(Chapter 1)
Panibagong araw na naman ito para sa akin. Hunyo na naman ngayon kung kaya't pasukan. Makakasama ko na naman ang mga kaklase kong ubod ng mga kulit. At syempre makakasama ko na naman si Jeff, ang pinakamamahal kong kasintahan.
“Maria, anak. Bangon na. Di ba 7:30 ang pasok mo ngayon. Baka mahuli ka nan. Persday pa naman ng klase.” gising sakin ni Papa.
Hindi ko pinansin ang gising sakin ni Papa dahil naantok pa ako. 12Nn na kasi ako natulog kagabi dahil magkachat kami ni Jeff.
“hooooyy! Maria anak. Gising na, masarap ang agahan ngayon na niluto ko. Tapa at sinangag. Hala na gising ka na.” muling sambit ni Papa.
Dali-dali naman akong tumayo at bumaba ng hagdan upang tunguhin ang kusina. Si Papa naman ay ngumingiti habang dahan-dahang bumababa ng hagdan, sabay sabing. “ano anak? Masarap ba ang luto ni Papa?”
Tumango na lang ako sa sobrang sarap ng almusal. Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis tska nagpaalam na aalis na ko.
***
“Maria!!!” bati ni Geelyn. “o Geelyn, kamusta na? Asan sila Arnold at Stephan?” sagot ko sa bestfriend ko. “malapit na daw sila. Excited na nga akong makita si Stephan e. balita ko nagpahaba na daw ng buhok ang bakla. Hahahahaha.” bulas ni Geelyn. Maya-maya ay dumating na si Arnold at Stephen kasama pati si Jeff. “Huwaw, stephan? Ikaw ba yan? Pa-girl aa.” pangaasar ko kay Stephan. “haller, mga baklush. FYI, Steph na ako ngayon.” sabay ngiting sabi ni Stephan na ngayoun ay Steph na daw siya. Agad ko namang binalingan ng ngiti si Jeff. “Ngiti ka jan?” sabi ni Jeff. Agad naman akong sumimangot sabay sabing, “Masama?”. Ngumiti na lang si Jeff sabay kawit ng aking mga bewang palapit sa kanya. “joke lang eto naman di mabiro” sabi ni Jeff sabay pingot sa ilong ko. Ngiti na lang ang sinagot ko sakanya. Narinig na namin ang bell, hudyat na para pumasok na kami. Block section kami kung kaya't kahit 3rd year na kami ay magkakasama pa din kami sa klase. Wala naman masyadong ginawa sa klase ngayong araw. Kaunti lang kasi ang mga guro na pumasok. Kalimitan pa ay wala naman masyadong ginawa. Tapos na ang klase, oras na ba para umuwi? Hindi pa. Syempre ngayon lang kami ulit mga nagkita-kita kaya. Bonding moments muna. Tumambay kami sa canteen at doon nagkwentuhan tungkol sa nagdaang bakasyon. “Stephyyyy. Saan ka nagbakasyon at naisipan mong magpahaba ng buhok? Hahahaha.” pangaasar ni Geelyn. “bora lang naman dear.” pagmamalaki ni Stephan. Nakikinig na lang ako sa kwentuhan ng dalawa. Busog na kasi ako sa kakatawa sa mga hirit ni Stephan. Nasa kasagsagan pa ko ng katatawa ng nagayang umuwi si Jeff. “Tara na hatid na kita sa inyo.” aya ni Jeff. “Sira ka ba? Sa kanto mo lang ako ihatid no. tiyak magagalit si Papa pah nakita niyang hinatid mo ko” sabi ko. “alam ko naman yun. Buti nga nakatagal pa tayo ng anim na buwan e.” yamot na sabi ni Jeff. Hinaplos ko na lang ang mukha ni Jeff. Matapos ang mga kwentuhan ay tuluyan na kaming nagsiuwian. Hinatid ako ni jeff sa kanto at umuwi na rin siya. Habang naglalakad papunta sa aming bahay, naisip ko ang sinabi ni Jeff, buti at nakatagal pa kami gayong walang kaalam-alam si Papa. Naisip ko na lang napakagaling ko magtago. Ayaw kasi ni Papa na mag-boyfriend pa ako. Gusto ni Papa mag-aral muna ako. Nakita ko ang paghihirap ni Papa maitaguyod ako kahit matagal ng patay si Mama. Namatay ito noong ipinagbubuntis ako. Lahat na ata ng trabaho ay gagawin ni Papa, makuha ko lang ang gusto ko. Ang tanging hiling lang ni Papa e wag muna ako mag-boyfriend at mag-aral mabuti. Nang makarating ako sa aming bahay ay agad kong nakita si Papa na nakabihis, “Pa, san punta mo?” tanong ko. “Sa trabaho anak.” sabi ni Papa. “Sige po pa. Ingat po kayo ha.” sabi ko sabay halik sa pisngi ni Papa. Sa dami ng trabahong pinasok ng Papa ko di ko alam ngayon kung anong trabaho niya. Basta alam ko sapat ang kinikita ni Papa para sa amin.
To be Continued...{WAIT FOR THE TWIST. ^^}