Dumaan pa ang mga araw. Halos dalawang beses sa isang linggo ako nakakatanggap ng sulat kay Mr. Secret Lover. Karamihan sa mga pinapadala niya ay mga tula na nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal sa akin. Kalimitang naka lagay sa bag ko ang mga sulat o di kaya'y nasa bulsa ng palda ko. Mga kaduda-dudang paraan na iniisip ko minsan na baka kilala ko rin ang admirer kong ito.
Dahil sa patuloy na pagpapadala ni Mr. Secret Lover ng sulat sa akin ito ang dahilan ng madalas naming pag-aaway ni Jeff.
“tulala ka?” pansin ni Jeff.
“a. never mind me. Im just thinking of that admirer.” sagot ko.
“why? You like him na?” sabi ni Jeff na animoy nagseselos.
“No.” mahina kong sagot.
“e bakit mo siya naiisip? Pikon na pikon na ko sa admirer mong yan ha. Di niya ba alam na may boyfriend ka na?”sabi niya na mejo nagtaas na ng boses.
“Jeff naman. Stop acting like a child.” sagot ko na mejo pataray.
“im not acting like a child Maria. Pag nalaman ko lang sino yang admirer na yan i'll give him what he deserve!.” sabi ni Jeff.
Di na lang ako sumagot sa sinabing iyon ni Jeff. Lalaki lang ng lalaki ang isyu pag sinagot ko pa siya.
***
Huwebes noon nang makatanggap muli ako ng sulat mula sa aking secret admirer.
Maria,
Mamayang 5pm magkita sana tayo. Sa plasa. Magpapakilala na ko sayo.
Mr. Secret Lover
Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na ko kila Geelyn, Stephan, Arnold at Jeff na uuwi ako ng maaga.
“Aga naman ata Maria? May curfew ne?” biro ni Stephan.
“Wala naman. Gusto ko lang umuwi ng maaga ngayon. Masakit kasi ulo ko.” pagdadahilan ni Maria.
“don't tell me buntis ka?” biro ni Stephan sabay tawa.
“bakla ka talaga. Hindi noh.” sabi ni Maria.
“well, kung uuwi ka na. Hahatid na kita.” alok ni Jeff.
“No, Jeff. Gusto ko mag-isa.” dahilan ko.
“alone ba ang drama mo ngayon sis?” sabi ni Geelyn.
“yeah. So, i'll go ahead. See you na lang.” paalam ko sa kanila.
“hahatid na kita sa gate.” hirit pa ni Jeff.
“tara.” pag-anyaya ko kay jeff. Baka kasi makahalata na may iba akong pupuntahan.
Habang palabas ng gate. Hawak kamay kaming naglalakad ni Jeff. Nakita kong nakatitig sa akin si Jeff.
“Nakatitig ka? My problema ba sa mukha ko?”
Napailing na lang si Jeff.
[JEFF POV]
“ang ganda talaga nitong girlfriend ko. Di ko mapigilang titigan lang siya. Sa tangad niyang 5'7 at magandang hubog ng katawan ulam na. Idagdag mo pa ang morena niyang kutis at magandang hugis ng mukha. Bumagay sa mukha niya ang mahaba niyang buhok, matangos na ilong at mapupungay na mata. Hindi lang naman ang tila dyosa niyang itsura ang nagustuhan ko sakanya kundi ang pagiging sweet at maalaga niya sa akin.”
***
“pag-uwi mo. Itext mo na lang ako ha. I love you.” ani ni Maria
“Opo maam. Ingat ka ha. I love you tooo.”sabi ni Jeff sabay dampi ng mga halik sa labi ko.
Pasado alas singko na ng bumyahe ako papuntang plasa. Pagdating roon ay naupo muna ako sa isang gilid doon at naghintay kung may lalapit sa akin. Halos mag tatatlumpung minuto na akong nakaupo doon ng may kumulbit sa akin. Paglingon ko. . .
To be Continued...