ako ng gana. Bakit ba kasi na-excuse pa kaming dalawa eh. Ayan, nagkaroon tuloy ng mga flashbacks. Hindi lang naman siya nakaalala ng mga nangyari noon eh, pati rin naman ako. Kaso ang sakit sakit kasi nung mga naaalala ko.

BINABASA MO ANG
#UMAASA
FanfictionSinabihan ka lang ng matatamis na salita, umasa ka na kayo na ang para sa isa't isa. Umasa ka tuloy tapos nahulog pero di ka nya sinalo. Sad nu? Next time, dahan-dahan lang baka masaktan ka na naman eh. © justpbbfictions | September 2016.