#Kabanata16

217 18 1
                                    

Pagkauwi ko, I saw my dad and little brother sa may pintuan. "Ayan na ate mo, let's go." Sabi ni Daddy.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Kakain tayo sa Shakey's, ate!!!" Tuwang tuwa na sabi ni Kirby. He held my hand at hinila na ako papuntang kotse.

"Anong gustong kainin ng mga anak ko?" Tanong ni Daddy habang nagsta-start ng kotse.

"I want mojos and mora.. more.. ate ano nga yung sticks yung may cheese?"

"Mozzarella sticks, baby boy."

"Ayun, that's what I want. Ikaw, ate anong gusto mo?"

"Pizza!!!! Thin crust gusto ko," sinabi ko kay Daddy.

"Okay, kung yun ang gusto ng mga baby ko, let's go na!" At tumakbo na ang makina ng sasakyan namin. Umupo muna ako ng ayos at binuksan ang data ng phone ko.

Lumabas sa notifications ko sa Twitter ang pag-DM ni A sa akin.

@mynameisA__
Hey.
Long time no chat
Hahahahha long time ba ang 3 days?
Hmmm miss na kita :)
Parehas kasi tayong busy e
Busy ka sa iba
Ako naman busy na maghintay na mahalin mo
Hehehehe

Those messages were sent an hour ago.

@delavinkisses
Kung long na sa'yo yun, edi long HHAHAA wala naman akong problema dun
Hala? Bat nasabi mo naman na busy ako sa iba?

@mynameisA__
Uyyy
Sakto pagbukas ko
Online ka :)

@delavinkisses
Oh edi meant to be na tayo? HAHHAHAHA
JK LANG

@mynameisA__
alam mo
naniniwala ako sa kasabihang
'Jokes are half meant'
HAHHAHAHAHAHA
:)))))
kinikilig ako
self-support hahahaahah

Nang nabasa ko yun, napangiti naman ako. Sa salita pa lamang niya, napapangiti na ako. Paano pa kaya kung magkakilala na kami?

"Bakit nakangiti ang dalaga ko?" Tanong ni Daddy. Habang ang mata namin ay nagkatagpo sa salamin.

"May nabasa lang po ako sa Twitter na nakakatawa," oh, nabasa ko naman talaga sa Twitter yung mga sinabi ni A ah? Kaya di ako nagsisinungaling.

"Baka may boyfriend ka na ha. Boyfriend mo na si Marco noh?"

"I like Kuya Marco," sabi ni Kirby.

"Well, I don't like him," sabi ko sa kanilang dalawa. "I don't like him too," sabi ni Kirby. Ang kulit na bata aba! "He made ate cry in the mall." Shit. Didn't see that coming.

"Umiyak ka sa mall?? Pinaiyak ka sa mall??" Biglang napahinto at napatanong si Daddy.

"Sort of but past is past, hehe," sinabi ko na lang para makaiwas pa sa topic at buti na lang nakarating agad kami sa Shakey's.

Nung nakababa na kami, "Usap tayo mamaya," bulong ni Daddy sa akin. This is not a good feeling at all.

Nakalimutan ko pala replayan si A.

@delavinkisses
maya na lang tauo mag-usap
*tayo
kakain lang kami sa shakeys
bye muna

Pagkatapos ay umupo na muna ako sa table namin, in-order na lahat ni Daddy ang gusto namin.

"How's school, Kisses? Do you have your circle of friends?"

"Nah, Ate Maymay and Edward lang close ko sa school, may mga iba akong nakakausap pero di magaan loob ko sa kanila."

"Edward? Ngayon ko lang ata narinig yun ah, is he transferee?"

"Yep. I'll be teaching him how to speak Tagalog, he's a German by the way."

"That's good, mahawa ka sana ng English niya. Eh si Marco? Hindi na ba kayo close? Parang dati pinapagalitan kita dahil kung saan saan kayo nagpupunta nina Maymay at Marco, pero parang ngayon wala na ah?"

"Busy kami parehas eh," yun na lamang ang isinagot ko.

"Busy? Wag mo ako paikutin, Kisses. Hindi pa nga nakakalahati ang 1st Grading eh, tapos busy?"

"Well. I'll admit. Di na kami close. Okay na bang sagot yun?"

"Tell me all about it later," at dumating na ang pagkaing inorder namin.

"This is so yummy!!!" Sabi nu Kirby habang sabay sabay na kinain ang mojos at mozzarella sticks.

"Hinay hinay, anak. Wag masyadong magmabilis baka masaktan ka," WHAT. DID. MY. FATHER. SAID. Binalewala ko na lang ang sinabi ni Daddy at kumuha na lamang ng isang pizza.

"Bakit mo tinatanggal yung bell papers at olives? Wag mong tanggalin sa kanya kung anong nagpapa-espesyal sa kanya. Tanggapin mo siya kung sino siya at kung anong meron siya, hindi yung binabago mo kung sino siya." For the second time, binalewala ko ang paghugot ni Daddy. Kinagat ko na lang ang pizza.

"Daddy, bakit iced tea pinili mo bakit hindi softdrinks? Mas masarap uminom ang softdrinks kapag nakain ng pizza," sinabi ko kay Daddy.

"Minsan, kailangan mo piliin kung anong mas nakakabuti sa'yo. Hindi yung sugod ka ng sugod tapos ikasasama mo lang pala," hindi ko na kinakaya pa ang mga pinagsasasabi ng tatay ko.

"Daddy, anong nakain mo? Parehas naman tayo ng kinakain pero bakit may pinanghuhugutan ka?"

"Sus, kunware ka pa. Natatamaan ka naman, halata naman sa'yo eh. Tama na, gets ko na. Umasa ka noh?"

"Tungkol pala sa akin kaya ka hugot ng hugot. Daddy, kumain na lang muna tayo. Okay?"

"Ayan! Isa pa yan! Pag-iwas! Umiiwas para hindi lumabas ang katotohanan, ang katotohanan na iniibig mo siya."

"Bakit ang dami mong alam, Daddy?"

"Papunta ka pa lang, nakabalik na ako."

"What are you talking about?" Bigla na lang sumingit si Kirby sa usapan. Amos amos na ang bata kaya pinunasan ko ang mukha niya.

"Di lang siya ang may pagkakamali, ikaw rin."

Hashtag tamang-tama si Kisses Delavin.

#UMAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon