CHAPTER 9

192 0 0
                                    

“wow! Tara na let's swim na.” aya ni stephan na naka bathing suit na.

Lahat kaming magbabarkada kasama ang family ay nag-organise ng swimming. Paparty na rin sa amin.

“bakla. Baka lamigin ka nan.” pabiro kong sabi kay Stephan.

“hahaha. Mamaya ka na muna maligo Stephan.” sabi ni Jeff na nakaakbay sa akin.

“guys. Pwede ko bang makuha ang atensyon niyo saglit.” sabi ni Jeff.

Naglapitan naman ang lahat.

“gusto ko lang makita niyo yung gagawin ko.” sabi niya sabay iniharap ako sa kanya.

“Maria. One year and two months na tayong magkarelasyon. Andyan ka pag kailangan kita. Kahit madaming trials ang dumating sa'yo. You never let me go. You let me be with you and together we solve your problems. Hindi ako magsasawang gawin yun, for the rest of my life. Gusto ko ako yung tatakbuhan mo pag malungkot ka, gusto ko ako yung kukulitin mo pag masaya ka at gusto ko ako lang yung mamahalin mo habangbuhay, kasi ikaw gusto ko nang makasama habangbuhay. Will you marry me?”

Sa sinabing iyon ni Jeff ay tila di ko mapigil ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Di ko alam ang sasabihin ko. Basta napatango na lang ako at niyakap niya ako. Matagal kaming nagyakap at matapos nun ay hinalikan niya ako sa labi, tumagal iyon na para bang akoy nasa langit, patuloy pa rin ang agos ng luha sa mga mata ko. Muli ay niyakap niya ako at hinarap namin ang mga tao. Nakita kong kinilig sila.

“how sweet. Ninang ako ha.” sabi ni Stephan.

“Loka. Hindi pa nga kinakasal e.” sabi ni Geelyn.

At nagtawanan ang lahat. Nakaramdam ako ng malamig na hangin na tila yumakap din sa akin. Bigla kong naisip si Papa. Masaya siguro siya sa mga nangyayari.

Inenjoy nga naming lahat ang gabi. Nagswimming kami, nagvideoke at nagkainan. Sobrang saya ng araw na ito. Sana hindi na lang matapos ang araw na ito.

Sinet na namin kung kelan magandang ganapin ang araw ng kasal. Sino ba ang mga daapat imbitahin, ano ba ang mga pagkaing ihahain, saan ba ang venue ng kasal. Hindi na muna ako naghanap ng trabaho, dahil gusto ni Jeff siya na ang gumastos sa lahat. Simula nang naging kami ay pinagipunan na niya ang aming kasal. Wais noh? Alam na niya na kami na talaga ang para sa isa't-isa.

“babe, anong kilay ang gusto mo sa kasal?”tanong ni Jeff.

“maganda ang Pink and Mint Green.” sabi ko.

Okaay. Maganda yan.” sabi ni Jeff.

***

Dumaan ang 6 months. Ayos na ang lahat ng mga kailangan gawin sa Kasal namin ni Jeff. Bukas na ang araw na pinakahihintay ko. Ang kasal namin ni Jeff.

“sis, super pretty mo naman. Sollenn lang ang peg ha.” sabi ni geelyn.

“baleeewww. Hahaha. Natural yan.” pagbibiro ko.

“ikaw na pretty.” sabi naman ni Geelyn.

“ako na. Its me already.” sabi ko.

“oh tara na, andunna daw sila e.” sabi niya.

Sakay ng kotse ay pumunta na kami sa simbahan. Sobra akong kinakabahan. Di ko alam kung bakit. Sadyang ganito lang ba talaga.

Sa kotse.

“Tita Ely, im nervous.” sabi ko.

“i think that's normal iha.” sabi ni tita.

“feeling ko im gonna cry a lot pag nakita ko si Jeff later.” sabi ko.

“Sis, kaya mo yan. Tara na lumabas ka na.” singit ni Geelyn na ipinasok pa ang ulo sa bintana ng kotse.

[Jeff POV]

“arnold, kinakabahan ako e. anjan na ba sila?” tanong ko kay Arnold.

“oo pare. Papasok na daw sila. Ayan na oh.” turo ni arnold.

Maria was really stunning on her long white wedding dress. Natulala ako for a second. She's so gorgeous. Eto ba talaga ang magiging wife ko? OMG, so lucky ko. Nasa kalahati pa lang siya ng nilalakad niya, nagsimula na siyang umiyak. And I can't help myself, napaiyak na din ako. Ang ganda din kasi ng kanta na kinakanta sa likod ko, 'waste another day' ni Brooke Fraser.

***

'Til the suns and planets disappear

I could stay in your arms all year

Even if that means infinity through

If being productive is being with you

Then baby I don't want to waste another day

***

Palapit na siya ng palapit sa akin. Si Tita Ely ang naghatid sa kanya sa altar. Eto na malapit na siya sa akin.

Eto na..

.

.

.eto na..

.

.

.

.

.

.

…....

[Maria's POV]

Pagpasok pa lang, di ko mapigilang umiyak. Sa saya na din siguro at bigla ko rin kasing namiss si papa siya sana ang maghahatid sa akin.

“tita, sana po masaya si Papa nih.” sabi ko habang naglalakad.

“i know he's happy.” sabi ni tita.

Nakita ko sa di kalayuan na umiiyak din si Jeff. Derecho lang ako sa paglalakad. Malapit na ako, malapit na talaga. Pero biglang nanlabo ang mga paningin ko. Para akong nahilo bigla. Pero keri pa din kaya derecho lang ako sa paglalakad kahit mejo nanlalabo mata ko. Malapit na ko, isang hakbang na lang at kasama ko na ang lalaking pinakamamahal ko. Katabi ko na nga siya at nakahawak na ko sa mga braso niya. Sabay kaming naglakad papunta sa altar. Nilingon ko si Jeff, paglingon ko, mukha ni Papa ang nakita ko. Nagulat ako at napasigaw.

“aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh.. . . “

bigla akong nablanko at nandilim ang paningin.

To be Continued...

" MY SECRET LOVER "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon