. . .Si Papa.
“Oh pa?bakit po kayo andito?” tanong ko.
“ha. Ikaw bakit ka andito anak?” pagbabalik ng tanong sakin ni Papa.
“Po? May inaantay lang po.” sagot ko.
“Sino? Si Mr. Secret Lover?” sabi ni Papa na halatang nagseryoso ang mukha.
“po? Paano niyo po nalaman? Nababasa niyo po ba yung mga sulat niya sa kwarto ko Pa?” Sabi ko na may halong pagkalito, dahil lagi ko naman tinatago ang mga sulat at imposibleng nakakalat yun at may ibang makabasa.
“anak. Ako yun.” maikling sagot ni Papa.
“kayo po si Mr. Secret Lover? Papa, hinuhuli niyo po ba ako kung may boyfriend ako o wala?” sabi ko na may pag-ngiting pilit.
“anak.” sabi ni Papa na tila mas sumeryoso pa ang mukha.
“anak. Hindi kita hinuhuli tulad ng iniisip mo. Mahal kita higit pa sa isang anak. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pero iba to. Higit pa sa pagmamahal to ng isang ama para sa anak. Gusto ko sa akin ka lang. Walang ibang may-ari sayo kung hindi ako lang. Mapapatay ko ang sino mang umagaw sayo sa akin.”
Sa mga oras na iyon, nagulat ako sa sinabi ni Papa.
“papa. Syempre naman po, anak niyo po ako diba?” sagot ko na ngumiti ulit ng pilit.
“maria. Gusto ko akin ka lang. Buong pagkatao mo akin lang.” sagot ni Papa at hinawakan ang nga kamay ko.
Nagulat na ako sa mga sinabi ni Papa. Posible nga kaya na magustuhan ng isang ama ang kanyang anak na babae. Pagmamahal na kumbaga ay tulad ng pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang iniirog. Nagsimula namang tumulo ang luha ko at niyakap na lang si Papa. Sa pagkakataon namang iyon ay kinalas ni Papa ang pagkakayakap sa akin at sinubukan akong halikan. Naitulak ko naman siyang bigla at mabilis na tumakbo palayo. Agad akong sumakay ng jeep at tinawagan si Jeff.
“h-h-e-llloooo jeee—ffff.” ngarag kong sabi.
“oh bakit?may problema ba?”
“papunta ako ngayon sa inyo. Hintayin mo ko.” sabi ko sabay iyak.
“calm down. Ikwento mo sa akin what's wrong pag andito ka na. Calm down okay? I'll wait for you.” sabi ni Jeff
Hanggang sa makarating ako kila Jeff. Pagkakita niya sa akin agad niya akong niyakap. Ang that hug really comforts me a lot. Pinaupo niya ako at saka kinausap. Kinuwento ko naman ang nangyari sa akin. Pati kung sino si Secret Lover which is my Papa. Di ko alam kung kaya ko pang harapin ang Papa ko sa kabila ng pag-amin niya. Naisip kong mag-stay na lang muna kila Jeff.
“Jeff?”
“Oh?” tanong ni Jeff.
“Can I stay here tonight?” sabi ko sabay tingin sa mga mata niya.
“sure no problem. Doon ka na lang sa kwarto ko matulog. Sa sala ako.” sbi niya, sabay ngiti.
“hindi kaya magalit Mama at Papa mo?” alinlangan kong tanong.
“no. okay lang yan sakanila. Magpapaalam sana ako na ikwento sa kanila yung nangyari sayo para makahingi din a ko ng advice sakanila.”si Jeff.
“sure. Okay lang jeff.”
Umalis si Jeff saglit at kinausap ang magulang niya. Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang Mama niya at sinabing. “iha anak. Ayos ka lang ba?” nagulat ako sa concern na pinakita ng Mama ni Jeff. Napayakap na lang ako dito at umiyak. Nakaramdam ako ng tila concernn at yakap mula sa isang ina. “okay lang yan Maria. Andito lang kami ha. Lagi kang kinukwentoo ni jeff sa amin.” sambit ng ina ni Jeff na hinahaplos pa ang likod ko para gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos gumaaan kahit kaunti ng pakiramdam ko. Kinausap nila akong muli.
“kung gusto mo, kami ang kakausap sa Papa mo.” sabi ng Papa ni Jeff.
“tito, wag na po. Ako na lang po ang kakausap kay Papa bukas. Di po ako papasok e.” sabi ko na patuloy pa rin sa pagpunas ng luha.
“iha. Baka may kung anong gawin na naman siya sayo pag kayo lang dalawa ang nag-usap. Lalo na't alam natin na iba ang kinikilos ng papa mo ngayon.” sabi ng mama ni Jeff.
Sa sinabing iyon ng Mama niya ay nagkaroon ako ng konting takot.
“ma, pa. Sasamahan ko po si maria sa pagkausap sa Papa niya.” buong tapang na sabi ni Jeff.
Tumango na lang ang mag-asawa. Matapos nun ay pinakainnila ako at pinag pahinga na. Pakiramdam ko ay isang malaking laban ang haharapin ko bukas. Pumikit ako sandali at nagdasal sa Panginoon na gabayan niya kami ni Jeff. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Dala siguro ng sobrang pagod.
To be Continued...