#Kabanata11

211 15 0
                                    

Nagprivate na ako ng account sa Twitter.

And started typing on what I'm gonna reply to A.

@delavinkisses
A. Thank you for caring about me.

@mynameisA__ liked your tweet.

That's the sign he saw my tweet. Should I delete my indirect reply? When I have not decided yet. I know who to call.

@delavinkisses
Maymay! He liked my indirect reply
Should I delete the tweet na?

@MarydaleEntrant5
Oo, i-delete mo.
Para iwas issue den HAHHAAHAH

@delavinkisses
Okay, if u say so

After consulting Maymay, I deleted the tweet. Okay na rin naman siguro yun. Tsaka at least alam kong nabasa niya yung reply ko.

"Ate!!!!" Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita si Kirby, "Daddy is drunk!!"

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagmadaling bumaba para matulungan si Daddy.

"Daddy! Bakit ka nag-inom ng sobra sobra! Look at you!" Inakay ko si Daddy. Napabitaw ako sa pag-alalay kay Daddy.

"BAKIT KA BA NAG-IINOM HA??!!"

"Ikaw bata ka, dami mong nalalaman! Dada ka ng dada! Manang-mana ka sa nanay mo!"

"Sagutin mo yung tanong ko! Don't try to escape from my question! Now, answer me!!!"

"NAG-INOM LANG AKO! PUNYETA NAMAN! ANONG MASAMA KUNG NAG-INOM AKO? MGA WALA KAYONG KWENTA! WALANG KWENTA!!!!!" Sigaw ni Daddy.

Huling huli na siya. Hindi pa siya umamin!

"Ate, why is Daddy like that?"

"Hindi ko rin alam, baby."

"Ate, I want to see Mommy. Let's go see Mommy."

Tumingin ako sa orasan, it's 7pm. Yes, it's 7pm but my Dad is really drunk.

"Sige, we will go to mommy. Get your bag and we'll go na," sabi ko kay Kirby.

As soon as Kirby got his bag, sumakay na kami ng jeep papunta sa bahay nina Lola.

As soon as we get there, madilim. Siguro, wala sila Lola at Mommy dito.

Lumapit ako ng kaunti sa may pintuan, kakatok na sana ako ng napansin ko sa may bintana na may dalawang tao.

Kinalabit ako ni Kirby, at nag-shhh sign ako kay Kirby. Lumapit pa ako ng kaunti sa may bintana at nakita ko ang ina ko na may kahalikan na iba.

"Ang bababoy niyo! Parehas lang pala kayo ni Daddy! Parehas kayong naglolokohan! Bakit niyo hinahayaan na magka ganito ang buhay namin??!!!"

Dali-dali silang nag-ayos. Binuksan ni Mommy ang pintuan, "Kisses, Kirby, mga anak andito pala kayo."

"Wag mo kong ma-anak anak! Dahil ang isang ina ay may obligasyon na maging maganda ehemplo sa kanyang anak! Pero sa nakikita ko, hindi kaganda ganda na matuto pa ako sa'yo!"

"Kisses, wag ka namang ganyan."

"Ikaw pa naman ang kinampihan ko! Pero mas malala pa pala ang nakita ko! Mas gusto ko na lang na makita si Daddy na nag-iinom kesa sa nanay kong nakikipagsex sa taong mas bata pa sa kanya!"

"Kisses, hindi kita tinuruan ng ganyan! Ayusin mo yang pananalita mo!"

"Bakit may mali ba sa sinabi ko? Wala naman ata ah? Wag kang mag-alala ayoko ng may matutunan sa'yo kase kahiya hiya ang nakita ko mula sa'yo," sigaw ko sa sarili kong ina.

"Ate, Mommy, why are you fighting?" And Kirby started to cry.

"Ate and Mommy are not fighting. Come here, baby. Mommy loves you very much."

"Mahal? Sige nga, nasaan ang pagmamahal jan? Pinakita mo lang naman na mahal mo kami kase nandito kami ngayon sa harap namin! Kaya pala ni isang text wala akong natatanggap galing sa'yo kase nakikipaglandian ka na sa iba. Kung mahal mo kame, may lakas ka ng loob na hiramin kami kay Daddy."

"Kisses, wala kang alam sa nangyayari," sabi ng ina ko sa harapan ko at nakikita kong tutulo na ang mga luha niya.

"Kirby, let's go home na. May assignment pa pala akong gagawin," yaya ko kay Kirby.

"Can we not stay a little longer, Ate? Please?"

"Okay," sinabi ko sa kapatid ko. "Pumayag ako dahil mahal ko ang kapatid ko at sinabi mo na alagaan ko siya. Sabihin mo na gusto mong sabihin, aalis din agad kami."

"Kirby, do you want sandwich?" At dinala ng ina ko si Kirby sa loob ng bahay nila.

I opened my twitter. And tweeted,

@delavinkisses
A house can never be a home when your family is broken.

@MarydaleEntrant5
Psst
Anyare?
Ano yung tweet mo
Tell me
I'll call you right now

Maymay is calling...

Lumayo muna ako sa bahay para makapagkwento ng maayos kay Maymay.

"Anong nangyari, bes?"

"Si Daddy.... umuwi ng lasing.... Tapos niyaya ako nu Kirby na... pumunta kina Mommy... Pero ang nadatnan ko nakikipagtalik siya sa ibang lalake... Mas bata pa sa kanya..."

"Huy, grabe. Alam kong hindi ka okay, don't worry. Wounds heal. Time will come na magkakaayos lahat. Sige sabihin mo lang sa akin lahat ng hinanakit mo, I'm here to listen."

"Ang sakit sakit kasi eh. Kaya pala hindi ako nakakatanggap ng tawag, chat o text sa kanya dahil sa inuna niya pala ang ibang tao, ang sakit bilang anak. Ang sakit kasi siya yung kinampihan ko eh. Hindi niya man lang kami madalaw."

"Kisses, alam kong mabigat yang dinadala mo ha. Pero kapag nasa school, wag mo na lang ipakita sa kanila. Kasi ayokong makita kang kinkaawaan. Tsaka baka lalo kang asarin ni Heaven. Don't worry, I'm also your family. Don't be sad, I'm here. Always. Don't cry too much, may pasok bukas. Be strong bes ha? I know no one can drag you down! I love you!

"Thank you, May. I don't know kung anong mangyayari if you're not by my side. Please don't tired of me."

"I won't. I promise. I'll be hanging up na. Bye, ingat sa pag-uwi."

"Thank you again, I love you!"

And the call ended.

Bumalik na ako ng bahay para sunduin si Kirby.

"I think you had enough time to spend with my brother," at hinawakan ko na ang kamay ni Kirby. "Let's go Kirby."

"Kisses, please let him visit me," sabi niya.

"Why would I? Sure ba akong hindi mo lalasunin ang utak ng kapatid ko?"

"Let's video call na lang, mommy!" Sinabi ni Kirby.

"Kirby, let's go na. Ate will make assignments pa eh."

Pagkasakay namin ng jeep, nagtwitter na lang ulit ako.

@mynameisA__ liked your tweet.

Shet. Nakita niya yung tweet ko.

#UMAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon