-Makalipas ang isang linggo-
Sumailalim nga si Papa sa mga theraphy at counselling ksama si Dr. Forte. Habang ako naman ay nagpatuloy sa pag-aaral. Doon muna ako tumigil kila Jeff. Sinuportahan naman ng mga magulang niya ang mga pangangailangang pinansyal ko. Mayaman naman sila kaya di na nila problema ang pera. Ang ama ni Jeff ay isang manager sa isang hotel. Ang Mama niya naman ay isang simpleng maybahay lamang. Isang linggo ko din hindi nakita si Papa dahil doon muna siya nagtigil sa Clinic ni Dr. Forte.
Sabado.
Nagpasya akong bisitahin ang bahay namin kasama si Jeff. Kahit papaano'y may susi ako ng bahay namin.
Pagpasok ko sa bahay, naalala ko noon. Maayos pa si Papa. Lagi niya pa ko pinagluluto at ginigising tuwing umaga. Napatulo na lang ang mga luha sa mata ko.
“Naiyak ka na naman.” ani ni Jeff
“di ko mapigilang maiyak Jeff.” sabi ko sabay punas sa luha ko.
“Lika nga dito.” at niyakap ako ni Jeff
“hope this hug will ease the pain. Ayokong nakikita kang ganyan. Habang pinagdadaanan mo tong problemang to, hindi kita iiwan.” sabi niya.
Sa mga sinabi niyang iyon mejo gumaan ang bigat ng pakiramdam na nadarama ko.
“Salamat Jeff.” maikli kong sagot.
At tuluyan na kaming naglakad ni Jeff. Binisita namin ang kwarto ni Papa. Umupo ako sa kama niya na tila namimiss si Papa.
“babe, paihi. Saan ang Cr?” tanong ni Jeff.
“doon ka mag-Cr sa room ko. Paglabas mo, yung katabing kwarto lang nito.” panuto ko.
Nakita ko ang laptop ni Papa sa mesa at bunuksan iyon. Maya-maya ay dumating na si Jeff.
“babe. Look. Nakita ko sa Cr mo to.” sabi ni Jeff
“ano yan?” tanong ko.
“i think it's a camera.” sabi ni Jeff.
“saan mo nakita yan?” tanong ko.
“sa taas ng Cr mo.” sabi ni Jeff
“really.” sabi ko at sabay bukas sa camera.
Nagulat ako sa mga nakita ko. Mga videos ko habang naliligo ako. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang camera.
“oh bakit?”nagtatakang tanong ni Jeff. Sabay pulot sa camera na nalaglag sa kama. Pagkatingin ni Jeff ay galit napasigaw ito.
“your Dad is a f**k!”
habang ako naman ay tila tulala sa nakita habang lumuluha. Agad namang kinuha ni Jeff ang laptop at tinignan ang mga videos doon.
“damn! He's really a f**k!”
Hindi ko na tinignan ang laptop na hawak ni Jeff, malamang ay nakakita si Jeff ng mga videos pa doon.
“Let's go. I'll bring this.” aya ni Jeff sa akin.
Umalis na nga kami dala ang laptop at camera. Wala parin akong imik sa mga naganap. Tila dinudurog ang puso ko sa mga ginawa ni Papa. Ibig sabihin dati pa pala ginagawa sa akin iyon ni Papa, dati nang may sira sa utak si Papa. Bakit ngayon ko lang nalaman.
Pagdating kila Jeff ay nakita ko agad si Dr. Forte sa sala nila. Tinex. Agad akong naupo sa sofa at tila wala pa ring imik. Si Jeff naman ay agad pinakita ang videos kay Dr. Forte. Pero tinanggi ng doctor na makita ito.
“iha, maria. Eto yung sinasabi ko sayo na hindi lang siya attracted physically and emotionally. It may be sexually. By the way gusto ko ipaalam sa'yo na dadalhin na namin sa mental ang Papa mo.”
tumango na lang ako sa sinabi niyang iyon.
“May binabanggit ang Papa mo sa akin tungkol sa sulat, sabi niya na 'pag tulog na siya napunta ako sa kwarto niya tapos nilalagay ko yung sulat ko sa sulat palda niya sa school o di kaya sa binder niya'. “
Nagkaroon ng conclusion sa utak ko na kaya pala nakakapagtaka na sa bulsa ng palda ko at binder nakikita ang sulat, pag tulog na pala ako ay ganun ang ginagawa ni Papa.
“so aalis na ko.” paalam ni Dr. Forte.
Dahil sa mga nalaman ko ngayong araw ay gusto ko na lang magpahinga.
“Jeff. Matutulog na ko.” paalam ko kay Jeff.
“hindi ka ba muna kakain?” tanong niya
Umiling lang ako at ngumiti ng pilit. At pumasok na sa kwarto. Humiga na ko at nagisip-isip.
“Ano nang nangyayari? Dalawa na nga lang kami ni Papa tapos ganto pa. Isang taon na lng ako sa college at matatapos na ako sa kursong HRM. Sino na lang ang makakasama ko pag grumaduate ako. Isa pa sino n ang susuporta sa pag-aaral ko ngayon.”
Ilang sandali pa ay nakatulog rin ako.
To be Continued...