CHAPTER 8

273 0 0
                                        

”..Patay na Papa mo. Nagbigti siya. Hawak ang picture mo na nakalagay sa puso niya” sabi ni doc

Di ko alam kung anong sasabihin. Tila napako ako sa kinatatayuan ko at nagsimula nang lumuha. Tuloy- tuloy ang agos ng luha sa mga mata ko. Pagkatapos sabihin ni doc ang mga katgang patay na si Papa ay tila nablanko na ko. Nagulat na lang ako na nasa kama ako at napapaligiran ako ng mga kaibigan ko.

“Thank God gising ka na.” sabi ni Geelyn.

Isa-isa nila akong niyakap at naramdaman ko ang sincerity nilang lahat.

- - -

Dinala nga sa bahay ang katawan ni Papa. Nag-leave muna ako sa trabaho at nagpaalam din sa school na di muna ako papasok. Hindi ko na naman problema ang gastos dahil si Dr. forte na daw ang gagastos sa lahat.

“doc, salamat po.” sabi ko.

“walang anuman. Ang Papa mo ay ang una kong kliyente kaya nais ko syang tulungan.” ani ni Doc.

“salamat po talaga.” sabi ko.

Isang araw matapos mamatay si Papa ay dumalaw si Tita Ely, kapatid ni Papa na taga Cavite. Wala pa itong asawa at subsob sa trabaho. Siya lang ang kapatid ni Papa.

“tita.” sigaw ko sabay yakap kay Tita.

“kamusta? Nabalitaan ko lahat ng nangyari, ngayon lang ako nakapunta dahil sa trabaho.” sabi ni Tita.

Kinuwentuhan ko si Tita tungkol sa mga sinasabi ni doc sa akin, tungkol sa naging dahilan, bakit nagkaganyan si Papa.

“Di ako magtataka na mangyari yun Maria. Magkababata si Kuya Mario(tatay ni Maria) at si Ate Cecil(Nanay ni Maria) na nagka-ibigan. Mahal na mahal ni Kuya si ate Cecil. Kaya noong namatay ito, akala ko nga magpapakamatay din siya. Pero hindi. Kaya humanga ako sa kanya. Pero hindi pala ganon katatag si Kuya.” paiyak na sabi ni Tita.

“Tita, kahit ganun po. Mahal ko pa din si Papa.” paluha kong sagot.

Dumaan pa ang mga araw. Tila napakabilis. Ihahatid na namin si Papa sa huli nitong hantungan. Kasama si Tita, ang mga barkada ko, si Dr. Forte at ang mga magulang ni Jeff. Pagkatapos nito. Mag-isa na talaga ako sa buhay.

“Paalam Papa.” wika kong lumuluha habang tinatabunan ng lupa si Papa.

Matapos nun ay kinausap ako ni Tita.

“Maria. Sumama ka na lang sa akin. Pag-aaralin kita.” sabi ni Tita.

“po? Sa Cavite po tita?”

“oo. At least dun aayos buhay mo.”sabi niya.

“tita. Isang sem na lang po gagradute na po ako sa eskwelahang pinapasukan ko.” paliwanag ko.

“kung gusto mo. Papadalhan na lang kita nang pera bwan-bwan?”sabi ni Tita.

“ganun na lang nga po Tita.” sabi ko. Kahit papaano ay ayokong mawalay sa mga kaibigan at kay Jeff.

*****

Sa tulong na pera ni Tita Ely. Ay nakapagenroll ako ng 2nd sem. At nababayaran ko din ang mga gastusin sa bahay. Minsan para makatipid ay doon na ko kumakain kila Jeff. Hindi na rin ako ngayon masyadong napapagod kasi hindi ko na kailangan pang magtrabaho.

Lumipas nga ang mga araw. Graduation na namin. Si Tita Ely ang kasama ko.

“oh ayan Maria. Ang ganda mo na.” sabi ni Tita pagkatapos ako lagyan ng make-up.

“Tita naman e. bolera.” nakangiti kong sambit.

“oh tara na 2:30 na oh.” aya ni Tita.

Bumyahe na kami papunta sa school. Pagdating doon ay nakita ko na kaagad ang mga kaibigan ko.

“Wow naman ang ganda naman.” bati ni Stephan.

“hmmm. Ganyan ba pag-inlove?” sabi naman ni Geelyn.

“tulo laway drama ko ngayon Maria.” sabi ni Arnold sabay tapik kay Jeff na natameme ata.

[Jeff POV]

“waaaaahhh. Dyosa ba tong nasa harap ko. Ang ganda naman ng girlfriend ko. Teka baka tumulo laway ko. Sa suot niyang white na dress at 4 inches na heels nagmukha talaga syang dyosa. Pati ang buhok bumagay, mahaba at kulot. Kahit simpleng make-up lang, maganda pa din siya.”

- -

“Jeff? Okay ka lang?”tanong ko. Ngumiti lang ito at hinila ako papunta sa tabi niya.

“ganda mo.” sabi ni Jeff sabay ngiti.

“gwapo mo naman.” sabi ko.

“edi bagay tayo?” sabi ni Jeff.

“tingin mo?” tanong ko sabay tingin sa mata niya.

“BAGAY NA BAGAY.” sabi ni Jeff.

Napaka sweettalaga nitong si Jeff. Gwapong-gwapo siya sa red polo na suot niya. Mahal na mahal ko siya. Ngiti pa lang niya at mga hirit na sweet, tila matutunaw na ko.

Pumasok na kami sa Hall. Halos apat na oras ang tinagal ng program. At sa wakas. Graduate na din ako. Alam ko kahit wala na si Papa ay proud siya sa akin. Masakit man sa kalooban ang ginawa ni Papa. Mahal ko pa din siya at naiintindihan ko siya. Para kay Papa ang diplomang hawak ko.

To be Continued...

" MY SECRET LOVER "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon