Nagising ako ng maaga. Naisip kong ipagluto si Papa ng agahan. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong nagluluto na si Papa.
“Papa, ako na po ang magluluto. Magpahinga na po kayo.” sabi ko.
“Maria, ang aga mo nagising a? Malapit na ito maluto kaya umupo ka na jan at kakain na tayo.” sambit ni Papa.
Naupo nga ako at kumain.
“Papa, ano po palang raket niyo ngayon?” sabi ko kahit puno ng pagkain ang bibig ko.
“wag mo nang alamin anak.” maikling sagot ni Papa.
Di na ko nagtanong pa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto. Naisip kong maaga pa naman kaya'y mamaya na ko maliligo. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinignan kung may nagtext.
[1 message received]
From: jeff.ko
mahal ko.goodmorning
nireplyan ko ang text ni Jeff, pero hindi na siya nagreply. Marahil ay may ginagawa na iyon ngayon. Kaya't minabuti ko nang maligo na at maagang pumasok.
***
Normal naman ang ginawa ko sa school. Papasok. Nakipagkwentuhan kay Geelyn. Kumain ng lunch kasama si Jeff. Pumasok ulit at tumambay muna. Pero nakatangap ako ng sulat mula sa isang admirer kanina. Siya daw si Secret Lover.
-KANINA-
“Hey Gee. Nakita mo ba yung binder ko?” tanong ko kay Geelyn.
“no. hindi ko nakita e. baka naiwan mo sa Canteen?” di siguradong sagot ni Geelyn.
Bumaba ako ng room para magbakasakaling nandun ang binder ko sa Canteen. Pagdating ko sa Canteen, hindi nga ako nagkamali. Andun nga.
Napasabi na lang ako ng, “buti na lang andito ka. Andito pa naman nakasingit yung registration form ko.” at bumalik na ko sa room.
“o maria? Nakita mo?” tanong ni Geelyn.
“Yeah. Nakita ko na. Thank God.” sagot ko kay sakanya.
Pagkaupo ko ay tinignan ko ang mga nakasingit na papel dito. Nagulat ako na may nakita akong sulat na wari ko ay love letter. Nagtaka ko pano yun napunta doon, e kanina naman nung nagsusulat ako sa Canteen hindi ko ito napansin.
“Look Gee. Nakita ko sa binder ko o.” pagpapakita ko kay Geelyn ng sulat na nasa mabango at kulay pink na Stationary.
“Love letter yan Maria!” sabi ni Geelyn. Pagkasabi niya non ay nakisawsaw na sina Stephan, Arnold at Jeff.
“ano yun? Tama ba pagkakarinig ko? Love letter.” usyoso ni Arnold.
Kinuha naman ni Stephan sa kamay ni Geelyn ang Love letter at tinignan ito.
“Uuuuy. Love letter nga ito. Para kanino to? Sayo Geelyn?” tanong ni Stephan.
“kay Maria yan noh.” Si geelyn
“Maria, bubuksan ko na ha.” sabi ni Stephan at binukasan na nga ang sulat. At binasa ito.
Wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya.
At binasa na ni Stephan ang sulat. Di gaano malakas tama lang para marinig naming lima.
Maria,
Hello. Im your admirer. Im Secret Lover. Hinahangaan kita ng sobra. You complete me. Sa tamang panahon makilala mo din ako. Magpapakilala ako ng personal. Take care. I love you.
Mr. Secret Lover
Pagkatapos basahin ni Stephan ang sulat ay napatingin ako kay Jeff. Ngumiti siya sa akin ng pilit. Sakto namang dumating na ang aming professor. Hanggang sa matapos ang klase at maguwian yun pa rin ang topic nila Geelyn, Stephan at Arnold. Kasama na dun ang pangaasar nila sa akin. Kinausap ko naman si Jeff na kanina pa ako di kinikibo. “Uyyy. Mahal.” sabi ko kay Jeff sabay haplos sa mukha niya. Ngumiti muli siya ng pilit pero walang sinabi. “My problema ba ha?” paglalambing ko. “Wala naman.” tipid na sagot niya. “e bat ang tahimik mo?” sabi ko. “Sino kaya yung admirer mo?” sabi niya. “kaya naman pala tahimik mo e. selos? Don't worry. Im only yours” sabi ko sabay pingot sa ilong niya. Dahilan naman para ngumiti na siya at akbayan ako.
----
ala una na pero hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko si Mr. Secret Lover. Sino kaya siya. Natutuwa ako na may nagkakagusto sa akin pero natatakot ako na baka pag mag-isa ako ay sundan niya ako at kung anong gawin. Pero hindi naman siguro gagawin ni Mr. Secret Lover yun.
To be Continued...
