"Ano ka ba athena! Ngayon ka na nga lang ulit pwede sumama sa gimik nating magkakaibigan aayaw ka pa nakakatampo ka!" Paghihimutok ng aking kaibigang si sandy. Isinisama nila akong gumimik na ayaw ko naman. Mag-aaral nalang ako para sa parating naming pagsusulit kesa naman magsayang ng pera't oras sa gimik na yan."Hindi nga ako pwede sandy! May pagsusulit tayo bukas ng umaga kailangan kong mag-aral" hindi ko alam kung pangilang beses ko na itong naulit sakanya. Ang kulit talaga. "Ikaw talaga athena! Napaka-kill joy mo. Simula nung naghiwalay kayo ni emmanuel nagtutok ka na dyan sa pag-aaral" yan ang pinaka-ayaw ko sa tuwing tinatanggihan ko sila. Ngumiwi ako upang ipakita na hindi ko gusto ang binubuksan niyang usapan. "Hay nako sandy halika na, hindi natin mapipilit ang ayaw." Yaya naman ng aking kaibigang si Almira. Ganyan lagi ang nangyayari samin pagkatapos ng klase namin, hindi naman na bawal samin ang gumimik o ang mag-clubbing dahil hindi naman na kami menor de edad. Nasa kolehiyo na din kami, hindi naman talaga ako ganun kaseryoso sa pag-aaral ko. Kung tutuosin dati, ako pa ang nagyayaya sa aking mga kaibigan na gumimik ngunit simula nung makilala ko si emmanuel at maging nobyo ko hindi na niya ko pinayagan, dalawang taon din kami ni emman ngunit naghiwalay kami walong buwan na ang nakakalipas.
//balik-tanaw//
"Yna, uuwi na ko." Paalam ng aking nobyo sa akin. Kakatapos lang namin gawin ang takdang-aralin namin sa basic calculus. "Sige mahal, ingat ka" tumango lang siya at umalis na. Pagalis ni emmanuel agad agad kong binuksan ang kanyang account sa facebook hindi ko alam kung bakit pero kanina ko itong gustong tignan. Pagkabukas na pagkabukas ko may nakita akong conversation nila ng isang pamilyar na babae kaya naman agad ko itong binuksan at binasa. Habang binabasa ko ito nagsisimula ng magunahan sa pagtulo ang aking mga luha.
Alondra: kailan mo ba sasabihin kay athena ang tungkol satin?
Emmanuel: Maghintay ka mahal ko. Humahanap lang ak ng tyempo.
Alondra: Sawang sawa na kong maghintay emman, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayo. Nasasaktan ako sa tuwing nagkukunwari akong ayos lang sa harap ninyo.
Emmanuel: Nahihirapan pa ko, ayoko din naman masaktan si athena.
Alondra: Ayaw ko din masaktan ang matalik kong kaibigan, mahal. Pero di ko na din kayang makita ka na sakanya. Pasensya ka na.Si Emmanuel Ian Sarmiento ay nagsusulat...
Pero bago pa siya makasagot, ay sumingit ako sa usapan nila.
Ako: Hindi mo na kailangan mag-hintay alondra. Sayo na si emman. Sayang alondra. Itinuring pa naman kitang matalik na kaibigan. Kababata kita pero masisira tayo ng dahil sa isang lalaki.
Pagkatapos ko sabihin ang gusto ko sabihin, ni-log out ko na ito. Tinawagan ko si sandy at almira at nagkuwento.
//kasalukuyan//
Tinignan ko ang aking selpon at nakita ang isang mensahe galing kay mac-mac
Yna, tapos na klase mo? Tara kain tayo sa labas. -Mac
Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may gusto sa akin si mac. Kung pwede ngang turuan ang puso ay gugustuhin kong mahalin si mac. Dahil bukod sa gwapo siya, matalino, masipag at mabait pa. Kaya niya rin ipaglaban ang babaeng mahal niya, kung tutuusin siya ang eksaktong halimbawa mg lalaking gusto ko. Ngunit magkaiba ang gusto sa mahal at hanggang ngayon si emman parin ang mahal ko.
Nagtipa ako ng sagot ko sakanya.
Oo tapos na, bakit? -athena
Ilang sandali lang ay tumunog na ang selpon ko.
YOU ARE READING
Hanggang Ngayon... (Academic Purposes)
Kısa HikayeKailangan ba pag nagmamahal laging masasaktan? Pagkatapos ko Masaktan, sinubukan ko ulit magmahal Pero sa pangalawang pagkakataon, nasaktan nanaman ako.