Kinaumagahan ay alas nuebe na ako nagising. Agad akong bumangon at lumabas. Binati ko ang lahat ng magandang umaga. Ang mga magulang ni Jeff at siya. Matapos nun ay nagayos na ako at umalis na kami ni Jeff.
Pagkarating namin sa bahay ay nadatnan ko si Papa na kumakain.
“Papa.” maikli kong sagot.
“sino yang kasama mo?”sarkastikong tanong ni Papa na halatang sa mukha ay puyat kagabi.
“si Jeff po. Kasintahan ko.”
“bakit kayo nandito?” tanong ni papa na tila wala sa sarili.
“papa. Ano po bang nangyayari sa inyo?” nagsimulang tumulo ang luha ko. “papa. Bakit ka nagkakaganyan?” tuluyan na ngang umagos ang mga butil ng luha sa mga mata ko.
Si papa naman ay tumayo at lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Alam kong nasa likod ko si Jeff na nakikinig sa usapan namin kaya kumpyansa akong walang gagawin sa akin si papa na di maganda.
Lumuhod si papa habang hawak ang kamay ko at sinabing,
“anak. Pakasalan mo ako anak.”
nagulat ako sa mga katagang binanggit ni Papa. Dahilan upang matameme ako.
“anak. Pakasalan mo ako. Mahal na mahal kita.” muling sambit ni papa.
Nagulat muli ako ng marinig kong nagsalita si Jeff.
“baliw ka! Anak mo papakasalan mo.” sabi ni Jeff na puno ng galit.
Tumayo si Papa at akmang susuntukin si jeff. Agad naman akong umawat dito. “Papa. Wag niyo po gawin yan.”
Sa sinabi kong iyon ay tila bumalik sa katinuan si Papa. At muling binanggit ang mga katagang sinabi niya kanina.
“anak. Pakasalan mo ko. Maawa ka sa akin. Ikaw ang buhay ko anak.” sambit ni Papa.
Tinalikuran ko siya at tuluyan na kaming umalis ni Jeff. Habang kami ay pabalik sa bahay nila Jeff ay di ko mapigilang mapaluha sa mga nangyayari kay Papa.
Pagdating namin sa kanila ay naroroon sina Stephan, Geelyn at Arnold. Isa-isa nila akong niyakap.
“Maria. Tinext kami ni Jeff tungkol sa nangyari sa'yo. Andito lang kami para sayo ha.” yakap sa akin ni Geelyn. Hindi ko mapigilan ang pagluha sa sinabi niyang iyon.
“friend. Bakit di mo kaya itry ipacheck yung daddy mo kung may sira sa ulo.” sabi ni Stephan.
Di ako sumagot sa mga sinabi niyang iyon.
“Maria. Subukan mo lang naman.” sabat ni Arnold.
“si Papa may friend na Psychiatrist.” ani ni Geelyn.
Hindi ko alam ang sasabahin ko. Basta tumango na lang ako sa sinabi ni Geelyn.
***
Kasama ang buong barkada, ang Papa ni Geelyn at ang kaibigan nito ay pumunta kami sa bahay. Nanatili lamang kami sa labas at si Dr. Forte, ang Psychiatrist na lang ang tumingin kay Papa. Halos tatlong oras sila nag-usap at lumabas na rin sa wakas si Dr. Forte, agad naman kaming bumalik sa tahanan nila Jeff at doon ako kinausap.
“Maria.”
“Po?”
“Marahil ay nagtataka ka sa inasta ng Papa mo nitong nagdaang araw. Kinausap ko siya kanina. At batay sa aking mga naobserba ay maaring wala sa normal na pag-iisip ang Papa mo.”
Taimtim naman na nakikinig si Maria at ang kanyang mga kaibigan.
“Diba namatay ang Mama mo noong pinagbubuntis ka.” sni ni Dr. Forte.
“Opo doctor.”
“nagkaroon ng trauma ang Papa mo noong namatay ang Mama mo. Minahal ng lubos ng Papa mo ang Mama mo. Pero imbis na malungkot sa pagkamatay nito ay binaling na lang niya ang atensyon niya sa'yo. ”
tumigil siya sandali at nagpatuloy ulit sa pagsasalita.
“mayroong namang insidente na ang mga anak ang nagkakaroon ng attraction sa mga magulang, para sa mga anak na babae na naaatract sa kanilang ama. Ito ay tinatawag na electra crisis. Sa kaso mo ay vise versa. Ang ama mo ang naatract sayo. Ang mga gantong sitwasyon ay hindi lamang physically at emotionally attracted, kundi SEXUALLY.” ani ni Dr. Forte.
Sa puntong iyon ay bigla akong kinilabutan.
“e doc, ano po ngayon ang gagawin niyo sa papa niya? Ani ni Jeff.
“siguro ay doon muna siya sa Clinic ko and will ubdergo some counselling. Don't worry sa gastos. Im doing this for free.” pahayag ng Doctor.
“salamat po doc.” sabi ni Jeff.
Sa mga narinig ko ay di ko, natulala na lang ako at tila nablanko.
To be Continued...
