Kinabukasan, ay nagpasya muli ako na di muna pumasok.
“Jeff. Di muna ako papasok ngayon ha.”
“bakit? Ilang araw na tayong absent a.” sabi ni Jeff
“maghahanap sana ako muna ng trabaho.” sabi ko.
“Ano? Bakit pa. Andito naman ako.” sabi ni Jeff
“jeff naman. Nakakahiya na sa mga parents mo.” sabi ko na hininaan ang boses.
“no Maria. Its okay. Di naman kami nagkukulang. Tska, gusto naman nila Papa at Mama tulungan ka din. Hindi ka na iba sa kanila.” paliwanag ni Jeff.
“jeff. Graduating tayo. Malaki ang gastos. Mahal ang tuition fee, tapos pati ako gagastusan nila. Sapat na yung tulong na patirahin ako dito” sabi ko.
“Maria. Kapag sinabi kong its okay. Trust me naman o. Please. Andito ka samin kaya sagot ka namin.” sabi ni Jeff na tila yamot na.
“jeff. Edi aalis ako para di niyo ako maging sagutin.” sabi ko.
“ano ba?! Saan ka naman pupunta?! Babalik sa inyo?! Paano kung bumalik Papa mo. Wala ako sa tabi mo. Baka mapano ka na naman.” sabi ni Jeff na yamot na.
“nasa mental na siya. Kaya safe na ko.” sabi ko.
“we'll never know!” pagtataas ng boses ni Jeff.
“jeff, please. Kahit ngayon lang. Bayaan mo muna ako gawin ang gusto ko. I'll go na. “ paalam ko kay Jeff at umalis.
Natameme lang si Jeff sa pag-alis ko.
Naghanap nga ko ng trabaho buong araw. Salamat naman at nakakuha ako ng trabaho sa isang Restaurant. Kaso 6 months lang daw ako pwedeng magtabaho at tapos na daw ang kontrata ko. Sumang-ayon naman ako. Sayang din yun. Magsisimula na daw ako bukas. Umuwi ako sa bahay namin. Alam kong safe naman ako, kasi nasa mental na si Papa. Pagod na pagod ako ngayong araw. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Kumain na naman ako sa labas kanina kaya matutulog na ko. Bigala kong naalala si Jeff kaya kinuha ko ang cellphone ko at tetext ko sana siya. Pero may text siya.
[1 message received]
from: jeff.ko
bahala ka kung ano ang desisyon mo. Basta ako nandito lang if you need me. Pag kailangan mo ng mga notes or xerox hiram ka lang sakin. Nakahanap ka ba ng trabaho? Reply ka pag di ka na busy. Hintayin ko text mo.
Nireplyan ko ang text ni Jeff.
To: jeff.ko
Sorry kung ngayon lang ako nagreply. Nakahanap na ko ng trabaho. Bukas daw ako magstart. Papasok ako bukas at derecho work na.
Nagiintay ako ng reply ni Jeff. Pero wala, tulog na ata. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Hihintayin daw ang reply ko pero nakatulog na siya. HAHAHAHA. Sarap kutusan. :))). sa kakahintay ng reply nakatulog na ko.
***
Nagising ako ng maaga. Nagluto ako ng agahan. Bigla ko namiss si Papa, na dati rati ay piangluluto ako. Kumain na ko at nag-ayos at umalis na.
Sa School.
Pagpasok ko sa room. Bumungad sa akin ang tawanan nila Stephan at Geelyn.
“Maria, anjan ka na pala. Welcome back.” nilapitan ako ni Geelyn at niyakap.
Lumapit din si Stephan at may inabot sa akin.
“uy ano to? Wag na friend. Kahiya naman.” sabay abot pabalik ng 500 na bigay niya.
“Friend, I know kailangan mo yan ngayon. Bigay yan ng barkada.” sabi ni Stephan.
“wag nang tumanggi ha. Super love ka namin.” sabi ni Geelyn.
Sabay na pumasok sa classroom si Arnold at Jeff.
“Maria ano. Musta na?.” bati ni Arnold.
Ngumiti na lang ako sa kanya at baling ng tingin kay Jeff, na nakatingin di sa akin.
Bumalik naman si Stephan at Geelyn sa pagkekwwntuhan. At si Jeff ay umupo sa tabi ko.
“anong oras work mo maya?” tanong ni Jeff
“8pm-5am”
“sa bahay ka na mag-dinner tapos hatid na lang kita sa work mo.” sabi ni Jeff.
“sige ba.”
***
Nagdaan pa ng 4 na buwan. Nagtatrabaho ako habang nag-aaral. Mahirap man ay kailangan gawin para makatapos ako sa pag-aaral. Araw yun ng linggo, day off ko. Binisita ako sa bahay ni Dr. Forte.
“doc. Napadalaw ho kayo.” bati ko kay doc.
“Maria. I have a bad news.” malungkot na pagsabi ni doc.
“ano po yun?” kinakabahan kong tanong.
To be Continued...